Chapter 64

1 0 0
                                    

ALAS ONSE NA ng gabi nang nakauwi si Samantha mula sa restuarant, nagpaiwan siya doon para tapusin lahat ng mga papeles na hindi niya napirmahan kaya inabot na siya ng gabi. Pinauna niya na si Loisa dahil dadaan pa ito sa construction site.

Pagdating niya sa mansyon ay dumeretso na muna siya sa kusina para kumuha ng kape dahil meron pa din siyang dapat gawin kaya hindi muna siya matutulog. Palabas na sana siya ng kusina nang makita niyang papasok si Alex kasama si Angela. Inaalalayan niya ito hanggang sa makaupo.

Halos mataranta siya dahil hindi niya alam kung saan siya magtatago kung sakaling pumunta si Alex sa kusina, buti na lang at nakahanda na ang pagkain sa dining area.

"You should eat Angela" sabi ni Alex habang nilalagyan ng pagkain ang plato nito.

Hindi pa din kumikibo si Angela, nakaupo lang ito at parang tulala. Awa ang nararamdaman niya ngayon para kay Angela dahil sa pinagdadaanan nito, ang laki din ng binagsak ng katawan nito.

Nakita niya ang pagbuntong hininga ni Alex, kitang kita niya ang pag-aalala nito para kay Angela. Umupo ito sa tabi nito at pinaharap nito si Angela.

"Honey..." mahinang sabi nito pero narinig pa din niya.

Honey?

"...you need to eat, hindi mo pwedeng pabayaan ang sarili mo, pano tayo bubuo ng pamilya kung hindi mo aalagaan ang sarili mo?" malumanay na sabi nito.

May kung anong sakit na naman siyang naramdaman sa kanyang narinig.

Tumingin dito si Angela. "H...h..hindi mo ako iiwan?"

Umiling iling ito. "Hindi honey, hindi kita iiwan" nakangiting sagot nito.

Nakita niya ang pagkunot noo ni Angela. "...niloloko mo lang ako, alam kong sinasabi mo lang yan para kumain ako"

"No Honey, no, magsisimula uli tayo. Papakasalan kita at bubuo tayo ng pamilya" nakita niya ang pagiging seryoso ni Alex.

"Totoo ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Angela.

Tumango tango si Alex. "Totoo Honey, totoo iyon"

"Pero may mahal ka pang iba" malungkot na sabi ni Angela.

"Unti unti ko na siyang nakakalimutan..." may kung anong sakit na naman siyang naramdaman dahil sa narinig niya. "...noong nakita mo kami dito sa kusina na magkayap at magkahalikan..." nakita niya ang pagtangis ng panga nito. "...iyon na din ang araw na pinakawalan ko ang nararamdaman ko sa kanya"

May kung anong lamig siyang naramdaman at bigla niyang naramdaman ang panginginig ng kanyang tuhod na tila anumang oras ay babagsak siya.

"Alam kong kahit anong pilit ko ay hindi kami para isa't isa, kaya nagpasya akong pakawalan na ang nararamdaman ko sa kanya. Kung gusto mong lumayo tayong dalawa, gagawin ko iyon para sa'yo"

Hindi na niya napigilan ang lumuha, isang tahimik na iyak para hindi siya marinig ng mga ito.

Baby girl, please give me more time

Kaya ba ito humihingi ng konting oras dahil nagpapaalam na ito sa nararamdaman nito.

Tulad ng pagluha niya ay nakita niya din ang pagluha ni Angela. "I love you Alex" malambing na sabi nito.

"I love you Angela" nakangiting sagot ni Alex.

Dahan dahang inilapit ni Alex ang labi nito sa labi ni Angela at nagsimulang halikan ito. Halos hindi na niya kinaya ang eksenang nakikita niya lalo na nang gumanti din ng halik si Angela. Hindi niya alam kung paano siya makakatakas sa kinatatayuan niya dahil habang tumatagal ay mas lalong nanghihina ang tuhod niya sa nakikita niya.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα