Chapter 4

1 0 0
                                    

"SAMANTHA, ARE YOU okay?" tanong ni Loisa nang pumasok ito sa kanyang opisina. "Mula pagdating mo kanina parang ang lalim na ng iniisip mo"

Bumuntong hininga siya bago nagsalita. "I really don't know Loisa, hindi ko alam kung ano ang iniisip ko, pero pakiramdam ko may kulang e, pakiramdam ko meron akong dapat hanapin" naguguluhang sagot niya.

Nakita niya ang pagkunot noo nito. "What do you mean?" nagtatakang tanong nito.

Umiling ilig siya. "I really don't know Loisa"

"You know what this past few days sobrang weird mo"

"I know Loisa, kahit ako napapansin ko yun. Pakiramdam ko kasi may kulang talaga e"

"Ano nga yun?" pangungulit ni Loisa.

Umiling-iling uli siya sa kanyang kaibigan. "Hindi ko talaga alam"

"Pero masaya ka sa kung anong meron ka ngayon diba?"

"I am happy Loisa, sobrang happy ako" sagot niya. "Parang may kulang lang talaga na hindi ko alam"

"Imposible namang hinahanap mo si Tita, alam mo namang matagal na siyang wala..." biglang nanlaki ang mata ni Loisa na tila may naalala o may naisip. "...what about your Tatay? Hindi kaya hinahanap mo ang Tatay mo?" tanong nito.

Napakunot-noo naman siya sa sinabi nito, hindi din niya alam, kung bakit hindi niya man lang naiisip ang kanyang tunay na ama, kung buhay pa ba ito o wala na din tulad ng kanyang ina at wala din siyang ideya kung nasaan o ano ang pangalan nito.

"I don't know Loisa kung yan ang hinahanap kong kulang pero pag-iisipan ko" seryosong sabi niya.

——————

"WHY SO EARLY Hija?" tanong ng kanyang ama pagdating niya sa mansyon.

Isang oras pagkatapos niang mag-usap ni Loisa ay umuwi na agad siya dahil hindi siya makapag-pokus sa trabaho at tila may gumugulo sa isipan niya. Pagdating niya sa mansyon ay agad niyang hinanap ang kanyang ama na kasalukuyang nasa Study Room.

"Are you busy Dad?" tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito.

"Hindi naman, may mga binabasa lang akong documents but it can wait. Why?" baling nito sa kanya.

Umupo siya sa isang upuan na nasa harapan ng lamesa ng kanyang ama.

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "Hmm...Dad, kilala mo ba ang Tatay ko?"

Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito. "I don't know him personally even the name, why Samantha?" pagtatakang tanong nito.

"These past few days kasi Dad I feel incomplete, I don't know kung saang part ng buhay ko or kung bakit ko siya nararamdaman, pero pakiramdam ko may kulang sa buhay ko. Masaya naman ako Dad, masaya akong kasama ko kayo, masaya ako dahil may tinatawag akong pamilya, pero may kulang talaga Dad e. Kung sakaling mahanap ko si Tatay, baka sakaling malaman ko kung ano ang kulang" paliwanag niya.

Kinuha nito ang kanyang mga kamay at bumuntong hininga bago nagsalita. "I don't know kung paano ako makakatulong sa'yo Samantha pero walang problema sa akin kung hahanapin mo ang Tatay mo, it's your rights..." muli itong bumuntong hininga. "...ilang araw ko na ding napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo. Ayaw naman kitang pangunahan dahil gusto ko ikaw ang kusang mag-share ng nararamdaman mo"

"Thank you Dad, thank you for understanding me. You always understand me" nakangiting sabi niya.

"Anything for you Hija" nakangiting sabi nito. "If you want to know about your Tatay, baka may alam ang mga nasa ampunan"

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Where stories live. Discover now