Chapter 87

1 0 0
                                    

NGAYON ANG ARAW na makikipagkita si Andres sa babaeng kausap nito. Nauna na sila sa lugar kung saan magkikita si Andres at ang babae, tulad ng dati ay nagmanman na din sila sa lugar at nakita nila na may mga tauhan na nga dito ng kalaban na nagbabantay din kaya isa isa nilang hinuli ang mga iyon.

Ang namumuno sa kanila ngayon ay si Ben na kasamahan ni John at ito ang kunwaring nakikipagusap sa tauhan ng kalaban sa tuwing nagtatawag ang mga ito sa radyo.

"Dad, are you sure na papasok ka din mamaya?"

"Yes Alex, gusto kong makita kung sino ang nasa likod ng kaguluhan na 'to"

"Pero baka maging delikado"

Umiling iling ito. "Tayo ang may kontrol ng lugar, remember?"

Alam niya ang tinutukoy ng kanyang ama dahil nakuha na nila ang mga tauhan ng kalaban pero hindi pa din mawala sa kanya ang pag-aalala niya para dito at hindi din niya alam kung bakit parang nakakaramdam siya ng kaba.

"Okay Dad, basta mag-iingat ka. If ever na magkaroon ng problema, mauna ka ng lumabas lalo na't ikaw ang kailangan nila"

"Don't worry Alex, stick to the plan tayo" nakangiting sabi nito.

Kasama nila sa lugar si Loisa at Rebecca pero nasa labas lang ang mga ito dahil ayaw ng ama nito na madamay pa ang dalawa kapag nagkagulo, gusto mang sumama ng dalawa ay wala din nagawa ang mga ito dahil sa kanyang ama. Sila ni Pierre at ang kanyang ama ang magkakasama ngayon habang hinihintay ang pagdating ni Andres.

Halos tatlumpung minuto sila naghintay nang dumating si Andres. Pumasok ito sa gusali at agad naman itong sinalubong ng dalawang lalaki. Isang lumang gusali ang lugar na pinuntahan nila, walang gamit maliban sa isang pa-L shape na sofa at isang maliit na lamesa, wala din kahit isang silid sa lugar kaya sigurado sila na doon maguusap si Andres at ang kausap nito.

Pinaupo ng dalawang lalaki si Andres at sinabihan na maghintay muna doon.

Naririnig nila ang usapan ng mga ito dahil may aparatu kay Andres at meron silang headset na nakakonekta sa dala ni Andres.

Hindi naman nagtagal ay dumating ang isang babae, nakasunod dito ang isa pang lalake. Sa ngayon ay may tatlong lalake sa loob na kung tutuusin ay kaya nilang labanan, nakapukos siya sa mga ito nang biglang magsalita ang kanyang ama.

"I know her" nakakunot noong sabi ng kanyang ama.

"What did you mean Dad?"

"She is one of my investors, siya yung tinutukoy ko na makulit na investors na gustong laging makipagkita sa akin at ang pinaiimbestigahan ko kay Rebecca"

"What?" gulat din na tanong ni Pierre. "Are you sure Tito?"

"Yes Pierre, I am very sure. Siya yun"

"May napapansin po ba kayo Tito sa tuwing nagkikita kayo?" seryosong tanong ni Pierre.

Nakita niya ang pagkunot noo ng kanyang ama. "Wala naman, why?" baling nito kay Pierre.

Umiling iling naman si Pierre. "Hindi kaya matagal ka na niyang inoobserbahan kaya madalas siyang makipagkita sa'yo?"

Napaisip siya sa sinabi ni Pierre dahil may posilidad nga na matagal ng minamanmanan ang kanyang ama.

"Kung nakakalapit siya kay Dad bakit hindi pa niya kinuha si Dad kung siya talaga ang pakay nito?" hindi niya alam kung para kanino ang tanong niya.

"Baka iba ang kailangan niya?" patanong na sagot ng kanyang ama.

"Baka may gusto pa siyang malaman?" patanong na sagot naman ni Pierre.

"O baka naman iba talaga ang kailangan niya?" patanong na sagot din niya sa sarili niyang tanong.

"Pero sino?" kunot noong tanong ni Pierre.

"Iyan ang kailangan nating malaman, pero natatakot ako para kay Samantha" seryosong sabi ng kanyang ama.

"Why Dad?"

"To think na nadadamay ang pamilya ni Samantha, si Abel at ang kapatid niya, para saan? Para sa akin? Para makuha nila ako? Non sense dahil maraming pagkakataon na pwede nila akong kunin lalo na kapag nagkikita kami..." bigla itong naging seryoso. "...what if si Samantha talaga ang kailangan nila at nililigaw lang nila tayo para walang makahalata"

Bigla siyang nakaramdam ng takot para kay Samantha lalo na't hindi nila alam kung saan ito tumutuloy at hindi nila alam kung kumikilos itong mag-isa.

Magsasalita sana siya nang marinig mula sa headset niya na nagsalita ang babae kaya ibinaling niya ang kanyang tingin kay Andres at alam niyang ganoon din ang kanyang ama at si Pierre, maging si Ben na meron ding headset.

"Finally, we've have meet" nakita niya ang pagngiti ng babae.

Nagkatinginan sila ng kanyang ama at alam niya na ang ibig sabihin ng tingin na iyon.

"Iba ang boses niya Dad" sabi niya dito.

Tumango tango ang kanyang ama. "I know son, hindi siya ang kausap ni Andres sa phone"

Muling nabaling ang tingin niya sa baba nang magsalita si Andres.

"Yeah, akala ko nga nakalimutan mo na ako. Akala ko ginamit mo lang talaga ako"

"Hindi ko magagawa yun, ilan lang kayong kakampi ko kaya hindi ko magagawa na iwan ka na lang basta"

"Basta tuloy pa din ang usapan natin tungkol kay Samantha, dapat sa akin siya mapupunta. Ito ang pagkakataon ko na sa akin siya mapupunta"

"Don't worry sayong sayo siya mapupunta at wala ng iba"

"Thanks. So ano na ang next move? At paano mapupunta sa akin si Samantha?"

"Nagmamadali ka ba?" natatawang tanong ng babae.

"Gusto ko ng makasama si Samantha, ang tagal ng panahon na hanggang tingin na lang ako sa kanya..." hindi alam ni Alex kung bakit pakiramdam niya ay totoo ang sinasabi ngayon ni Andres. "...wala akong pagkakataon na makalapit sa kanya ng matagal. Noong bata pa lang kami, si Ronnie ang lagi niyang kasama, noong wala siyang maalala si Alex naman ang lagi niyang kasama, noong nagkaproblema sila ni Alex si Pierre naman ang kasama niya, wala akong pagkakataon lapitan siya"

Narinig niya ang pagtawa ng babae. "Stop doing that, masyado mong kinakaawaan ang sarili mo. Wala kang magagawa kung kakaawaan mo lang ang sarili mo, kailangan mong kumilos, kailangan mong gumalaw"

"What did you mean?"

"Gagawa ako ng paraan na makuha si Samantha para maibigay ko na siya sa'yo" hindi na siya nagtataka sa kanyang narinig dahil napagusapan na din nila iyon na si Samantha ang pupuntiryahin ng mga ito. Tama ang desisyon ng kanyang ama na wag ng kulitin si Samantha kung nasaan ito ngayon.

"Pero kailan? Hindi nga namin alam kung nasaan siya e, hindi nga namin alam kung pati kami tinataguan niya"

"Don't worry I have my ways, magugulat ka na lang kapag nandito na siya"

Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng takot sa sinabi nito, hindi niya alam kung may alam ba ito kung nasaan si Samantha ngayon.

"I hope na mapatawad ako ni Samantha dahil sa ginawa ko"

"I said stop it" halata na ang inis sa boses ng babae.

"Sorry, anyway ano pala ang sinasabi mong bago nating plano?"

"Ow! Yeah! Just wait for a moment may hinihintay lang ako"

"Sino?"

"Mga bisita" nakita niya ang makahulugang ngiti nito.

"Bisita? Akala ko ba nag-iingat ka sa mga pwedeng makaalam sa lugar na ito"

"Yeah, kailangan kong mag-ingat kaya kailangan ko munang ayusin ang mga nakakalat dito bago tayo magsimula"

"What did you mean?"

Ganoon na lang ang gulat ni Alex nang biglang may pumalo sa kanyang ulo at bigla na lang dumilim ang kanyang paligid.


Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon