Chapter 96

1 0 0
                                    

"WE NEED TO go inside"

"Yeah, sunod sunod ang putukan, kailangan nila ng back up"

"Let's go"

Biglang nakaramdam ng takot si Alex dahil sa sunod sunod na putok ng baril na narinig nila. Hindi iyon kasama sa plano nila dahil ayaw nilang may mapahamak.

Pagpasok nila sa lugar ay nakita nila sila Agnes na nakikipagpalitan ng putok ng baril. Hindi pa din nito kasama sila Samantha.

"What happened?" tanong ni John nang makalapit sila kay Agnes.

"I don't know, nakarinig kami ng isang putok. Ang akala namin isa lang, papalapit na sana kami kala Angela pero biglang naglabasan ang mga tauhan mula sa taas pababa ng hagdan"

"Asan na sila?" si Pierre naman ang nagtanong.

Umiling iling si Agnes. "We don't know, bigla silang nagtago at hindi namin alam kung saan sila nagtago"

"Kailangan lang muna nating ubusin ang mga tauhan ni Tonneth, makikita agad natin sila kung nandito lang sila sa baba" sabi naman ni John.

Pumasok na din ang ibang tauhan ni John at tumulong makipagbarilan sa mga kalaban. Hindi na alam ni Alex kung gaano katagal ang palitan ng putok pero nagulat na lang sila nang hindi gumanti ang mga kalaban.

"What happened?" tanong niya kay John.

"Hindi ko pa alam, hindi ko makita ang palig..."

Hindi natapos ni John ang sasabihin nito nang biglang lumiwanag ang paligid at ganoong na lang ang gulat nila nang makita si Angela na hawak hawak ng isang lalaki, nakatutok sa ulo ni Angela ang baril ng lalaki.

"No more moves or else papatayin ko ang babaeng 'to" umalingawngaw ang boses ni Tonneth sa kung saang direksyong hindi nila alam.

Hinanap niya sa paligid si Samantha pero hindi niya ito makita, may nakita siyang isang babae na nasa tabi ni Andres baka ito ang tinutukoy na Elma ng mga ito. Muli niyang iniikot ang tingin niya sa paligid pero hindi talaga niya makita si Samantha.

"How dare you betraying me Angela?" tanong ni Tonneth na ngayon ay katabi na ni Angela. Hindi niya napansin kung saan ito nanggaling dahil sa paghahanap niya kay Samantha.

"You deserve to be betrayed bitch, you threaten me with my family" matapang na sabi ni Angela.

Bigla itong sinampal ni Tonneth pero hindi nagbago ang mukha ni Angela at matapang pa din nitong tiningnan si Tonneth.

"What? Are you scared?" matapang na tanong nito kay Tonneth. "Akala mo magiging sunod sunuran mo ako? You're wrong, I am more than that"

"What do you mean?" nagtatakang tanong ni Tonneth.

"What if sabihin ko sa'yo na ako ang totoong kausap mo? At ako ang nag-uutos sa'yo?"

Nagulat siya sa sinabi ni Angela, wala siyang ideya sa sinasabi nito pero sa tono ng pananalita nito at sa mukha nito ay tila seryoso ito sa mga sinasabi. Pero sa halip na makinig ay pasimple siyang umalis sa pwesto niya at pasimpleng lumayo para hanapin si Samantha.



SHIT! KAILANGAN KONG kumalma.

Halos mahilo si Angela dahil sa pagkakasampal sa kanya ni Tonneth, pero hindi niya iyon pinahalata dito. Alam niya na ang kanihaan nito kaya kailangan niya lang unahan ito.

"What? Are you scared?" matapang na tanong niya dito. "Akala mo magiging sunod sunuran mo ako? You're wrong, I am more than that" tinaasan niya pa ito ng kilay.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن