Chapter 47

1 0 0
                                    

DAHIL WALA SI Pierre ay mag-isa siya ngayon sa ospital, hanggang ngayon ay iniisip pa din niya kung ano ang napanaginipan niya kagabi dahil bigla niyang hinanap ang kanyang ama. Pero dahil hindi pa din niya maalala at pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa kakaisip kaya inabala na lang niya ang kanyang sarili sa kanyang laptop at nagpasyang magtrabaho kahit nasa ospital siya.

"Sam"

Muntik niyang mabitawan ang kanyang laptop nang marinig ang kanyang ama, dahil sa pagiging abala ay hindi na niya napansin ang paggising nito kaya halos magmadali siya sa paglapit dito.

"Tay? Wait po tatawag po ako ng doctor" natatarantang sabi niya dito.

Agad siyang lumabas ng silid para magtawag ng doktor na kasama niya na pagbalik niya sa silid. Kung anu-ano ang ginawa sa kanyang ama para tiyakin na nasa maayos na itong kalagayan.

"So far, stable na ang condition ng Tatay mo, pero we need to wait hanggang bukas para malaman natin kung pwede na siyang makalabas" sabi ng doktor.

Marami pang sinabi ang doktor pero hindi na niya iyon naintindihan pa dahil gusto niya ng puntahan ang kanyang ama at maka-musta ito.

"Tatay" mahinang sabi niya nang tuluyan ng makaalis ang doktor.

"Sam, gusto ko ng umuwi" mahinang sabi nito.

"No Tay, kailangan niyo pang magpagaling"

"Pero naabala na kita dito"

"Tatay, hindi mo ako naabala okay? Mas gusto kong nandito tayo dahil mas nababantayan ka ng doktor"

"Pero paano ang tahi natin at ang trabaho mo?"

"Tay, please isipin mo ang sarili mo, wag ako o ang patahian, dahil okay lang talaga ako at mahahabol natin lahat ng tahi natin"

Tumango tango ang kanyang ama bilang sagot. Nang dumating ang rasyon ng pagkain para sa pasyente ay inaayos niya agad iyon at tinulungan ang kanyang ama para kumain.

Magana naman ang kanyang ama sa pagkain, kung titingnan nga ito ay parang walang sakit maliban na lang siguro sa paghinga nito pero kahit papaano ay maayos na ang paghinga nito ngayon hindi tulad noong nasa bahay sila.

"Kamusta ang pakiramdam mo Tatay?" tanong niya nang matapos silang kumain.

"Okay na ako anak, mas okay na pakiramdam ko"

Nginitian niya ito. "Mabuti naman Tay, sobrang nag-aalala ako sa'yo noong araw na sinugod ka namin ni Pierre dito" seryosong sabi niya.

"Paumanhin anak kung pinag-alala kita" sabi nito at iniikot ang mata sa loob ng kwarto. "Asan pala si Pierre?"

"Lumuwas muna Tay, may meeting siyang kailangang puntahan, babalik daw siya agad pagkatapos niya sa meeting"

Tumango tango ito. "Alam mo ba napanaginipan ko ang Nanay mo" nakangiting sabi ng kanyang ama.

"Talaga po? Ano po ang napanaginipan mo?"

"Napanaginipan ko na nasa picnic tayong tatlo, tapos ikaw ay nag-eenjoy sa bangka habang hinihintay na maluto ang pagkain natin"

Napakunot noo siya dahil pakiramdam niya ay pamilyar ang eksena na iyon pero hindi niya alam kung saan at kailan iyon nangyari sa kanya.

"Nakita ko uli kung paano ngumiti ang Nanay mo, sobrang miss ko na siya" malungkot na sabi nito.

"Miss ko na rin siya Tatay" pinilit niyang ngumiti para hindi na lalong malungkot ang kanyang ama.

"Alam mo ba na muntik na akong magpakamatay dati dahil sa pag-iwan niyo sa akin, dahil sa katangahan na ginawa ko sa inyong mag-ina. Akala ko kakayanin ko na wala kayo sa akin pero hindi pala" nahihiyang sabi nito.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Where stories live. Discover now