Chapter 91

1 0 0
                                    

 "HINDI TOTOO NA pamilya ko ang hinahanap ko dahil ang totoo, si Aivee ang hinahanap ko. Hindi ako mapakali sa balitang wala na si Aivee, hindi ko alam kung bakit pero malakas ang pakiramdam ko na buhay pa siya kaya nagdahilan ako na hahanapin ang pamilya ko para makaalis ako. Bago ako umalis ay pinuntahan ko muna si John para alamin kung saan nakita ang bangkay ni Aivee. Dahil pareho kami ng iniisip ni John ay sumama din siya sa akin para malaman kung ano ang totoo. Until out of nowhere ay bigla na lang tumawag sa akin si Samantha para magpatulong..." bumuntong hininga si Agnes bago muling nagsalita.

"...meron daw siyang iniimbestigahan at kailangan niya ng taong maglalagay ng CCTV sa mga bahay-bahay..."

"Kaninong bahay?" kunot noong tanong ng kanyang ama.

Nakita niyang nagtinginan muna si Agnes at si John, nakita niya ang pagtango ni John.

Muling bumuntong hininga si Agnes. "Matagal ng nag-iimbestiga si Samantha tungkol sa pagkawala ng kapatid niya, ilang beses niya ng nakita na merong umaaligid sa bahay ni Tatay Abel nung nandoon pa siya, kahit noong burol at libing ni Tatay Abel ay tahimik niyang pinagmamasdan ang pinaghihinalaan niyang lalaki" ganoon na lang ang gulat niya nang marinig ang sinabi ni Agnes dahil ang akala nila ay sobrang lungkot ang nararamdaman nito kaya ayaw makipagusap kahit kanino.

"...nalaman niya ang tungkol kay Lily na ina ng kapatid niya, ang tungkol sa pamilya ni Lily, ang tungkol sa isang lalaki na sumusunod kay Lily, ang mga dating trabaho ni Lily pati ang babaeng inutusan ni Lily na bantayan ang mga bata. Pinalagyan niya ng CCTV ang bahay nila sa Laguna, bahay ni Lily, pati ang bahay ni Elma. Pinabantayan niya sa akin ang isang lalaki na nakabantay sa bahay nila Lily at pinabantayan din niya sa akin si Angela"

Nakita niyang tinanguan ni Agnes si John.

"Dahil alam ni Samantha na magkasama kami ni Agnes, nagpatulong siya sa akin na hanapin si Elma at Roberto pero hindi namin sila makita. Matagal na naming minamanmanan ang bahay ampunan kung sakaling bumalik doon si Elma. Kay Angela lang namin nalaman na nasa kanila ang dalawa"

"Paano niyo nakilala Angela?" tanong niya sa dalawa.

"Tulad ng sinabi ni Agnes, pinasundan siya sa amin ni Samantha dahil hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan si Angela hanggang sa napatunayan namin na pwedeng siyang pagkatiwalaan. Pero isang beses noong nakipagkita sa akin si Samantha ay sinabi nitong aalis muna siya at hindi muna magpapakita, nagduda kami ni Agnes kaya nilapitan namin si Angela"

"Nalaman namin ang tungkol sa plano nitong sumama kay Tonneth, ayaw naming sirain ang plano niya kaya nakikipagusap na lang kami kay Angela. Alam namin ang tungkol sa pagkikita niyo kahapon, kami ang nagdala ng pulis" si Agnes naman ang nagsalita.

Naguguluhan siya sa daming impormasyon na nalalaman niya, hindi niya alam kung paano kinaya ni Samantha ang lahat ng imbestigasyon na iyon ng siya lang.

"Ano pa ang alam niyo tungkol sa iniimbestigahan niya?" tanong ng kanyang ama.

Umiling iling si Agnes. "Iyon lang ang alam ko Tito Tonny, hindi niya sinasabi ng buo ang tungkol sa mga plano niya pero humihingi lang siya ng favor sa akin"

Nakita niya ang pagtango tango ng kanyang ama. "What about you Angela?" baling nito kay Angela.

Kanina niya pa ito gustong tanungin pero sinabi ni Agnes na sila muna ang magkukuwento at hayaan munang magpahinga si Angela dahil sa kabang nararamdaman nito. Kanina niya pa ito tinitingan pero hindi ito tumitingin sa kanya. Napansin niya din ang panaka-nakang tingin ni Andres kay Angela.

Huminga ng malalim si Angela na parang nagdadalawang isip kung magsasalita pa ito.

"It's okay Angela, they will listen, they will understand" malumanay na sabi ni Agnes dito, hinawakan pa nito ang kamay ni Angela.

Tumango tango ito at muling bumuntong hininga. "When I found out na buntis ako, I decided na ipalaglag ang bata..." nagulat siya sa sinabi nito. "...I'm sorry Alex pero alam mo naman siguro kung bakit diba?" naiilang itong tumingin sa kanya.

Tumango siya dito. "I know, pero bakit pati ang bata?" may diin na tanong niya.

Nakita niya ang paglunok nito. "That time nagiging okay na kami ng lalaking mahal ko, nagiging maayos na ang relasyon namin dahil sinabi niya sa akin na naghiwalay na sila ng asawa niya. Kaya nagdesisyon ako na ipalaglag ang bata dahil ayokong masira ang relasyon namin, alam mo naman na matagal ko na siyang hinintay. Naka-schedule na ako para sa pagpapalaglag ko sa bata, hinihintay ko na lang ang araw na iyon. Pero isang araw nahuli ko sila na magkasama sa isang mall, na salubong ko sila, ang sweet nila sa isa't isa at kumpleto pa silang pamilya, nilapitan ko sila pero hindi niya ako pinansin, nilagpasan lang nila ako. After 1 week nalaman ko na umalis na ang buong pamilya at nanirahan na sa ibang bansa. I don't know what to do, I was hurt big time, niloko niya ako..." ramdam na ramdam niya ang sakit na sinasabi ni Angela dahil alam niya ang tungkol sa lalaki. "...I decided na sabihin na lang sayo ang totoo total may usapan naman tayo ng after 1 month magpapakasal na tayo, pero ilang beses kitang tinawagan, ilang beses din kitang hindi ma-contact. I was mad at you for avoiding me, feeling ko pati ikaw iniwan mo na din ako..." bahagya itong napangiti. "...dahil ba nagsawa ka na sa katawan ko" mahinang sabi nito.

No. Gusto niyang sabihin pero wala siyang lakas ng loob na sabihin iyon.

"Then I decided na puntahan kita dito at dahil sa galit na nararamdaman ko ay hindi naging maayos ang pagpunta ko dito, alam kong nagulo ko kayo. Totoong nahiya ako kay Samantha nang malaman ko na may relasyon pala kayo, ayokong manggulo, wala akong karapatan dahil ilang beses ko na din tinanggihan ang pagmamahal mo sa akin but..." muli itong huminga ng malalim. "...nang maramdaman ko ang pagaalaga mo sa akin at nakita ko ang excitement mo na magkakaroon ka na ng anak, I feel greedy, I want you more, gusto ko na sa akin lang ang atensyon mo, gusto ko ako lang ang inaalalagaan mo..."

Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon sa sinasabi ni Angela, hindi niya alam ang halo-halong emosyon na nararamdaman niya.

"...everytime na nakikita ko kayo ni Samantha, I feel jealous, how you care, how you touch her, how you smile to her, I am fucking jealous and I hate myself kung bakit ngayon ko lang naramdaman iyon, kung bakit hindi ko iyon nakikita dati. Kaya gumagawa ako ng way para maagaw ang atensyon mo, alam ko na kung paano agawin ang atensyon mo dahil ipinaramdam mo na sa akin iyon kaya hindi na ako nahirapan. Hanggang sa unti unti mo ng nakakalimutan si Samantha, hanggang sa hindi mo na siya napapansin na wala siya sa mansyon, hindi mo na alam kung anong oras na siya umuuwi, ni hindi mo na din napapansin kung ano ang nararamdaman niya..."

Halos manlamig ang buong katawan niya dahil naalala na naman niya ang panahon na nawala na ang atensyon niya kay Samantha.

"...at nagkaroon pa ako ng mas malaking chance ng malaman ko na magkapatid kayong dalawa, dahilan para maging demanding ako sa'yo. I remembered na nakita ako ni Samantha sa OB at hindi sinasadyang narinig niya kung ano ang totoo kung kalagayan, inaasahan ko na sasabihin niya iyon sa'yo pero wala siyang sinabi. Kahit na sinisi ko siya sa pagkamatay ng anak natin kahit wala naman talaga siyang kasalanan, kahit na nasaktan ko ang mga kapatid niya wala pa din siyang sinabi sa inyo" muli na naman itong huminga ng malalim.

"...when we are preparing for our wedding doon may tumawag sa akin at tinanong ako kung gusto ko daw bang gumanti kay Samantha. Sinungitan ko pa siya dahil iyon agad ang bungad niya sa akin kaya agad kong pinatay ang tawag. After 1 day tinawagan niya uli ako at iyon uli ang sinabi niya sa akin. Mapupunta daw sa akin si Alex at makakabawi ako kay Samantha, meron din daw utang sa kanya si Samantha, sinisiraan niya si Samantha na kunwari lang daw siyang mabait..." muli itong bumuntong hininga. "...and the greedy inside me kicks in. I want you Alex kaya pumayag ako sa gusto niya, lahat ng sabihin niya ay ginagawa ko, gusto niyang malaman ang tungkol kay Samantha..."

Muli na naman siyang nakaramdam ng galit para dito.

"Dahil naging abala na si Samantha ay wala na akong makuhang impormasyon sa mga ginagawa niya, nagalit sa akin ang kausap ko, she wants more information pero wala na akong makuha. Doon na nagsimula ang takot at pagod ko dahil sa kausap ko, I think the right term is stress. Sobrang stress na ako sa kanya dahil wala na talaga akong maibigay, to the point na pati family ko ay idadamay niya daw kapag wala akong naibigay sa kanya, nagsend pa siya ng picture ng family ko. The day when Samantha leave with her siblings, narinig niya ako sa beranda na may kausap at nagkagulatan pa kami sa isa't isa nang makita ko siya"

So alam na din ni Samantha dati pa?


Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon