Chapter 11

1 0 0
                                    

"LOSIA, MARAMI NA bang ginagawa ngayon si Sam?"

"Oo marami siyang ginagawa, natambakan kasi siya ng work noong umalis siya" sagot nito.

Alas-dose na pero wala pa din si Samantha, hindi niya alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanyang kasintahan dahil madalas silang hindi nagpapang-abot sa mansyon.

"Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi sumasagot, hanggang ngayon wala pa din siya" nag-aalalang sabi niya.

"Ha?" nakita niya ang gulat ni Loisa. "How come na wala pa siya, e after lunch nagpaalam na siyang uuwi dahil may sakit siya" sabi nito na kinabigla ni niya.

"May sakit siya?"

Kasalukuyan silang nasa sala dahil naghanda uli ng pagkain si Angela at niyaya nito ang mga tao sa mansyon.

"Oo, ang taas ng lagnat niya kanina at hindi niya daw kayang magtrabaho kaya uuwi na lang daw siya" sagot ni Loisa na nakitaan na din niya ng pagtataka.

"Galing ako sa kwarto niya pero walang tao, wala din ang sasakyan niya" lalong siyang nakaramdam ng pag-aalala para kay Samantha.

"Call her again Alex" suhesyon ng kanyang ama.

Ilang gabi na din nakakasama ni Alex ang kanyang ama sa gantong oras dahil kay Angela, ito na ang nagiging bonding nila tuwing madaling araw pero kahit kailan ay hindi pa nila nakakasama si Samantha sa bonding na iyon na ikinalulungkot niya.

"Hello?"

Nakailang tunog ang tawag niya bago may sumagot, pero nagulat siya nang biglang marinig ang boses ng isang lalaki.

"Who the hell are you?" tanong agad niya dito.

"Sir Alex, ako po to si Bernie yung security guard sa restaurant. Kanina ko pa kasi naririnig yung cellphone ni Ma'am, akala busy lang siya yun pala tulog na dito sa opisina niya at sobrang init niya Sir"

"What? Did you touch her?" pagalit na tanong niya.

"Sa noo lang Sir, para malaman ko kung ano ang nangyayari sa kanya sobrang nilalamig siya Sir"

"Okay, I'll go there. Don't touch her again" binaba na agad niya at akmang aalis na nang magsalita ang kanyang ama.

"What happen?" nagtatakang tanong nito.

"Nasa restaurant si Sam at mataas ang lagnat"

"I'll go with you"

"No need Dad, ako na ang bahala"

Palabas na siya nang magsalita si Angela. "Alex, where are you going? Luto na yung pagkain"

Napalingon siya kay Angela. "I need to go to Sam"

"Hindi mo ako sasamahan dito?" nakangusong sabi nito.

"Maybe next time, kailangan ako ni Sam ngayon"

"Pero kailangan ka din ni Baby"

"Angela, I need to go to Sam" may diin na sabi niya.

Hinawakan nito ang kanyang tyan at hinimas-himas iyon. "Sorry baby, busy si Daddy ngayon" mahinang sabi nito.

Hindi na niya pinansin iyon at tuluyan na siyang umalis.

Ilang araw na niyang napapansin ang pagiging tahimik ng kanyang kasintahan, pinipilit nitong maging masaya sa harap nila pero punong-puno ng kalungkutan ang mga mata nito. Alam niya na abala ito sa paghahanap sa Tatay nito pero hindi niya matukoy kung meron pa bang problema ang kanyang kasintahan. Alam niya na dahil abala siya ngayon sa kumpanya niya ay hindi niya masyadong nabibigyan ng oras si Sam, pero naiintihan siya nito dahil sobrang maunawain ang kanyang kasintahan.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon