Chapter 98

1 0 0
                                    

 "HOW'S EVERYONE!" TANONG ni John nang mawala na ang usok.

Isa isang tiningnan ni Alex ang paligid at laking gulat niya nang makita si Andres na walang malay na nakasandal sa hita ni Angela.

"We need to bring him to the hospital right now" nagaalalang sabi ni Angela.

"Shit! What happened?" agad na tanong ni Agnes na halata din ang gulat.

"I don't know" umiiling iling na sagot ni Angela. "Naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na siya kanina at inaalalayan ako papunta dito"

"Iniligtas ka niya Angela, noong makakita siya ng pagkakataon para puntahan ka ay agad ka niyang pinuntahan. Nakita namin na babarilin ka ni Tonneth kaya hinarang niya ang sarili niya" si Elma ang sumagot na nasa tabi na din pala nila.

Nakita niya ang gulat sa mukha ni Angela na parang hindi makapaniwala sa ginawa ni Andres para dito.

"Where is Sam?" si Loisa ang nagtanong.

Umiling iling siya. "Kanina ko pa siya hinahanap, humiwalay ako sa inyo para hanapin siya pero hindi ko siya makita"

"We need to find her..." hindi natapos ang sasabihin ni Angela nang mrinig nila si Tonneth.

"ANGELA!!!" sigaw nito sa pangalan ni Angela. "How dare you na lokohin ako. Lumabas ka diyan sa tinataguan mo" halata ang galit sa boses nito.

"Unti na lang ang tauhan niya, kaya na natin 'to" sabi ni John na nakasilip lang mula sa tinataguan nila.

"Enough Tonneth, sumuko ka na dahil unti na lang kayo" sagot ni Angela dito.

Narinig nila ang pagtawa ni Tonneth. "Tingin mo hanggang dito na lang ako..." tumawa uli ito. "...sabay sabay tayong mamatay dito"

Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng takot sa sinabi ni Tonneth kaya pasimple niya itong sinilip. May hawak ito sa kamay na hindi niya alam kung ano.

"Kapag hindi ka lumabas diyan, papasabugin ko na ang lugar na ito..."

"Shit! We need to find Sam..." natatarantang sabi niya sa mga kasamahan niya.

Nakita din niya ang takot sa mga kasama niya.

Narinig niya ang pagbuntong hininga ni John. "Kailangan niyo ng umalis, kami na ang bahala dito, hahanapin namin si Sam bago kami lumabas"

Umiling iling siya. "No, sasama ako hindi ako lalabas ng wala si Sam"

"Kukunin ko ang atensyon niya..." nagulat sila ang magsalita si Angela. "...habang ginagawa ko yun hanapin niyo si Sam, hindi ko alam kung gaano ko katagal makukuha ang atensyon niya pero please bilisan niyo"

"Angela, delikado yan. Galit siya sa'yo kaya may posibilidad na babarilin ka agad niya" nag-aalalang sabi ni Agnes.

"Pero iyon lang ang paraan para mahanap natin siya..."

"I'll count one to ten Angela, kapag hindi ka lumabas, sabay sabay tayong sasabog dito... One... Two..."

"Angela, wag mong isakripisyo ang sarili mo..." nagulat sila nang marinig si Andres, halata sa boses nito ang panghihina.

Nakita niya ang pag ngiti ni Angela dito. "Sana sinabi mo yan sa sarili mo..." bumuntong hininga ito. "...magpagaling ka, kailangan mo pang mag-sorry sa akin ng maayos"

"Three... Four..."

Nagulat siya nang bigla siyang tingnan ni Angela. "Please Alex, iligtas mo si Sam" sabi nito at agad tumayo.

"Five... Six..."

"I'm here" sabi nito habang nakataas ang kamay.

"Let's go find Sam..." hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang makarinig sila ng sunod sunod na putok.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Место, где живут истории. Откройте их для себя