Chapter 34

1 0 0
                                    

"HI SAM"

"Dad, bakit hindi ka nagsabing darating ka ngayon?" itinigil ni Samantha ang kanyang pananahi para salubingin ang kanyang Daddy Tonny.

"Para ma-surprise kita" nakangiting sabi nito.

"May pa-surprise ka pang nalalaman..." nakangiting sabi niya. "Pasok muna tayo Dad"

"Where is your Tatay Abel?"

"Naghatid sila ng tahi ni Pierre kaya mag-isa lang ako ngayon" sagot niya habang inaayos ang pagkaing dala nito. "Buti na lang pala hindi ako sumama kasi kung kasama ako wala kang maabutan dito Dad" natatawang sabi niya.

"Oo nga no" natatawa ding sabi nito.

Inilapag niya ang pagkain sa maliit na lamesa na nasa sala. "Kain ka na muna Dad"

"Sabayan mo na ako Sam"

Umupo naman agad siya sa katapat na upuan ng kanyang ama.

"How are you Sam? Okay na ba yung sugat mo?"

"Yes Dad, okay na since hindi naman ganoon kalalim yung sugat ko kaya mabilis lang gumaling, medyo masakit nga lang yung sa braso ko"

"That's good. How about your restaurant?"

"So far so good Dad, smooth flow naman ang restaurant kahit nandito ako. Next month open na uli yung restaurant dahil patapos na yung renovation sa 2nd floor and also..." napa-isip bigla siya tungkol sa progreso ng pangalawang restaurant na pinapatayo niya. "...the other branch, matatapos na iyon within 3 months kaya magiging busy ako. Siguro kapag nag-open na uli yung isa mas madalas akong nasa Manila"

Doon lang niya naalala na mapipilitan pala siyang manitili ng matagal sa Manila dahil sa isang restaurant na bubuksan niya.

Tumango tango ang kanyang ama. "For sure magiging busy ka nga kapag nagbukas na yung isang restaurant. How about itong patahian, kamusta kayo dito?"

May pagtataka man siya dahil sa sunod-sunod na tanong ng kanyang ama ay pinalagpas na lang niya iyon.

"Okay naman Dad, halos patapos na lahat ng backlog ni Tatay kaya hindi na siya stress pero gusto pa din niyang kumuha ng ibang tahi e"

"Bakit ayaw na lang magpahinga ni Abel para makabawi siya ng lakas niya?"

Bahagya siyang ngumiti bago sumagot. "Pangarap daw po kasi ni Nanay ang magkaroon ng sariling patahian, gusto niya kapag nagkita uli sila ni Nanay mapapakita niya yung patahiang pinaghirapan niya, pero hindi na nakita ni Nanay kaya gusto niya na lang ituloy ito hangga't makakaya niya"

Nakita niya ang gulat sa mga mata ng kanyang ama.

"Are you okay Dad?" nag-aalalang tanong niya.

Bahagya itong ngumiti sa kanya. "Kahit papaano pala, swerte pa ako dahil natulungan ko si Susan sa isa niya pang gusto, ang bahay ampunan at nakita ko pa ang saya sa mukha niya nang matapos iyon. Nalulungkot ako para sa Tatay Abel mo" totoong lungkot ang nakita niya dito.

"Don't worry Dad, alam ko namang natanggap na ni Tatay ang nangyari" nakangiting sabi niya.

"Kamusta naman kayo ng Tatay Abel mo?"

Bahagya siyang natigilan dahil pakiramdam niya ay may alam ang kanyang ama tungkol sa pagdududa niya sa kanyang Tatay Abel at kung meron man itong alam, sigurado siya na si Pierre ang nagsabi dito.

"Okay naman kami Dad, inaalalayan ko pa din si Tatay sa mga gawaing bahay at lagi ko din siyang pinapaalalahanan tungkol sa mga gamot niya"

Hindi na niya pa binanggit ang tungkol sa pagdududa niya, ang paghahanap ni Tatay Abel sa kapatid nito, at ang tungkol sa taning nito.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Where stories live. Discover now