Chapter 20

1 0 0
                                    

"SAM, ANAK, MAY bisita ka"

"Wait lang Tatay, may tinatapos lang po ako"

Alam na niya kung sino ang bisita niya dahil madalas na siyang puntahan ng mga ito. Kahit na tumutulong siya sa pananahi ng kanyang ama ay nagtatrabaho pa din siya para sa restaurant niya, kaya ngayon ay tinatapos niya ang mga reports na pinasa sa kanya ni Loisa kaninang umaga.

Pagkatapos niya sa ginagawa niya ay agad siyang lumabas ng kanyang silid. Hindi tulad sa mansyon, ang silid niya dito ay maliit lang. Kung tutuusin ay pang-isang silid lang ang bahay na tinitirhan ng kanyang Tatay Abel pero dahil sumama siya dito ay hinati ang isang silid para sa kanya.

"Napapadalas ang dalaw niyo dito ha, hindi kayo busy?" pangaasar niya sa kanyang mga bisita.

"Syempre busy kami no, pero gusto ka naming makita" sagot ni Loisa na nakaupo na sa upuan na gawa sa kahoy.

"Ikaw ang busy kaya kami na lang ang dumadalaw sa'yo" sabi naman ni Rebecca.

"Busy talaga ako" maikling sagot lang niya.

Sa loob ng isang buwan ay tatlong beses na ding dumalaw si Loisa at Rebecca sa kanya dahil hindi pa siya nakakadalaw uli sa mansyon. Sinabi niya sa kanyang Daddy Tonny na dadalaw siya sa mansyon tuwing katapusan ng linggo pero hindi niya pa nagagawa iyon dahil gusto muna niyang tulungan ang kanyang Tatay Abel sa patahian.

Mayroong patahian ang kanyang Tatay at may iilan din nagtatrabaho dito pero matumal lang ang tahi nila kaya minsan ay nagtatrabaho sa iba ang kasama nito at naiiwan itong mag isa para tapusin ang lahat ng tahiin. Medyo marunong na siyang manahi gamit ang makina dahil tinuruan na siya ng kanyang Tatay Abel pero nahihirapan siya sa pagtabas ng mga tela kaya ang Tatay Abel niya ang gumagawa non.

"Kailan ka na ba pupunta sa mansyon?" tanong ni Loisa.

Naghahanda siya ng makakain para sa kanyang mga kaibigan.

"Kapag medyo okay na kami ni Tatay, ang dami kasing dapat tapusin e walang katulong si Tatay kaya dito muna ako"

Dahil maliit lang ang bahay na tinutuluyan niya ay nakakapag-usap pa din sila kahit nasa kusina siya.

"Bakit di mo na lang isama si Tito Abel sa Manila? Kaya mo na siyang buhayin kung tutuusin e" sabi uli ni Loisa.

Inilapag muna niya ang pagkaing hinanda niya at umupo sa isang pang-isahang upuan. "Ayaw ni Tatay, ayaw niya doon kasi polluted baka lalong lumalala yung pnuemonia niya, mas gusto niya dito sariwang hangin, tabing dagat..." tumingin siya sa labas kung saan kita niya ang patahian ng kanyang ama. "...at isa pa, ayaw niyang iwan ang patahian niya" bumuntong hininga siya at muling ibinalik ang tingin sa kanyang mga kaibigan. "Nalaman ko na pangarap nila ni Nanay ang magkaroon ng patahian kaya mula noong naghiwalay sila ni Nanay nagsumikap siyang simulan ang patahian para pag nagkita uli sila ni Nanay may ipagmamalaki siya" malungkot na sabi niya.

"Siguro sobrang lungkot ng Tatay mo noong siya pa lang ang nandito" sabi naman ni Rebecca.

Tumango tango siya at muling napatingin sa kanyang ama. "Sabi ng mga kapitbahay dito, halos puro inom daw si Tatay dati dahil hindi niya matanggap na wala na siyang kasama sa buhay noon. Nagkaroon din daw siya ng kasama dati, may anak na yung babae na iyon noong pinatira ni Tatay dito pero hindi nagtagal ay umalis din, ang sabi nila mukhang pera lang ang habol niya kay Tatay kasi noong time na yun malakas pa ang kita niya sa patahian. Hanggang sa nalugi dahil puro sugal daw ang kinakasama niya, muntik na nga daw ibenta ng babae ang makina ni Tatay pero hindi siya pumayag kasi umaasa pa din siya na makikita ni Nanay lahat ng pinaghirapan niya. Ayun, hanggang sa iniwan siya nung babae tapos ang masama dun kinuha pa ang pera niya" malungkot na kwento niya.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon