Chapter 81

1 0 0
                                    

NAKATANGGAP NG MENSAHE si Andres na tatawagan ito ng kausap nito ngayong araw kaya nagpasya silang hintayin iyon para marinig nila kung sino ang kausap nito. Hindi nila makontak si John para sana makatulong sa imbestisyon nila kaya nagpadala na lang ng ibang imbestigador ang pulisya.

"Wala ba siyang sinabing oras?"

"Wala Don Tonny, tinanong ko siya kung anong oras siya tatawag para hindi ako mataranta sa paghanap ng lugar pero hindi pa ito nagrereply"

Halos tatlong oras na silang nasa Study Room pero wala pa ding natatanggap na tawag si Andres. Kasama din nila si Pierre na naghihintay ng tawag.

"Dad, alam mo na kung saan tumutuloy si Samantha?"

Umiling iling ito. "Wala pa Alex, hindi pa niya binibigay ang address. Ang sabi niya kanina ay nakakalimutan niya dahil busy siya sa mga kapatid niya"

"How about you Pierre, alam mo kung nasaan siya?"

"No, hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Feeling ko alam niya na na may alam ako tungkol sa kalagayan ni Tatay Abel"

Ilang beses din niyang sinubukang tawagan si Samantha pero hindi din ito sumasagot, gustong gusto na niya itong makausap pero mukhang hindi pa ito handa na harapin siya o sadyang hindi pa nito alam na alam na niya ang totoo.

Nawala siya sa pagiisip nang biglang tumunog ang selpon ni Andres. Halos lahat sila ay napatingin dito.

"Ito na siya" sabi nito habang nakatingin sa kanyang ama.

"Don't answer yet" agad na sabi ni Pierre na pinagtaka nila.

"Why?" nagtatakang tanong ng kanyang ama.

"Baka mahalata niya na ready ka sa pagtawag niya kahit wala siyang binigay na oras. End the call and text her"

"Ano ang sasabihin ko?"

"Just tell her na nasa dining ka at kailangan mong pumunta sa kwarto mo" singit naman niya sa dalawa. Naintindihan niya ang ibig sabihin ni Pierre.

Tumango tango si Andres at mukhang naintindihan din nito ang ibig nilang sabihin.

Ilang minuto ang pinalipas ni Andres bago siya nagsabi dito na pwede na itong tawagan uli.

"Hello?"

"What are you doing? Diba sinabi ko na tatawag ako ngayon?"

Nagkatinginan silang mag ama nang makilala ang boses ng babae, hindi siya magkakamali, ito ang kausap nila dati na akala nila ay si Andy.

"Pero wala kang sinabing oras, hindi ako pwedeng mag stay sa kwarto ko dahil mahahalata nila ako dahil alam nila na mas gusto kong nasa labas"

"Fine, fine. Where is Samantha?"

"She's not here, umalis siya noong isang araw at wala kaming balita kung saan siya tumutuloy"

"Walang nakakaalam kahit isa sa inyo?" pansin niya sa boses nito ang pagkainis kahit na may auto tune ang boses nito.

"Wala, wala siyang kinakausap kahit isa sa amin. Mula ng magkasagutan sila ni Angela ay bigla na lang itong umalis. Feeling ko ayaw niya ng magparamdam kahit isa sa amin dito sa mansyon"

"Si Tonny at Alex walang ginagawa?" nagulat siya nang banggitin ang pangalan nilang mag-ama na parang matagal na silang kakilala nito.

"Ang alam ko nakakausap ni Don Tonny si Samantha pero hindi din nito alam kung saan tumutuloy si Samantha dahil mukhang wala itong balak sabihin ang tinutuluyan niya"

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Where stories live. Discover now