LXXIII

38 9 14
                                    

TAGAPAGSALAYSAY

Mahigpit na yinakap ni Zerena si Hanila na naliligo sa sarili nitong dugo. Umalingawngaw ang nakakabinging tunog ng mga hikbi nito. Walang tigil na umagos ang mga luha na nagpalabo ng kaniyang mga mata.

"H-Hanila... b-bakit ka m-maagang lumisan? Lubhang m-maaapektuhan at malulungkot si E-Eroth sa p-paglisan m-mo!" malamyos na hinahaplos ni Zerena ang malamig na pisngi ng kaibigan.

Hindi matanggap nito ang maaagang pagkawala ng matalik na kaibigan. Si Hanila ang una niyang naging kaibigan noong unang pumasok siya sa loob ng Akademya de Minika. Si Hanila rin ang taong unang nagpapasaya sa kanya sa tuwing malungkot siya. Maraming hindi makakalimutan na mga alaala ang nabuo sa loob ng maraming taon. Mga alaala na mas lalong nagpaiyak sa kanya.

Halos tila isang kapatid na ang turing niya kay Hanila. Isang balikat na masasandalan. Maintindihing kaibigan at maaalahanin.

Nanginginig ang mga kamay habang yakap ang bangkay ng kanyang matalik na kaibigan. Kagat-labi nitong pinipigilan na kumawala ang mga hikbi. Humalo amg kanyang mga luha sa dugo ni Hanila na kinulayan ang suot nitong puting damit.

Hinding-hindi mapapatawad ni Zerena si Azazel sa ginawa nitong mabigat na kasalanan na walang kapatawaran. Kumislap ang galit sa mga mata nito. Matalim niyang sinalubong ang malamig na tingin ni Azazel.

Marahan nitong inihiga ang bangkay ni Hanila sa lupa at tumayo mula sa pagkakaluhod. Ngunit natigilan siya nang naramdaman nito ang marahang paghagod sa kanyang likod. Ipinaling niya ang tinggin sa taong ito at malungkot na ekspresyon ni Shira na may ilang butil ng luha sa mga mata nito ang tumingin sa kanya.

"K-kahit anong gawin nating pag-iyak, hindi na babalik si Hanila sa atin. Kahit anong paghihigante ang gagawin natin, tayo pa rin ang matatalo sa huli."

Kagat-labing pinigilan ni Shira ang huwag maiyak. Pilit nitong tinago sa kaibigan na nanghihinaan siya ng loob. Naisip nito na dapat huwag nilang ipakita na nawawalanan sila ng pag-asa. Marahan siyang lumuhod at tumabi sa kaibigan. Niyakap niya si Zerena upang gumaan ng loob nito at tumahan sa kakaiyak.

Alam niya ang nararamdaman ni Zerena dahil minsan na rin siyang nawalan ng mahal sa buhay. Pighati at matinding kalungkutan ang nakita niya sa mga mata ng kaibigan.

Si Shira ang unang bumitaw sa kanilang pagyayakapan at nag-aalalang tumingin sa kaibigan. Malungkot siyang ngumiti kay Zerena at nagsalita. "Alam ko ang nararamdaman mong sakit, Zerena. Kaya kung nagagalit ka man, nalulungkot o umiiyak, nandito lang ako palagi sa tabi mo."

Napagtanto ni Zerena na walang magagawa ang paghihigante, kamatayan lamang ang maidudulot nito sa kanila. Kaya naisip nito na mabuti pang hintayin na dumating ang tulong nila kaysa magpadalos-dalos ng desisyon. "Salamat sayo, Shira-"

Hindi nagawang ipatuloy ni Zerena ang sasabihin nang biglang sumigaw si Feron. Gulat na napatingin silang dalawa kay Feron na nakayukom ang mga kamao at nakayuko. Napansin nila ang pagyugyog ng balikat nito, at maya-maya pa'y tumulo ang luha sa mga mata nito.

Ipinaling ni Feron ang tingin kina Zerena, Shira at ang huli niyang tinitigan ang walang buhay na si Hanila. Mas lalo siyang napaiyak. Nanghihina siyang natumba at napaluhod sa lupa. Walang tigil sa pagpatak ng kanyang mga luha na tila katulad ng malungkot na ulap sa kalangitan na walang tigil sa pag-ulan.

"HANILAAA!!!" Malakas siyang napahagulgol ng iyak at biglang sinuntok ang lupa ng paulit-ulit hanggang sa dumugo ang kanyang mga kamao.

Nabalot ng matinding galit at pangungulila ang puso ni Feron. Mas matagal silang naging magkaibigan ni Hanila at Eroth kaysa kina Zerena at Zeron, kaya mas malalim ang kapighatian na nararamdaman niya kaysa kay Zerena. At higit sa lahat, matagal na siyang may tinatagong pagtingin may Hanila. May lihim siyang pagmamahal sa kaibigan na hindi niya magawang sabihin dahil ayaw niyang masira ang kanilang pagkakaibigan.

ENCHORODIANWhere stories live. Discover now