L

69 19 3
                                    

AYUDISHIRA

Dalawang linggo ang lumipas bago natapos ang ikalawang pagsubok. Noong una ay nahirapan kami kung paano makakapitas ng bulaklak na hindi nalalanta kapag hinahawakan. Naging madugo para sa amin ang pagsubok na 'yon, subalit nang nalaman namin kung paano ito mapipitas, naging madali na lang ang lahat.

Sa dalawang linggo na nagdaan, ang aming ginawa ay nakipaglaban sa mga dambuhalang halimaw araw-araw. At kapag natatanggal ang bulaklak sa mga ulo nito, agad na naglalaho ang kamandag at bumabalik ang mga ito sa pagiging kuneho. Napag-alaman din namin na ang mga bulaklak na iyon ay may kamandag na gumagana lamang sa mga kuneho, at ang kamandag din yun ang nagiging sanhi ng paghalimaw ng mga hayop na ito.

Iyon ay isang magandang karanasan para sa akin. Pero 'di ko inasahan na dalawang myembro na naman ang nalagas sa amin. Akala ko ay ayos na ang lahat, datapwat, umalis pa rin sila at hindi ipinagpatuloy ang labang ito.

Minsan naisip ko na puro pagpapalakas na lang ng katawan ang ginagawa namin, wala na kaming ibang ginawa kung hindi ang magpalakas ng katawan. Siguro naisipang umalis ng iba, dahil wala silang natututunan kahit isang orasyon. Kaya nabawasan na naman kami. Ang sampu ay naging walo, at ang walo ay naging anim. At ngayon ay masusubok na naman kami sa isang panibagong pagsubok.

*****

(Ang larawan na nakikita niyo po ngayon ay ang Haeream Silvam

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Ang larawan na nakikita niyo po ngayon ay ang Haeream Silvam. Example image lang po ito. Credit to the owner of this photo. s: Google Chrome)

Kasalukuyan kaming naglalakad sa isang malaparaisong, sinaunang kagubatan, ang Haeream Silvam. Ang kagubatan na ito ay nakadugtong sa Kagubatan ng Norioh, pero ang nakakapagtaka, 'di ito nababalutan ng itim na mahika. Bagkos, ito'y nababalutan ng banal na mahika.

Nakakagulat at nakakapagtaka lang dahil ang isang banal na gubat ay nakadugtong sa sinumpang gubat. Kahit puno ng katanungan ang aking isipan ukol sa kasaysayan ng Haeream Silvam, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at 'di na lang ito inisip pa.

Amoy na amoy ang katandaan ng gubat. Ang makahoy na insenso nito na mula sa mga naputol na sanga ng kahoy na bumagsak sa sahig ng kagubatan ay tahimik na nabubulok at tinubuan ng mga magandang bulaklak na may iba't-ibang kulay. Ang organikong amoy ay umaamoy sa buong paligid na tulad ng isang miasma. Ang katas na matamis na halimuyak ng kagubatan ay nanuot sa aming mga ilong, at kami ay naakit sa nakaaaliw nitong bango.

Tila hinihila ako ng engkantadong kagubatan. Paano ko malalabanan ang ganito kagandahang paraiso? Parang ang malalim at nakakaakit na balad ng sinaunang kanta ng kagubatan ay tila tumatawag sa akin. Ang Haeream Silvam na halos kasing edad ng panahon ay puno ng karangyaan at walang kapantay na kagandahan.

Tuloy ang aming pagsunod kay Guro Sari. Nagpasya itong makipagsapalaran nang mas malalim sa gusot na puso ng sinaunang kagubatan, at sumunod naman kami rito, sumusunod sa patuloy na paglalakad nito.

ENCHORODIANWhere stories live. Discover now