XXX

97 23 20
                                    

KABANATA XXX: LABYRINTHUS (Prt. 4)

TAGASALAYSAY

"Nasaan ako? Anong lugar ito? Paano ako napunta dito?" nagtatakang wika ni Hayabusa sabay na inilibot ang paningin sa buong paligid, nag-babakasakali na makikita niya si Shira o Hayanaré.

"Salamat at hindi ako nag-iisa," agad na naging alerto si Hayabusa nang nakita ang isang lalaki na nakatayo sa harapan niya, na eleganteng nakatayo at nakasuot ng magarang damit.

"Sino ka?! Sabihin mo sa akin kung paano ako napunta rito?!" agadang tanong niya rito paglapit ng taong bagong dating.

"Ang pangalan ko ay Axazel. Katulad mo ay bigla din lang akong napunta sa lugar na ito, noong biglang gumalaw ang mga pader at dinala ako rito sa disyerto na 'to. Nagulat nga ako nang nakita ko na hindi ako nag-iisa," mahinahon at malumanay nitong paliwanag.

Agad na pinag-obserbahan ni Hayabusa ang lalaki na nakatayo sa harapan niya, sa paraang hindi mahahalata nitong pinag-oobserbahan siya. May nararamdaman siyang kakaiba sa uri ng pananalita at tindig nito. Tila may nagsasabi sa loob niya na dapat siyang mag-ingat rito.

"Paano ka napunta rito?" halata sa tuno ng pananalita ni Hayabusa na nagdududa siya sa pagkatao ng kanyang kaharap.

"Hindi mo ba narinig ang tinuran ko kanina? Diba sinabi ko na napunta ako rito ng biglang gumalaw ang mga pader," ani Axazel.

"Bakit tila kakaiba ang amoy mo kung ihahantulad sa isang tao? Parang hindi ka tao?" mausisa niyang tanong rito.

'Bakit tila kakaiba ang nararamdaman ko sa kanyang enerhiya, tila hindi siya pangkaraniwan. Naiiba din ang amoy niya kung ihahantulad sa isang ordinaryong tao', nagtatakang wika ni Hayabusa sa isipan.

Mahina itong natawa dahil sa tinuran ng dalaga at sabay na nagsalita, "katulad mo ay isa din akong salamangkero. Naligaw lamang ako sa lugar na ito at hindi ko na alam kung paano makaalis dito. Maaari mo ba akong tulungan upang makaalis ako rito? Magtulungan tayo para mas mabilis tayong makaalis dito."

Nagulat si Hayabusa nang nakita ang biglang pagngiti ni Axazel sa paraang nakakatakot. Mabilis nitong itinago ang ngiting sumilay sa kanyang pisngi, nang napansin ang gulat sa mukha ng dalaga.

Marahang humakbang papalayo si Hayabusa sa kanyang kaharap. Mas lalong umapoy ang pagdududa sa kanyang loob nang nakita nito ang pagsilay ng ngiti sa mukha ni Axazel na agad naman nitong kinubli. Pakiramdam niya hindi talaga tao ang kanyang kaharap dahil sa kakaibang amoy na nalalanghap niya rito.

"Hindi mo ako maloloko. Hindi kita tutulungan na makaalis dito. Lalo pa at nararamdaman ko na hindi ka isang tao!" seryosong bulyaw ni Hayabusa sa kaharap na si Axazel.

Agad na nagsalubong ang kilay ni Axazel sa binitawang salita ni Hayabusa na hindi niya inasahang maririnig mula rito. "Ano ba ang iyong pinagsasabi binibini? Tingin mo hindi ako isang tao dahil lang sa naiiba ang amoy ko?! Hindi ko aakalain na makakaharap ako ng isang katulad mo na ganyan mag-isip!"

Seryosong tinitigan ni Hayabusa si Axazel direkta sa mga mata nito at sabay na nagsalita, "ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Ako si Axazel. Ikaw anong pangalan mo?"

"Hayabusa," maikling sagot nito.

'Axazel? Parang narinig ko na ang pangalan na 'yan dati hindi ko lang matandaan', nagtataka niyang wika sa kanyang isipan.

"Kumukuha ka din ba ng pagsusulit katulad ko upang makapasok sa Akademya de Minika?" tanong ni Axazel rito.

Tumango-tango si Hayabusa sa itinanong ni Axazel at agad na sumagot. "Oo. Katulad mo ay gusto ko din na makapasok sa Akademya, kaya ginawa ko ang lahat upang makaabot sa posisyon na ito."

ENCHORODIANWhere stories live. Discover now