LIV

50 16 14
                                    

AYUDISHIRA

Shira... Shira... Shira...

Biglang nagising ang aking diwa, nang marinig ko ang isang malamyos na tinig na paulit-ulit na tumawag ng aking pangalan. Marahan kong iminulat ang aking mga mata pero agad ko namang ipinikit, nang sinalubong ng nakakasilaw na liwanag ang aking paningin.

"Shira!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na boses na narinig. Kung kanina ay malamyos na tinig ang gumising sa'kin, ngayon ay naging sigaw ito. Agad akong napahawak sa sentido nang biglang sumakit ang aking ulo. Pagkamulat ko ay agad kong inilibot ang tingin sa paligid. Halos magsalubong ang aking dalawang kilay sa pagkalito nang napansin ko na hindi pamilyar ang silid na kinaroroonan ko.

"Shira!"

Nalilitong ipinaling ko ang tingin sa taong tumawag ng pangalan ko. Agad akong nakaramdam ng pagkakampante nang makilala ko kung sino ito.

"Busa!"

Walang pagdadalawang-isip na niyakap ko siya ng mahigpit pagkalapit nito sa akin. Ginantihan niya din ako ng isang mahigpit na yakap.

Parang isang rumaragasang baha na pumasok sa isipan ko ang mga nangyari noong nakaraang ilang buwan at ang laban na naganap sa pagitan namin ni Sierra. Hindi ko makakalimutan ang pandaraya nito sa'kin. Gumamit siya ng mahiwagang kagamitan upang manalo sa laban. Hindi katanggap-tanggap.

Hindi ko lubos maintindihan kung bakit kailangan niyang mandaya. Sa ilang buwan naming pagiging magkaklase, napansin ko na may kakaiba siyang lakas na tinatago. Ang kanyang pisikal na pangangatawan ay kayang makipagsabayan kina Busa at Hayanaré. Hindi kapani-paniwala na gagamit siya ng mahiwagang kagamitan upang manalo sa laban.

Natakot ba siya na maaari ko siyang matalo kaya gumamit siya ng mahiwagang kagamitan? O natatakot siyang matalo dahil ayaw niyang mapahiya sa pamilya niya.

Marahil may pinagdadaanan siyang pagsubok sa buhay o pamilya. Pero maaari rin na gusto niya lang magpapansin at ipakita sa iba na siya palagi ang panalo, at walang makakatalo sa kanya.

Naputol ang malalim kong pag-iisip nang narinig ko ang nag-aalalang boses ni Busa. "Ayos ka lang ba, Shira? Ayos lang ba ang pakiramdam mo?"

Payak akong ngumiti rito at sumagot, "ayos lang naman ako. Wala namang problema sa akin. Medyo nahihilo lang ako at nagugutom, hehehe."

Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid, sinusubukang alamin kung saan ako ngayon o kung anong lugar ito. Napansin ko na tila nasa loob kami ngayon ng isang pribadong klinika. Ang puting kisame hanggang pader patungo sa sahig ay nakakapanibago. Mayroon ding mga nakahilerang mga higaan sa gilid ko na gawa sa matibay na kristal. Nasa malaking klinika nga ako. Marahil dito ako agad dinala pagkatapos akong mawalan ng malay dahil sa laban namin ni Sierra. Pero nasaan ang iba kong makaklase? Bakit kami lang ni Busa ngayon rito-

"Aray!" agad akong napahawak sa ulo ng bigla akong naramdaman ng kirot, pero pagkaraan ng ilang segundo ay bigla ring nawala.

"Halatang hindi ka pa ayos, Shira-"

"Karaniwan lamang iyan sa mga bagong gising. Ang nararamdaman niya ay naramdaman mo rin, Hayabusa."

Nagulat ako nang makita si Guro Sari na nakatayo sa likod ni Busa. Marahil kanina pa siya nakatingin sa amin, at marahil pinagmamasdan nito ang bawat kilos namin.

Hindi ko rin inaasahan na nandito ang guro namin. Nag-aalala din ba siya sa kalagayan ko? Naparusahan na kaya si Sierra sa ginawa niyang pandaraya?

"Umm.. Guro Sari, pasensya na po at natalo ako sa laban namin ni Sierra. Hindi ko po inasahan na gagamit siya ng mahiwagang kagamitan-"

ENCHORODIANWhere stories live. Discover now