XIII

128 27 9
                                    

KABANATA XIII: GUTOM

AYUDISHIRA

Maaga akong gumising kasi maaga akong nagising. Hindi naging maganda ang gabi ko kasi nga gutom ako. Sa dami ng parusa na maaari kong matanggap bakit ito pa! Bakit ang pagkagutom pa?! Baka sa susunod nito ay magpalaboy-laboy na ako sa daan at mabaliw sa gutom.

Nakabusangot kong tinitigan ang isang kalderong walang laman. Nakakainis! Buwesit! Marahil gusto ni Nanay Kiva na mamatay ako sa gutom dahil wala man lang siyang iniwang pagkain. Mamatay na ako sa sakit, huwag lang sa gutom. Hindi ko inaasahan na mararanasan ko ang ganito.

Matapos ang nakakagulat na rebelasyon kahapon, 'di ko pa rin makalimutan ang kanyang mga sinabi hanggang ngayon. At may panibago na namang suliranin. At iyon ang pinagdadaanan kong gutom.

Ito na marahil ang magiging sanhi ng aking kamatayan. Wala pa naman din iniwang pera sa'kin si Nanay Kiva upang ibili ko ng pagkain. Hay naku, ang malas ko talaga.

Nakanguso akong napahimas sa tiyan nang tumunog ang sikmura ko, senyales na kailangan ko ng kumain.

"Ngayon ka pa talaga tutunog?! Alam mo naman na wala tayong pagkain, magrereklamo ka pa diyan. Nakakainis na nakakagutom. Tumahimik ka muna pansamantala--"

"Anong nangyayari sayo Shira? Nababaliw ka na ba?!"

Napadako ang tingin ko sa may pintuan nang nakita ko si Nanay Kiva na pumasok ng bahay. Tiningnan niya ko na para akong baliw. Mas lalong kumulo ang sikmura ko ng napadako ang tingin ko sa dala niyang pagkain.

Sa halip na sagutin siya ay mabilis akong tumakbo patungo sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Maingat kong kinuha ang dala niyang pagkain na ikanagulat niya. Nakangiti ko siyang nilingon sabay kain ng dala niyang pagkain.

"Salamat ha, kumain ka pa Shira, baka gutom ka pa," sarkastiko niyang sabi na isinawalang bahala ko na nalang.

Hindi ko na pinansin pa si Nanay Kiva at mabilis na kinamay ang pagkain at agad na sinubo sa bibig. Masaya kong nilantakan ang pagkaing dala niya.

Sa wakas nakakain na rin ako. Pakiramdam ko maluluha ako sa saya. Ang kaligayahan sa aking puso ay nag-uumapaw. Salamat panginoon sa pagkain!

"Salamat."

"Hindi 'yan para sayo e. Para sana 'yan kay Jena, napadaan lang ako rito upang kamustahin ka."

Eh? EH?! Agad akong napatigil sa pagsubo at nahihiyang tumingin kay Nanay Kiva at isinauli ang pagkain sa kanya. Nahihiya akong umiwas ng tingin sa kanya dahil sa ginawa ko.

Sana sinabi niya agad sa akin para hindi ko nagalaw. Nakakahiya talaga. Si Nanay Kiva talaga parang ewan.

"Patawad Nanay Kiva ha, gutom lang talaga ako. Sana sinabi niyo agad para hindi ko nakain. Para pala yan kay Jena hehehe, patawad talaga," nahihiya kong paghingi ng paumanhin rito at natatawang napakamot ng batok. Kapag talaga gutom ang umataki sayo, hahamakin mo ang lahat masunod lang ang gusto niya.

"Kainin mo nalang yan, nabawasan mo na e. Alam mo naman ang anak ko, napakapihikan pagdating sa pagkain. Kapag nakita lang niya na may kaunting bawas ang pagkain na para sa kanya, hindi niya na ito gagalawin. Kaya kainin mo nalang 'yan Shira, sayo nalang yan," wika niya at ngumiti sa akin.

"Tologo bo?!" nagningning ang mga mata ko sa sinabi niya at kinuha muli sa kanya ang pagkaing sinauli ko.

"Naku salamat, Nanay Kiva! Tamang-tama nagugutom talaga ako ngayon at hindi pa ako nakakain magmula kahapon. Salamat sa pagkain!" matamis kong wika rito at ngumiti ng malaki saka muling nilantakan ang pagkain.

ENCHORODIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon