56

57 16 10
                                    

KABANATA 56: HEĀH VENEFICUS

SHIRA

Prenteng nakaupo si Guro Sari sa silya nitong gawa sa itim na bakal na may kakaibang disenyong nakaukit. Malumanay ang ekspresyon ng kanyang mukha habang nagpapaliwanag sa harap naming lahat tungkol sa mga bagay na dapat naming matutunan.

"Para sa inyong kaalaman, ang veneficus ay mayroon tatlong uri batay sa kanyang kapangyarihan at kaalaman ukol sa mahika," panimula nito. Tumayo siya sa inuupuan nitong silya at naglakad sa gitna ng lahat.

Hindi ko alam na may mga uri pa pala ang isang veneficus. Akala ko kapag marunong ka gumamit ng mahika ay isa ka ng ganap na veneficus, pero ngayon mayroon pa lang klasipikasyon ang pagiging veneficus.

"Una ang Sutātā Venificus, sila ang mga salamangkero na kaya lamang gumamit ng mababang antas na mahika. Sila iyong mga hindi marunong gumamit ng kanilang kapangyarihan lampas sa kanilang limitasyon. Ang dahilan bakit sinalang ko kayo sa pisikal na pagpapalakas ay upang lumawak ang sisidlan ng enerhiya sa loob ng inyong katawan. Masagana ang daigdig ng mahikulas. Ang mahikulas na ito ay enerhiya na nagmumula sa kalikasan, hangin, tubig, apoy at lupa.

Ang loob ng tao ay may hindi nakikitang sisidlan kung saan iniimbak ang nahigop na mahikulas mula sa paligid. Ang enerhiya na ginagamit natin upang makagawa ng mahika ay nagmula sa loob ng sisidlan sa ating katawan. Kapag naubus ang enerhiya sa loob natin, bigla tayong mawawalan ng malay. Ilang minuto pa o minsan oras ang lilipas bago muling hihigop ang iyong katawan ng mahikulas upang manumbalik ang nawala niyong lakas."

Kaya pala nag-uumapaw ang enerhiya sa aming katawan kanina noong tinanggal namin ang limiteur, dahil biglaang humigop ang aming katawan ng maraming mahikulas.

Ang pambihirang lakas na naramdaman ng aming katawan kanina ay katumbas isang taon na mahikulas. Dahil lumawak ang sisidlan ng mahikulas sa aming katawan, mas lalong lumakas ang taglay naming kapangyarihan.

Kapag sumabak kami sa totoong laban, manabatili kami ng matagal sa isang digmaan dahil lumawak ang sisidlan ng mahikulas sa loob ng aming katawan, na direktang umpekto sa istamina ng aming pisikal na katawan.

Muling nagsalita si Guro Sari at pinagpatuloy ang pagpapaliwanag. "Ang Heāh Veneficus naman ang ikalawang uri. Sila ang mga veneficus na kayang gumamit ng mataas na uri ng mahika. May lakas at kapangyarihan silang taglay na mas malakas kaysa Sutātā Veneficus. Tayong lahat na nasa loob ng silid-aralan na ito ay mga Heāh Veneficus."

Nagtaas ng kamay si Simon at nagsalita. Natuon ang atensyon ng lahat sa kanya. "Guro, kung tayo ay parehong Heāh Veneficus, ibig sabihin ba nito ay kaya ka naming talunin-"

Nagulat ang lahat sa binitawang mga kataga ni Simon na hindi namin inasahan na sasabihin niya, ngunit mas nagulat kami sa biglaang pagtawa ni Guro Sari.

"P-pareho nga tayo ng antas, ngunit mas lamang ako sa inyo kung mga karanasan sa paggamit ng mahika ang pag-uusapan," bahagyang natatawa nitong tugon.

Humingang malalim, tumayo ng tuwid at kinalma ang sarili sa walang tigil na pagtawa si nito.

Nahihiyang kumamot ng batok si Simon. Hindi makatingin ng maayos kay Guro Sari at ibinaling ang tingin sa kung saan. "Ahh... oo nga pala, hehe."

ENCHORODIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon