42

87 27 20
                                    

KABANATA 42: APOY LABAN SA APOY

THIRD PERSON'S POV

"Hindi ko inasahn na pagtutulungan niyo ako. Ito lang ba ang tanging alam ng mga tao upang manalo sa isang laban?" wika nito na may mapaglarong ngiti sa kanyang labi.

Walang pag-aalinlangang sumagot si Hayanaré rito. "Oo, kung ito lang ang tanging paraan para matalo ka."

"Nakalimutan ko na mahihina nga pala ang mga katulad niyo. Kung hindi niyo na kayang lumaban ay tatakas na lang bigla-"

Hindi nagawang ituloy ni Azazel ang sasabihin nang muling nagsalita si Hayanaré. "Tama na ang satsat. Laban na kung laban!"

Ang mapaglarong ngiti sa labi ni Azazel ay napalitan ng pagkainis. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit ngayon lamang siya nakaramdam ng pagkainis sa kanyang kalaban. Muli nitong ibinalik ang ngiti sa kanyang labi at nagsalita. "Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo."

Biglang uminit ang temperatura ng paligid, dahil sa nabubuong tensyon mula sa pagitan ng dalawang magkaibang panig. Naging seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha. Sa isang kisap-mata, parehong naglaho sina Hayanaré at Azazel mula sa kanilang kinatatayuan.

Pagkaraan ng ilang sandali, biglang sumiklab ang matinding pagsabog sa loob ng silid na naging dahilan ng tuluyan nitong pagkasira. Nahulog ang ilang bahagi ng kisame sa sahig dahil sa naging pagsabog. Naging mabilis ang kanilang mga paggalaw na tila katulad ng pagguhit ng kidlat sa kalangitan.

Ang banggaan ng kanilang kapangyarihan ay nakagawa ng malakas na bugso ng hangin na nagdulot ng mas lalong pagkasira ng buong silid. Ang sinasabing silid ay nababalutan ng malakas na mahika upang maiwasan ang pagkasira nito, ngunit sa tindi ng mga nagdaang laban ay unit-unti itong nasira at nagkaroon ng maraming bitak.

Lumipad pataas si Azazel sa ere at agad na pinaulanan ng mga bolang apoy ang binata. Ngunit maagap si Hayanaré kaya mabilis nitong naiwasan ang mga ginawang pag-atake ni Azazel.

"Incendium Armatura!" malakas na bigkas ni Hayanaré ng isang orasyon.

Agad na sumiklab ang matinding apoy mula sa palad ni Hayanaré at dahan-dahang gumapang patungo sa kanyang braso hanggang sa kanyang dibdib pababa. Binalutan nito ang buo niyang katawan upang proteksyonan ang sarili laban sa mapanirang mga atake ni Azazel.

"Ignis Arma," nakangiting bigkas ni Azazel ng orasyon.

Biglang lumagablab ang matinding apoy sa ere at naging mga bola ng apoy, maya-maya pa'y nag-iba ang hugis nito at isa-isang naging mga espada. Agad niyang pinalipad ang mga espadang apoy patungo sa kinaroroonan ni Hayanaré. Embes na iwasan ang mga espadang apoy ni Azazel, matapang itong hinarap ni Hayanaré at tinanggap ang kanyang pag-atake upang subukin kung gaano katibay ang kanyang kalasag.

Isa-isang tumama sa kanyang kalasag ang mga espadang apoy. Prinotektahan nito ang buo niyang katawan at sinangga ang pag-atakeng ginawa ng kalaban, ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay hindi nagtagal at nawasak ang kanyang kalasag, dahil sa dami ng espadang apoy ang tumama sa kanya. Nagtagumpay ang kanyang pagsusuri at malaman kung hanggang saan ang hangganan ng kanyang kalasag.

"Kahanga-hanga ang taglay mong lakas. Hindi ako makapaniwala na may taong kayang labanan ang isang tulad ko. Ngayon ko lamang naramdaman ang ganitong pakiramdam sa loob ng mahabang panahon. Nakakatawang isipin ngunit natutuwa ako sa laban na 'to. Kaya ngayon ay ipapakita ko sa iyo ang aking alas!"

Pinakawalan ni Azazel ang matinding kapangyarihan sa kanyang katawan. Biglang lumitaw ang mga maliliit na butil ng mahiculas, at kumalat sa paligid na tila mga maliliit na kulisap na nagniningning. Ito ay unti-unting nagtipon patungo sa katawan ni Azazel. Lumipas ang ilang sandali bago sumiklab ang matinding apoy na bumalot sa lahat ng sulok ng silid na nagdulot ng pagkatunaw ng lahat ng bagay.

ENCHORODIANWhere stories live. Discover now