LXVI

47 12 13
                                    

TRIVIA: Metatron "the Youth". A title previously used in 3 Enoch, where it appears to mean " servant". It identifies him as the angel that led the people of Israel through the wilderness after their exodus from Egypt (referring to Exodus 23:21), and describes him as a heavenly priest.

Metatron is an angel in Judaism mentioned three times in the Talmud in a few brief passages in the Aggadah and in mystical Kabbalistic texts within Rabbinic literature. In Islamic tradition, he is also known as Mīṭaṭrūn, the angel of the veil. In folkloristic tradition, he is the highest of the angels and serves as the celestial scribe or " recording angel".

******

TAGAPAGSALAYSAY

"Ito ang tunay kong anyo. Ako ang gintong diablo. Ako si Zȍlto, ang diablong nasa klasipikasyon ng Mammon na nasa ikalimang ranggo sa herarkiya ng impyerno, ang diablo ng kasakiman. Maghanda ka dahil ngayon pa lang mag-uumpisa ang totoong laban. At ako ang iyong magiging kalaban, Zeron."

Agad na pinawalang bisa ni Zeron ang aktibong pananggalang at mabilis na lumayo mula kay Zȍlto. Hindi niya gusto ang nararamdamang panganib mula sa diablo. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla siyang nakaramdam ng kaba at pag-aalala. Kaba na maaaring matalo siya sa laban. At pag-aalala dahil may posibilidad na mapahamak ang kanyang mga kaibigan kapag natalo siya. Hindi inasahan ni Zeron na kanina pa pala tinatago ni Zȍlto ang kanyang alas. Ang tunay nitong lakas.

Matapos ang pagbabalat anyo ni Zȍlto, mas lalong tumindi ang taglay nitong kapangyarihan. Mararamdaman ang presyur sa hangin sa tindi ng lakas nito na ngayon lang pinakawalan.

Maya-maya pa, biglang nakadama si Zeron ng malakas na puwersa na humila sa kanya pababa. Sinubukan nitong tinitigan ang kanyang mga paa upang suriin kung nag-iba ang kayarian ng lupa. At nang kanyang makita ay wala namang may kakaibang nangyari. Ngayon ay hindi niya maintindihan kung bakit tila mas lalong bumigat ang timbang ng kanyang katawan. Umabot sa punto na nawalan siya ng balanse at napaluhod sa kanyang kinatatayuan.

'Anong uri ng kapangyarihan ito?', nalilitong wika ni Zeron sa kanyang isipan.

Sapataha ni Zeron, itinuon ni Zȍlto ang sentro ng grabidad sa kanyang kinatatayuan. Dahilan upang pigilan siyang makatakas o makalayo.

Sinubukan ni Zeron ang tumayo, ngunit hindi niya magawa. Buong lakas na pinilit ni Zeron ang tumayo gamit buo nitong lakas, ngunit mas lalo lang tumindi ang lakas ng grabidad. Hindi niya na kaya pang labanan ang puwersang humihila sa kanya pababa, dahilan upang mapahiga siya sa lupa.

'Wala na akong ibang pagpipilian kung hindi ang lumaban,' seryosong sabi ni Zeron sa kanyang sarili.

"Daevus Velocitas."

Pagkatapos nitong bigkasin ang orasyon, agad na nag-iba kayarian ng katawan ni Zeron. Ang katawan nito ay naging kidlat. Isang pulang kidlat. Dahil sa pagiging kidlat ng kanyang katawan, nagkaroon siya ng layang gumalaw sa kahit anong paraan na gusto nito. Dahil rito, nagawa niyang makalaya mula sa puwersa ng grabidad. Pagkatapos ay agad siyang lumayo kay Zȍlto.

Sa kanyang paglayo, agad siyang napatigil sa pagtakbo nang nabunggo niya ang sarili sa isang hindi nakikitang pader. Marahan niya itong hinawakan at napagtanto ni Zeron na nakakulong siya sa loob ng pananggalang. Buong pwersa niyang ginamit ang lakas upang sirain ang pananggalang. Ngunit kahit anong gawin niyang pag-atake ay hindi ito masira.

"Inasahan ko na tatakas ka. Kaya bago ka pa makalayo ay agad akong bumaybay ng isang salamangka. Kaya narito tayo ngayon sa loob ng pananggalang at nakakulong," ani Zȍlto.

Tumalim ang tingin ni Zeron nang nakita nito ang pagngisi ng diablo. Pagkalipas ng ilang sandali, lumakad si Zȍlto papalapit sa kanya. Agad namang lumayo si Zeron rito upang maging ligtas. Pero kahit anong gawin na pagtakas ni Zeron, wala na siyang kawala mula sa diablo.

ENCHORODIANWhere stories live. Discover now