LXII

54 12 7
                                    

AYUDISHIRA

Sabay kaming nagising ni Busa ng maaga. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong kapayaan. Ang ganda ng lagay ng loob ko ngayon, at hinihiling ko na sana 'di na ito masira katulad noong nakaraang araw. Nagpapasalamat ako dahil nitong mga nagdaang mga araw, napansin ko na hindi na ko masyadong ginagambala ni Sierra. Natakot siguro sa banta ni Hanila sa kanya, at marahil pinagalitan ni Propesor Eros. Magandang bagay na din 'yon upang maging maganda ang buo kong araw ko ngayon.

Ngayong sabado ay tungkol sa panggagamot ang aming pag-aaralan. Ang klaseng ito ay isa sa mga paborito ko. Dahil rito marami akong natutunan tungkol sa iba't-ibang uri ng halaman na maaaring gawing gamot. Ito ay malaking bagay para sa mga estudyanteng hindi marunong gumamit ng mahika ng panggagmot, katulad ko. At ngayong araw, ipapamalas ko sa lahat ang galing at husay ko sa paggawa ng gamot.

Marami akong natutunang mga uri ng panggagamot mula sa aking ina. Siya ang naging guro ko sa paggawa ng mga halamang gamot na prinoseso gamit ng mahika. Napakahusay niya pagdating sa panggagamot.

Marami akong nalaman sa kanya na nakatulong sa akin ngayon. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Kung nandito siya ngayon, marahil magiging masaya siya dahil sa wakas ay napasok na ko sa loob ng Akademya de Minika. Matagal din niya kasing pangarap ang makapasok ako rito sa paaralan na 'to. Kung narito siya ngayon, ipagmamalaki niya marahil ako sa kahit na sinong tao ang makasalubong niya sa daan.

"Shira!" Naputol ang malalim kong pag-iisip ng narinig ko ang pagtawag ni Busa ng pangalan ko. Binaling ko ang tingin rito at nagtanong, "bakit, Busa?"

"Kanina ka pa tulala. May bumabagabag ba sa iyong isipan?" nag-aalala nitong tanong.

Agad akong umiling rito at sumagot, "ayos lang naman ako. Naisip ko lang bakit napaaga tayo ng pasok. Bakit nasasabik ka din ba sa ating pag-aaralan ngayong araw?"

Agad itong tumango-tango at magiliw na nagsalita, "oo, isa ito sa mga paborito ko. Sa katunayan, dito ko nalaman kung paano gumawa ng iba't-ibang uri gamot na puwedeng gamitin sa kahit anong sitwasyon."

"True! Marami din akong natutunan sa panggagamot na ito."

"True?" nagtatakang tanong nito.

"Ang ibig sabihin ng salitang true ay totoo," paliwanag ko rito.

"Ang daming salita na 'di naiintidihan ang lumalabas sa bibig mo. Naku tigil-tigilan mo ko sa kakasalita ng ganyang lenggwahe, Shira," sermon nito.

"Anong masama dun? Wala naman diba? At saka nandiyan na ang guro kaya mamaya na lang tayo mag-usap."

Agad na tumahimik ang loob ng silid-aralan nang biglang pumasok ang aming guro. "Magandang umaga sa lahat!"

"Magandang umaga rin po, Guro!" sabay-sabay naming pagbati rito.

Lumawak ang ngiti ni Guro Sari at muling nagsalita, "ang ating pag-aaralan ngayong araw ay paano gumawa ng gayuma. "

Biglang namilog ang mga mata ng karamihan at napaawang ang labi sa gulat, at isa na ko dun. Hindi namin inaasahan na gayuma ang gagawin naming gamot ngayong araw.

Seryoso?! Gayuma talaga?!

Gagawa kami ng ngayon ng gayuma, gamot upang agad na mapaibig ang taong napupusuan mo. Hindi ba delikado pag-aralan o gumawa ng gamot na 'to?!

Maaari itong gamitin ng kahit sino sa amin upang gawing sunod-sunuran ang taong nagugustuhan namin. Parang pinipilit mong mahalin ka ng isang tao kahit may mahal na itong iba.

Ang gamot na 'to ay maaaring makasira ng isang relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Kung gusto nating mahalin tayo ng taong mahal natin, hayaan natin na mahalin nila tayo sa paraang gusto nito, hindi sa paraang gusto natin. Mayroong kalamangan at desbentaha ang gamot na ito.

ENCHORODIANWhere stories live. Discover now