II

307 35 53
                                    

Kabanata II: Indora

AYUDISHIRA

Pagkadating namin sa loob ng tindahan ni Nanay Kiva, agad kaming nagtungo sa kanya-kanyang mga trabaho na nakatalaga sa amin.

Si Akita ay tahimik na inayos ang mga gamit na ibebenta. Ako naman ay nanlinis sa buong sulok ng tindahan. At si Akira, ayun lumabas at nagpaalam na maglalaro daw.

Akala mo kanina kung sino makapagsalita na mahuhuli na kami sa trabaho. Akala mo kung ano ang pupuntahan niya sa sobrang pagmamadali. Pero laro lang naman pala ang pinagmamadalian niya. Ang mga bata talaga ngayon ang hirap intindihin. Napakakomplilado ng sistema ng kanilang pag-iisip.

Malalim akong bumuntong-hininga bago ibinalik ang atensyon sa panlilinis.

Habang abala ang lahat sa pagtatrabaho, napansin ko na kanina pa wala rito si Nanay Kiva. Tanging ang anak lang niya na si Jena ang nandito. Kadalasan kasi siya ang nagbabantay ng tindahan. Si Jena naman ay mabibilang lang sa daliri kung ilang beses nagpunta rito. Hindi na ko nakatiis kaya nilapitan ko si Jena at tinanong ito.

"Umm.. Jena? Saan nga pala si Nanay Kiva? Bakit wala yata siya rito?" malumanay kong tanong rito.

Pero embes na sagutin ang tanong ko, tinitigan niya lang ako ng ilang sandali bago muling ibinalik ang tingin sa pagpapaganda ng kanyang mga kuko. Hindi niya ako pinansin na parang hangin lang na dumaan sa harapan niya.

Isa pa 'to. Sarap bigwasan ng babaeng 'to. Nakakagigigil talaga. Pigilan niyo ko! Pigilan niyo ko baka anong magawa ko sa kanya!

Kung 'di ko lang nirerespeto si Nanay Kiva, matagal ko ng pinilipit ang leeg ni Jena nang sa gayon ay humandusay siya sa sahig hanggang sa mawalan buhay. Sarap nilang dalawa ni Akita na pag-untugin.

Kahit halos ilibing ko siya ng buhay sa lupa, pinili ko na 'di na lang ipahalata ang inis na kinikimkim ko. Tahimik akong umalis sa harapan nito at bumalik sa dati kong puwesto. Padabog akong umupo sa kahoy na silya sabay halukipkip ng mga braso.

Kung 'di lang siya anak ni Nanay Kiva, matagal na siyang nakatikim sa'kin ng mag-asawang sampal na may kasamang kabit. Dinagdagan niya lang ang inis ko kay Akita na hanggang ngayon hindi pa rin namamansin. Akala mo ang bigat ng kasalanan ko sa kanya.

Marahas akong napabuga ng hangin at malalim na napaisip. Sa loob ng apat na taon kong pagtatrabaho rito sa tindahan na ito ay naging maayos naman ang lahat. Si Jena lang talaga ang bwesit sa buhay ko.

Simula kasi nang dumating ang Jena na 'yan dito, palaging nagiging masama ang araw ko. Kapag tinatanong ko kasi ay palagi akong binabalewala. Akala mo pipi na di nakarinig ng mga sinasabi ko.

Pero ang gaga, todo ang pagpapapansin kay Akita. Halos ibigay niya ang kanyang katawan dito kahit 'di naman siya pinapansin.

Hindi ko naman masisisi si Akita kung hahabulin siya ng mga babae. Sa singkit niyang mga mata, matangos na ilong, mapula't manipis na labi, sigurado akong hahabulin talaga siya ng mga kababaihan.

Hindi lang 'yan, matangkad din siya at malaki ang katawan na bakat sa suot nitong kulay lupang damit. Pero kahit minsan 'di sumagi sa isip ko na magkagusto sa kanya.

Hanggang kapatid at kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya. Ako'y kanilang kinukop at pinatuloy sa bahay nila nang namatay ang mga magulang ko. Malaki ang pasasalamat ko kasi 'di nila ako pinabayaan hanggang ngayon.

Malaki rin ang pasasalamat ko kay Nanay Kiva. Tinanggap niya kaming magtrabaho rito sa tindahan niya. Parang pangalawang ina na rin namin si Nanay Kiva. Napakabait at maaalahanin niya sa amin. At kahit maliit lang ang pasahod dito ay ayos lang sa akin. Madali lang naman ang mga gawain dito dahil sa kapangyarihan namin. Oo, isa kaming salamangkero.

ENCHORODIANWhere stories live. Discover now