XXIII

88 26 8
                                    

KABANATA XXIII: ANG PINAGSAMANG LAKAS

AYUDISHIRA

"Diyan ka lang, Shira. Huwag kang aalis dito!" aniya at nagmamadaling umalis patungo sa kinaroroonan ni Hayanaré.

Kunot-noo na tiningnan ko ang papalayong pigura ni Busa. Malalim akong napabuntong-hininga sabay halukipkip ng mga braso.

Ano tingin niya sa akin, tutunganga lang dito habang sila nakikipaglaban? Pabigat na nga ako kanina, tapos ngayon magiging pabigat na naman ako. Nakakainis na ako palagi ang inililigtas. Dapat may gawin din ako. Kailangan tulungan ko sila sa abot ng aking makakaya.

Kumislap ang determinasyon sa mga mata ko kasabay ng aking paghakbang patungo sa laban na alam kong wala akong pag-asang manalo. Pero ngayon hindi ako nag-iisa. May mga kasama akong haharap sa pagsubok na ito. Kailangan naming maipasa ang pagsusulit na ito. Buo na ang desisyon ko; gagamitin ko ang aking lakas upang makatulong.

Napakunot ang noo ni Hayanaré nang makita akong lumapit sa kaniya. "Tutulungan ko kayong dalawa ni Hayanaré!"

"Wala kang sapat na lakas upang tulungan kami. Diyan ka na lang sa tabi," seryosong wika ni Hayanaré dahilan upang mahigpit na napakuyom ang kamao ko saka seryosong tumingin sa mga mata niya.

"Sinong nagsabi na direkta akong makikipagbakbakan sa halimaw na 'yan?" tugon ko sabay turo sa goylem na tumilapon dahil sa atake ni Busa. "Kayo ang tutulungan ko upang tiyak na matalo laban sa goylem."

Nakapamaywang na tumingin sa akin si Busa pagkalapit niya sa amin. "Tutulungan mo kami? Paano?"

Binigyan ko siya ng isang kakaibang ngiti saka hinawakan silang dalawa sa magkabilang balikat na kinagulat nilang pareho. Mariin akong napapikit, huminga ng malalim at marahang nagsalita. "Lahat ng pangkatawang kakayahan ay lumakas! Deus Inaltiare, inciant!"

Matapos kong bigkasin ang inkantasyon, lumabas ang berdeng usok mula sa palad ko. Unti-unting gumapang patungo kina Hayanaré at Busa, at bumalot sa kanilang katawan. Lumabas ang munting liwanag sa paligid, tila kumikinang na mga bituin sa kalangitan at saka kumapit sa berdeng usok.

Umihip ang malakas na hangin, tinatangay papalayo ang alikabok at mga tuyong dahon sa lupa. Bumigat ang atmospera ng paligid dahilan upang bumutil ng pawis sa noo ko. Ramdam ko ang presyur ng enerhiya sa paligid nilang dalawa.

Kumislap ang aking mga mata sa paghanga dahil sa orasyong binigkas. Ito ang unang beses na ginamit ko ang orasyon na tinuro sa akin ni Feron. Hindi ko inakala na agad itong gagana ng ganoon kadali.

Malaki ang pasasalamat ko kay Zerena dahil siya ang kumimbinsi kay Feron na tinuruan ako ng inkantasyon. Ang daming alam si Feron tungkol sa inkantasyon. Karapat-dapat nga siyang mapabilang sa grupo ng mga electus. May mga natutunan din naman akong orasyon sa Elkanteus. Ngunit halos ang laman nito ay tungkol sa mga herbal na halaman at kung paano gumawa ng gamot. May konti rin namang orasyon tungkol sa pagpapalakas ng katawan at Alma Luceré. Pero iyon lang at wala ng iba.

"Anong ginawa mo Shira?!" nanlaki ng mga mata ni Busa nang maglaho ang usok sa paligid nila. "Bakit biglang lumakas ang pisikal kong pangangatawan at kapangyarihan. Ang aking pandama ay mas tumalas ng sampung beses at ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Sa ginawa mo ay tila mas lalo pa akong lumakas!"

"Anong ginawa mo?" seryosong tanong ni Hayanaré na kinailang ko.

Agad na napabaling ang tingin nilang dalawa sa akin na tila naghihintay ng kasagutan.

"Gumamit ako ng isang Inciant upang lumakas ang inyong pangkatawang kakayahan," tugon ko sa kanila.

"Hindi ko alam na may kakayahan ka katulad nito. Salamat sayo, Shira. Malaki ang matutulong nito sa amin ni Naré--"

ENCHORODIANWhere stories live. Discover now