11

159 31 18
                                    

KABANATA 11: PAGSISISI

SHIRA

Malungkot na nakangiti kong pinagmamasdan ang bawat sulok ng bahay habang walang tigil sa pag-agos ang luha. Ang kalungkutan at pagsisisi sa aking puso ay walang pagsidlan. Lubos akong nagsisisi dahil sa pagiging makakalimutin ko. Naiinis ako sa sarili. Bakit sa lahat ng bagay, ang pagligtas pa kay Akira ang nawaglit sa aking isipan.

Kung naging maaga ang pagdating ko, hindi sana nauwi sa ganito ang lahat. Hindi sana nawala sa akin sina Akita at Akira. Habang tinitigan ko ang dating kama ni Akira, hindi ko mapigilan ang mapaiyak.

Mapait akong napangiti nang hinawakan ko ang kanilang dating kam. Hindi ko mapigilan ang sarili na mapaiyak dahil sa pangungulila at kalungkutan. Mariin na napapikit ang aking mga mata habang walang tigil sa pagpatak ng luha sa pisngi ko. Ngayong wala na sila at mag-isa na naman ako. Nag-iisa at malungkot.

Ang maestro ko ay iniwan ako dahil sa akin, at ngayon pati ba naman sila Akita iniwan din ako. Malas lang talaga ang dala ko sa mga taong malapit sakin. Isa akong malaking balakid sa kanila kaya ako iniiwan. Ngayon, mag-isa na muli ako at habambuhay na mag-iisa.

Pakiramdam ko ayaw sa akin ng mundo. Nakakalungkot man isipin ngunit iyon marahil iyon ang totoo. Mas mabuti pang ako nalang ang mag-aalaga sa sarili ko. Sa paraang ito, wala akong masasaktan na kahit sino.

Katulad ng pagkawala nila ay nawala din rito ang mga gamit nila, lahat ay wala na. Tuluyan ng nilisan ni Akita ang bahay at walang tinirang gamit kahit isa, tanging ang mga gamit ko nalang ang natira. Alam kong galit siya sa akin. Hindi ko siya masisisi kung ganun nga ang nararamdaman niya.

Bigla akong napamulat nang narinig kong may kumakatok sa pintuan ng bahay. Hindi ko inakalang nakatulog ako sa kakaiyak. Marahan akong bumangon at lumabas ng kwarto. Dahan-dahang lumapit sa harap ng pintuan saka binuksan ito.

Bahagya akong nagulat nang makita si Nanay Kiva na nakatayo sa aking harapan. Makikita sa ekspresyon ng mukha niya ang pagkagulat pero pinagsawalang bahala ko nalang. Masyadong malalim ang sugat sa puso ko ngayon. At hindi ko alam kung ito'y maghihilum pa.

Mapait akong ngumiti sa kanya at inaaya siyang pumasok na malugod naman niyang ginawa.

"Gising ka na pala, Shira," agad niyang sabi pagkapasok niya sa bahay.

"Umm.. opo, kanina lang."

Marahan siyang tumango-tango habang tinitingnan ang kabuuan ko. Kakaiba ang uri ng mga tingin niya. May problema ba siya sa akin?

"Kamusta ang pakiramdam mo? May nararamdaman ka bang masakit? Masakit ba ang batok mo? May nararamdaman ka bang hindi maganda sa katawan mo? Kung mayroon, huwag kang mahiyang magsabi sa akin," puno ng pag-aalala niyang saad.

Nag-aalangang ngumiti ako sa kanya at napakamot ng batok. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang mga tanong niya.

"Ayos naman ang pakiramdam ko Nanay Kiva. Bakit nga pala kayo naparito? May kailangan ba kayo sa akin?"

"Kinakamusta lang kita kung maayos ang kalagayan mo," agadang pagsagot niya.

"Maayos naman po ang lagay ko, Nanay Kiva. Wala po kayong dapat ipag-alala. Malungkot nga lang ako sa sinapit ni Akira dahil sa pagiging makakalimutin ko."

ENCHORODIANWhere stories live. Discover now