XLV

73 24 6
                                    

KABANATA XLV: AKADEMYA DE MINIKA

AYUDISHIRA

Maliwanag na sikat ng araw ang bumungad sa amin pagkalabas namin mula sa bahay-pahingahan. Kumpulan ng mga mag-aaral ang una naming nakita pagkadating namin sa harapan ng Akademya de Minika.

Malayo pa lang kami sa Akademya ay kapansin-pansin na ang kulay tansong pader na pumapalibot sa buong paaralan na kumikinang dahil sa sikat ng araw. Kung susukatin mula ibaba patungo sa itaas ito'y napakataas, di abot ng paningin kung iyong titingalain, sa sobrang taas umaabot ang dulo nito sa ulap. Nakakaagaw-pansin naman ang kulay ginto nitong pambungad-tarangkahan, na may nakaukit na hugis ng paruparo sa gitna ng tarangkahan. Kung sino ang makakakita nito ay talagang mapapamangha sa angkin nitong ganda at kinang na nakakaakit sa mga mata ng kahit na sino.

Sa labas pa lang ay napaka engrande na, pa'no pa kaya 'pag nasa loob na kami ng Akademya? Siguradong malulunod ang paningin ko sa kagandahan nitong taglay. Hindi na ko makapaghintay na makapasok sa loob ng paaralan na ito.

Marahan kong inayos ang suot na dilaw na mahabang damit na hindi aabot sa talampakan. Simpli lamang ang damit at wala ganoong desenyong nakaburda rito. Ito ang napili kong susuotin dahil hindi ito ganun kagara at ayaw ko ng damit na nakakaagaw-pansin. Nakasuot din ako ngayon ng dilaw na sapatos na may tatlong pulgadang takong. Medyo nahirapan akong maglakad nung una, pero pagkaraan ng ilang minuto ng pagsasanay ay nasanay din ang paa ko, na parang likas na sa'kin na nakasuot ng ganitong sapatos.

Si Zerena mismo ang pumuli ng damit na susuotin namin kaya sigurado akong bagay sa amin ito. Alam ko din naman na mahusay siyang magpili ng damit na babagay sa amin, kaya hinayaan na namin siyang magdesisyon kung ano ang susuotin namin. Masasabi kong magaling siyang pumili ng damit.

Ibinaling ko naman ang tingin kay Busa, halata ang pagkamangha at pagkasabik sa kislap ng mga mata nito. Nakasuot ito ng greydyent na asul na damit na lampas sa kanyang talampakan. Nakasuot din ito ng ternong asul na sapatos na may asul na paruparo sa harapan nito, na may apat na pulgadang takong. Napakamaiyag niyang tignan, bagay na bagay sa kanya ang suot nito na mas lalong nagpagtingkad ng ganda niyang taglay.

Samantala si Hayanaré naman ay walang ekspresyon habang diretsong nakatingin sa harapan. Halatang wala itong pakialam sa paligid at tila may sariling mundo. Pero ang gwapo niya tignan sa suot na puting huwego-de-anilyo, na may asul na kurbata sa leeg na ipinares sa itim na tuksedo at itim pantalon, at makintab na itim na sapatos.

Aaminin ko nung una ko siyang nakilala ay inis ang una kong naramdaman sa kanya, dahil sa pagka-antipatiko at pagka-aroganti ng pag-uugali nito. Pero nung tumagal nalaman ko na ginagawa niya lamang iyon upang protektahan ang kapatid niya mula sa kapahamakan. Habang tumatagal ay unti-unting gumagwapo siya sa aking paningin.

Sino nga ba ang hindi maaakit sa gandang lalaki niyang taglay. Ang tangos ng kanyang ilong na tila inukit ng isang bathala. Ang nakakaakit niyang manipis at mapulang labi, na tila nagsasabi halikan ito. Ang kulay itim nitong mga mata na puno ng lihim at misteryo nakakubli, at ang magulo nitong buhok na bumagay sa kanyang malamig na pag-uugali. Ang ganda niya sa mata, nakakainis nga lang minsan.

Agad kong ipinaling ang tingin sa harapan nang nahuli niya kong nakatitig sa kanya. Nakakahiya! Ano kaya iisipin nito na nahuli niya akong nakatitig rito? Baka isipin niyang may gusto ako sa kanya? Waah! Wala naman akong gusto rito! Anong gagawin ko? Parang ayaw ko ng humarap sa kanya.

"Ayos ka lang ba, Shira?"

Iling lamang ang tanging naisagot ko kay Busa. Di ko alam kung ano ang sasabihin, lalo pa't nararamdaman kong nakatingin pa rin sa'kin si Hayanaré.

Agad kong iniling-iling ang ulo upang iwagwag ang mga nakakabagabag na ideyang naglalaro sa aking isipan.

Itinuon ko nalang pansin sa harap at pinagmasdan ang mga bagong mag-aaral ng Akademya. Mababakas ang karangyaan sa mga suot nitong magarang damit. Kapansin-pansin na kaunti lamang ang bilang ng mga bagong mag-aaral ng Akademya. Dalawampu lamang kami kung bibilangin.

ENCHORODIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon