XLVIII

65 21 19
                                    

AYUDISHIRA

"Shira, kaya pa?" hinihingal na tanong ni Busa.

Paglingon ko kay Busa, nakita kong naliligo siya sa sariling pawis, bahagyang nakaapawang labi at mabilis na naghahabol ng hininga. Medyo matamlay ang hilatsa ng kanyang mukha, pero may kakaibang ningning sa kanyang mga mata. Halata sa itsura nito na pagod na siya. Ngunit kahit gaano ka pagod si Busa, patuloy pa rin ito sa pagsulong at pagtakbo. Habang ako naman, halos 'di ko na maihakbang ang aking paa sa sobrang pagod.

Tila basang sisiw akong tumingin kay Busa. "Parang ayaw ko ng tumakbo, Busa."

Isang oras na kong walang tigil sa pagtakbo, pero di ko pa nalilibot ang buong istadyum dahil sa sobrang lawak nito. Basang-basa na ko sa pawis at halos wala na kong maibugang hangin, dahil sa sobrang kapagalan. Pakiramdam ko, bawat ligamento at hugpungan sa aking katawan ay naghiwa-hiwalay.

Mahinang ngumiti si Busa at sumagot, "kaya mo yan, Shira. Tiwala lang."

Di ko na nagawa pang sumagot dahil nauna na sakin si Busa sa pagtakbo. Kita ang determinasyon sa ekspresyon ng mukha ni Busa. Halatang pursigido siyang malagpasan ang unang pagsubok na ibigay sa ng aming guro. Nakaka-inspirado ang pagiging positibo ni Busa sa ganitong sitwasyon. Di siya madaling sumuko. Gusto ko mang maging katulad niya pero di ko kaya. Di ako sanay sa ganitong bagay. Ito ang kauna-unahang beses na ginawa ko ito.

Kahit palaging pagod ang katawan ko sa pagtatatrabaho dati noong nasa bayan pa ako ng Magus nakatira, di ko pa nagawa ang tumakbo ng ganito katagal at kahaba. Talagang mas matibay ang pangangatawan nina Busa at Hayanaré kaysa sa'kin. Nasabi sa akin ni Busa dati, bata pa lang ay ine-ensayo na sila ng kanilang mga magulang sa pakikiglaban.

Ito marahil ang isang malaking kalamangan nila sakin. Habang sila ay nag-eensayo upang lumakas, ako naman ay nagtatatrabaho upang mabuhay at may makain sa pag-araw-araw na pamumuhay.

Sana bata noong bata pa lang ako ay inensayo ko na ang aking katawan. s
Sana ngayo'y hindi ako nahihirapan ng ganito.

Muli kong inihakbang ang mga paa upang tumakbo, pero agad akong panatigil nang biglang sumakit ang aking talampakan. Tila ayaw na yatang gumalaw ang mga paa ko. Ayaw na nilang humakbang at magpatuloy sa pagtakbo. Ang tagiktik at manguluntoy na sikat ng araw ay dumagdag sa pagbaha ng aking pawis sa buo kong katawan. Tila basahan na ngayon ang damit ko, dahil sa sobrang pagkabasa nito sa pawis.

Pagkatigil ko sa pagtakbo, biglang ngumalay at medyo sumakit ang mga binti ko. Marahan ko itong hinilot upang mabawasan ang ngalay at sakit. Kahit papaano ay nakatulong ang paghilot ko, dahil medyo nawala ang ngalay at sakit nito.

Ibinaling ko ang tingin sa harapan at nakita kong malayo na ang agwat ng iba sakin, at isa na dun si Busa. Nakakabilib din si Hayanaré dahil siya pa lang ang nakakadalawang libot sa aming lahat. Di ko rin inasahan na malakas ang pangangatawan ni Sierra, ang babaeng unang nagpahiya sa'kin kanina.

Di ko inakala na kaya niyang makipagkumpetensya kay Busa pagdating sa pagtakbo. Ibinaling ko naman ang tingin sa likuran at nakita kong malayo ang aking agwat sa anim pa naming mga kaklase. Kung isang patimpalak ito, marahil ako ang nasa ikaapat na ranggo.

Kahit papaano ay napabunsod ang kompyansa ko, sa katotohanang hindi naman pala ako gaano kahina. Kung mahina ako, may mas mahina pa pala sa akin. Nakakatawa isipin na hindi naman pala ako masyado kahina katulad ng inaakala ko. Masyadong mababaw lang siguro ang tingin ko sa aking sarili. Minamaliit ko ang sarili dahil sa mga limitadong bagay na kaya kong gawin.

Ito na marahil ang panahon upang maniwala sa sarili ko. Maniwala na kaya kong gawin, ang kayang gawin ng iba. Maniwala na kaya kong umangat katulad ng pag-angat ng ilan. Maniwala na kaya kong maging malakas, at maging isang Magister Praecantator. Naniniwala ako na matutupad ko ang aking mga pangarap balang araw.

ENCHORODIANUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum