XII

140 29 5
                                    

KABANATA XII: KATOTOHANAN

AYUDISHIRA

"Alam kong nakakagulat malaman ang totoong nangyari, ngunit lahat ng mga sinabi ko sayo ay totoo."

Rinig ang lungkot at pangamba sa boses ni Nanay Kiva. Halatang nag-aalala siya sa naging reaksyon ko. Kahit ako rin naman ay nag-aalala sa sarili kong kalagayan. Hindi pa rin mawaglit sa aking isipan na nakatulog ako ng mahigit tatlong taon. Hindi talaga kapani-paniwala ang mga impormasyong nalaman ko. Parang imposibling mangyari. Lahat ng napagdaanan ko, ang pag-ataki ng mga indora, pagpasok ko sa loob ng Kagubatan ng Norioh, at ang pagkikita namin ng mga Electus ay panaginip lang lahat. Pero parang totoo talaga ang mga napagdaanan ko.

"Ano po ba ang mga nangyari noong nakalipas na tatlong taon? Ang mga panahon kung kailan ako nakatulog. Sabihin niyo po sa akin," pagpupumilit ko rito.

Malalim itong napahugot ng paghinga saka tumingin sa akin na may pag-aalala sa kanyang nga mata. Naiintidihan ko na iniisip niya lang ang kalagayan ko. Ngunit kailangan kong malaman ang katotohanan.

"Sigurado ka bang gusto mong malaman ang totoo?" tila nag-aalinlangan niyang tanong.

Nararamdaman ko na hindi magiging maganda ang maririnig ko. Ngunit buo na ang loob kong malaman ang totoo. Kahit parang imposibli ang lahat ng mga sinabi niya, makikinig pa rin ako. Kaya tumango-tango ako rito bilang senyales ng pagsang-ayon sa tanong niya.

Marahan siyang tumango-tango at nag-umpisang magkwento tungkol sa mga dapat kong malaman.

"Tatlong taon ang nakakaraan, natatandaan ko noon na lumabas kayong tatlo ni Akita at Jena ng tindahan upang manood ng parada. Masaya, maingay at puno ng buhay ang parada ng panahon na iyon. Tapos sa hindi inaasahang pangyayari, biglang nagkagulo ang lahat. Ang mga ngiti sa labi ng mga tao ay napalitan ng takot. Nagsitakbuhan ang lahat at nagtago sa kani-kanilang mga bahay. Dala ng kuryusidad at pangamba, tumakbo ako patungo sa lugar ng pinangyarihan ng kaguluhan. At pagpunta ko sa mismong lugar na 'yon, nakakita ako ng dugo na nagkalat sa paligid..." napatigil ito sa pagsasalita at tila naluluha habang inaalala ang mga nangyari.

Ako naman ay hinintay ang mga susunod niyang sasabihin. Inaabangan ang kanyang salita. Mariin itong napapikit at huminga ng malalim at pinagpatuloy ang pagsasalita.

"Nakita ko ang lahat, nakita ko mismo na pinaliligiran ka ng mga indora, walang malay at duguan sa gitna ng mga hayop na iyon. Si Akita pilit na inililigtas ka kahit alam niyang 'di niya kayang kontrahin o depensahan ang sarili laban sa ataki ng mga indora. Umiiyak na kaming dalawa sa takot at pangamba, humingi kami ng tulong sa mga mag-aaral ng Akademya de Minika nguit walang laban ang kanilang mahika sa kapangyarihan ng nga indora.

Malapit na kaming mawalan ng pag-asa. Pero sa kabutihang palad, dininig ng panginoong Vinea ang mga dalangin ko. Biglang dumating ang mga electus at niligtas ka nila mula sa mga indora. Ngunit, ang kapalit ng pagkakaligtas sa'yo ay ang pagkawala ng iyong kamalayan. Ginamit ng prinsesa ang kanyang mahika upang mapagaling ang lahat ng sugat at pasa sa katawan mo, ngunit hindi ka nagising. Buhay ka nga pero parang patay ka naman. Ginawa ng prinsesa ang lahat upang maibalik ang ulirat mo ngunit ayaw ka pa ring magising," aniya sa malungkot na boses.

Di ko alam na mga Electus ang nagligtas sa akin. Akala ko si Akira ang inataki ng mga indora at ako ang nagligtas rito. Natatandaan ko pa ang mga sinabi sa akin ni Akira, tandang-tanda ko pa na ako raw ang ang nagligtas sa kanya. Pero iba pala ang totoong nangyari, ibang-iba sa mga napagdaan ko.

"Sa kagustuhan ni Akita na gumaling ka at magising mula sa pagkakahimlay. Kaya napagdesisyunan na na umalis at tumungo sa Kaharian ng Ende, upang humanap ng lunas para sayo. Ngunit umabot ng ilang araw, buwan, taon at magpahanggang ngayon, 'di pa rin siya bumabalik. Nag-aalala na ako kung ano ang nangyari sa batang iyon. Ang prinsesa naman ay bumibisita rito minsan upang kamustahin ang lagay mo. Kadalasan kasama niya ang mga kaibigan niya, minsan siya lang mag-isa."

Unti-unti ko ng naiintidihan ang lahat, pero wala pa rin talaga akong maalala sa mga nangyari. Marahil matatagalan bago manumbalik ang mga alaala ko.

Sa mga narinig mula kay Nanay Kiva, napapaisip na rin ako bakit hindi pa nakakabalik si Akita. Saan na ba siya ngayon? Nasa maayos ba ang kalagayan niya ngayon? Anong ginagawa niya sa mga oras na 'to?

At ang prinsesa, bakit tinutulungan niya ko? Wala naman akong karapatang magreklamo sa pagtulong niya, nagpapasalamat pa nga ako dahil sa kabutihan niya at walang sawa niyang pagtulong sa akin. Nagtataka lang talaga bakit ang isang katulad kong povré, isang ordinaryong tao, patuloy niya pa ring tinutulungan. At ang hindi kapani-paniwala, binibisita niya pa ako.

Pinapakita talaga ng prinsesa na napakabuti ng kalooban niya. Mas lalo akong nanasabik na makita siya ng harapan. Gusto ko ring magpasalamat sa kanya sa lahat ng ginawa niya para sa akin.

"Nanay Kiva, gusto kong magpasalamat sa lahat ng tulong na binigay mo sa'kin. Lalo na nang mga panahon na nakatulog ako ng mahabang panahon. Maraming salamat po sa lahat. Hindi ko po alam kung paano ko kayo mapapasalamatan pero. Maraming maraming salamat sa inyo!" taos puso kong pagpapasalamat rito saka yumakap sa kanya ng mahigpit. Gumanti rin siya ng mahigpit na yakap sa'kin. Maya-maya pa, humiwalay na kami sa isa't-isa. Pagkaraan ng ilang sandali, biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Nanay Kiva.

"May problema po ba, Nanay Kiva?" nag-aala kong tanong rito.

Umiwas siya ng tingin sa'kin at hindi nagsalita. Napakunot ang noo ko sa biglaang pag-iba ng kilos niya. May problema ba siya?

"Kasi may bumisita ritong tao na alam kong hindi mo gustong makita," nag-aalinlangan niyang sabi.

"Sino naman po ang taong ito na bumista sa akin?" puno ng kuryusidad kong tanong.

"Ang iyong Ama," agadang pagsagot nito.

Nang narinig ko ang salitang Ama, pakiramdam ko biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Bumigat ang aking paghinga at nanlaki ang mga mata.

Mabilis akong napatayo sa aking kinauupuan at lumayo sa kanya ng bahagya. Bigla akong nakadama ng matinding galit sa aking puso. Sa lahat ng taong puwedeng bumisita sa akin, bakit siya pa?! Bakit ang taong 'yon pa? Paano kung may nakakita sa kanya?

Ano na naman ba ang pakay niya sa pagpunta sa'kin rito? Bakit siya pumunta rito?

"May sinabi ba siya sa'yo tungkol sa'kin?" kunot-noong tanong ko rito.

"Wala," maikli niyang sagot.

"Paano niyo nasabing ama ko siya?!"

"Dahil sinabi niya sakin–"

Naputol ang sasabihin ni Nanay Kiva sa bigla kong pagsalita, "Ano?! Sinabi niya iyon?!" marahas akong napabuga ng hininga at kinalma ang sarili. Agad na nakahinga ako ng muluwag dahil wala itong may sinabi tungkol sa'kin.

"Shira, may dapat ba akong malaman?"

"Wala, wala!" mabilis kong sagot rito at muling umupo sa tabi niya. "Wala naman po. Nagtataka lang ako. At pakiusap, sana huwag na po natin siyang pag-usapan pa, ayos lang po ba 'yon?"

Kahit nagtataka ay tumango na lamang ito at ngumiti ng pilit. Ngumiti ako sa kanya at muling yumakap sa kanya.

Kung ano man dahilan ng pagtungo ni Ama rito. Sana hindi iyon makakasira sa akin. Sana.

ENCHORODIANWhere stories live. Discover now