XXIX

102 24 29
                                    

KABANATA XXIX: LABYRINTHUS (Prt. 3)

(A/N: Paaalala, ang kabanatang ito ay nagtataglay ng maselang bahagi (pero very very slight lang) na hindi puwede sa mga may edad na 16 pababa, patnubay ng nakakatanda ang kailangan. Pero alam ko na masarap ang bawal dahil gawain ko din yan! Kaya bahala na kayo sa buhay niyo. Choice niyo na yan kung babasahin niyo o hindi, sariling problema niyo na yan🤣 Enjoy reading!)

– –

TAGASALAYSAY

Pinagpatuloy nilang tatlo ang pagtakbo at paglakbay sa loob ng Labyrinthus, at sa kanilang paglalakbay ay nakaharap sila ng mga kakaibang nilalang na ngayon lamang nila nakita. Mga uri ng nilikha na hindi pangkaraniwan. Mga nilalang na katulad ng mga dambuhalang gagamba, mga lobong bumubuga ng apoy, at pusa na nagiging halimaw. Pero kahit gaano pa kalakas o nakakatakot ang mga nilalang na nakaharap nila, hindi iyon naging hadlang sa kanilang mithiin na makapasa sa pagsusulit, bagkos, mas lalo pang nagliyab ang apoy sa kanilang mga puso na abutin ang kanilang hinahangad.

Sa lakas at kakayahan na nabuo mula pagtitiwala nila sa isa't-isa, kaya nilang talunin ang mga nilalang na nagbalak humarang sa daanan nila. Tila ang kanilang pagtitiwala sa isa't-isa ay unti-unting lumalalim at umigting ng hindi nila namamalayan.

Magiliw nilang tatlo na tinahak ang daan na puno ng kompyansa sa kanilang sarili, ngunit hindi nila alam na may nagbabadyang malaking pagsubok ang naghihintay sa kanilang tatlo na malapit ng maganap.

"Tigil!" pigil ni Hayanaré sa dalawang kasama sa paglalakad ng nakadama siya ng kakaibang presensya sa paligid.

'Kanina ko pa nararamdaman ang ganito kabigat na presensya mula pa kanina noong hinarap namin ang Sphinx. Hindi ko inakala nasundan niya kami hanggang rito. Akala ko naligaw ko siya kanina pero tila malakas ang pang-amoy niya, at hanggang dito ay nasundan niya kami. Dapat na mas lalo kaming mag-ingat at maging alerto. Malakas ang isang 'to!', nag-aalalang wika ni Hayanaré sa kanyang isipan.

"Bakit Naré?" takang tanong ni Hayabusa sa kapatid.

"May naramdaman akong masamang enerhiya na nagkukubli malapit sa atin," sagot nito sa seryosong boses.

'Huh? Wala naman akong nararamdaman na presensya sa paligid', nagtatakang tanong ni Shira sa sarili.

"Ibig mong sabihin may nagmamasid sa atin?!" kunot-noo na tanong ni Hayabusa sa kapatid.

"Parang ganun na nga." tugon ni Hayanaré rito.

Tumango-tango si Hayabusa sa tinuran ng kapatid at seryosong sumagot rito. "Kung ganun ay dapat tayong mag-ingat. Hindi natin alam kung sino o ano itong nagmamasid sa atin, kaya mas lalo nating pagtibayin ang ating depensa—"

Natigil sa pagsasalita si Hayabusa nang naramdaman nila ang biglang paglindol ng lupang kinatatayuan nila. Nakita nilang tatlo ang  unti-unting paggalaw ng mga pader at paglipat sa iba't-ibang lokasyon sa hindi mapaliwanag na kadahilanan. Dagling lumakas ang bugso ng hangin at uminit ang bawat pagdampi nito sa kanilang mga balat. Naging mainit din ang halumigmig ng paligid na umabot sa puntong pinagpapawisan na sila.

"Anong nangyayari?!" nalilitong bulong ni Hayabusa sa sarili na halatang narinig naman ng dalawa niyang kasamahan.

Bigla napasigaw ng malakas si Shira nang biglaang nahati ang lupang kinatatayuan nila sa tatlong magkahiwalay na bahagi. Mabilis ang paggalaw ng mga matataas na pader na humarang at humati sa pagitan ng bawat isa sa kanila.

ENCHORODIANWhere stories live. Discover now