XXXVIII

77 24 32
                                    

KABANATA XXXVIII: AZAZEL

HAYABUSA

Unti-unting nawala ang usok at matagumpay akong nakawala mula sa pagkakagapos. Pagkawala ko ay agad akong tumakbo patungo sa kinaroroonan nila, ngunit agad din akong napatigil nang makarinig ako ng boses mula sa kung saan.

"TUMIGIL KAYO!"

Agad kong hinanap ang pinanggalingan ng boses. Gulat ang agad na naging reaksyon ko nang makilala ko kung sino ang biglang nagsalita.

Lumapit ako rito at marahang yumuko bilang pagbibigay galang. "Anong ginagawa niyo rito mahal Prinsesa at mahal na Prinsepe?"

Ano ang ginagawa niya rito?! Anong kailangan nila?! Bakit nandito ang Prinsesa at Prinsepe?

"Nandito ako para iligtas si Shira," agad na napadako ang tingin ko sa seryosong mukha ng Prinsesa.

Ibig sabihin ba nito ay totoong magkaibigan sila ng Prinsesa. Hindi pala nagbibiro si Shira nang sinabi niya na magkaibigan sila.

"Kaibigan mo si Shira?" tanong ko rito at tumango naman ito bilang pagsagot.

"Kung ganun ay pareho pala natin siyang kaibigan. Ngayon ay humihingi ako ng tulong mo na iligtas natin si Shira mula sa kapatid ko."

Napakunot ang kilay niya sa tinuran ko. "Tingin ko ay hindi mo pa alam kung ano ang totoong nangyayari rito."

Anong ibig niyang sabihin na wala akong alam sa totoong nangyayari rito? Nandito kaya ako nang mag-umpisang maglaban si Shira at Naré. At nakita ko lahat ng mga nangyari rito.

"Hindi kita maintindihan, anong ibig mong ipahiwatig?" nagtatakang tanong ko rito.

Malalim itong humugot ng hininga at nagsalita, "si Shira ang dapat nating iligtas mula sa demonyong gumamit ng katawan niya. Tinutulungan lamang ng kapatid mo si Shira na maapalis ang diablo na sumanib sa katawan nito. Ayon sa sinaunang libro ng kaalaman o ang Scriptum De Intellegentia, kapag natalo mo sa duwelo ang taong sinaniban ng diablo, kusang lalabas ang diablo sa katawan ng taong sinaniban nito."

Ayon sa aking kaalaman, ang Scriptum De Intellegentia ay isang sinaunang libro na matagal ng nawawala sa loob ng isang libong taon. Ito ay naglalaman ng mga kaalaman ukol sa kasaysayan ng mundo ng Enchorodian, pinagmulan ng mahika at deskripsyon tungkol sa mga diablo at ng mga sinauang artepakto.

Pero ang isang bagay na tumatak sa isipan ko, sinaniban si Shira ng diablo?! Paano?!

Natatandaan ko na sinabi sakin kanina ni Shira na nakipaglaban siya sa isang diablo at nanalo daw siya sa labanan nilang dalawa. Teka, bakit hindi ko man lang naisip kung paano nakapunta si Shira sa lugar kung saan ako nakipaglaban kay Axazel. Kung si Naré ay hindi nakapunta doon pagkatapos ng laban niya gayung mas nauna siyang natapos sa amin, paano naman nakapunta roon si Shira? At paano niya napatay si Axazel gayung mas malakas ito sa kanya.

Hindi madaling patayin ang isang diablo kahit pugutan mo pa ito ng ulo, sa kadahilahang diablo nga sila. Mahika lamang ang makakapuksa sa kanila. Pero mayroon pang isang paraan kung paano mapapatay ang diablo, iyon ay kung diablo mismo ang papatay sa kauri nitong diablo.

"Sa tingin ko naiintidihan mo na. Huwag na tayong mag-aksaya pa ng oras at iligtas na natin siya." Mabilis na tumakbo ang Prinsesa patungo sa naglalaban na si Naré at Shira. Agad akong sumunod sa kanya at tumungo sa kina Naré at Shira.

Unti-unting lumabas ang mga butil ng tubig mula sa aking balat at dumaloy patungo sa palad ko. Ito'y nagtipon at nabuo na isang bola ng tubig.

"Aqua Vincula." Pagkatapos kong magbaybay ng orasyon, ang bola ng tubig na nagtipon sa aking kamay ay biglang nag-iba ang hugis at naging kadena. Ang kadenang ginawa ko ay hindi lamang ordinaryong kadena, ito ay may kakayahang paralisahin ang sino man na magagapos nito.

ENCHORODIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon