Epilogo

125 8 10
                                    

TAGAPAGSALAYSAY

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

TAGAPAGSALAYSAY

Sugatan at puno ng pasa ang katawan ni Azazel dahil sa pagsabog. Hindi nito inasahan na mapipinsala siya ng atake ni Shira. Lubos siyang nagulat sa biglaan nitong paglakas ng hindi inaasahan. Kanina lang ay hindi nito maprotektahan ang sarili laban sa kanya, pero ngayon biglang nag-iba si Shira. Biglang mas lumakas at tumindi ang kapangyarihan nito.

Mabilis na lumayo si Azazel nang muli siyang inatake ni Shira. Mabuti na lang ay agad niyang nakita ang pagsugod nito, dahil kung hindi, siguradong mapipinsala na naman siya ng atake nito.

Ngayon ay mas lalong dumoble ang kanyang pagkagulat. Hindi lamang naging malakas si Shira, mas lalo rin tumindi ang bilis nito. Sa loob ng maikling panahon, agad nitong napantayan ang lakas at bilis niya

Hindi kapani-paniwala kung iisipin. Ngunit nang muling nakita ni Azazel ang hawak na baston ni Shira, doon niya napagtanto na maaari dahil sa baston kaya biglang lumakas si Shira. Marahil nanggaling sa baston ang kapangyarihan nito.

Noong una silang nagtuos at naglaban, may napansin na siyang kakaiba sa hawak na baston ni Shira. Pinagsawalang-bahala niya lamang ang napansing kakaiba dahil akala niya isang ordinaryong baston lang ito. Pero nagkamali siya. Isang malaking pagkakamali na pinagsisihan niya.

Noong hiniram ni Shira ang enerhiya ng baston, doon niya nahinuha na ang baston nito ay dating pagmamay-ari ni Zetur. Subalit, hindi siya nabahala at naging kampante dahil akala niya hindi alam ni Shira paano gamitin ang kapangyarihan ng baston. Kaya ngayon ang pagiging kampante niya ang nagbigay sa kanya ng desbentaha sa laban nila. Kung kanina pa lang ay tinapos niya na si Shira, hindi na sana lumala pa ang sitwasyon. Hindi sana siya mahihirapan kalabanin si Eros.

Naniwala siya sa sariling kakayahan at inakala na walang makatatalo sa kanya. Nagkamali siya. Kaya ngayon nag-iba ang pagtingin ni Azazel kay Shira. Sa pambihira nitong lakas na taglay ngayon, tila mahihirapan na siyang talunin ang dalaga. Lalo pa't hindi ito nag-iisa. May kasama rin itong malakas na nilalang. At tiyak si Azazel na maliit ang pag-asa niyang manalo sa laban kapag sabay niyang kinalaban silang dalawa.

Sumagi sa isip niya ang tumakas at maghintay ng tamang panahon upang umatake. Subalit wala sa bokabolaryo niya ang pagtakas at ang pagiging duwag. Kaya hindi siya tatakbo at lalabanan niya sila ng sabay.

Agad niyang pinagaling ang mga sugat at pasa. Sa isang iglap, nawala ang lahat ng kanyang natanggap na mga pinsala. Nanumbalik ang kanyang lakas at handa na siyang lumaban muli. Kinondisyon niya ang sarili at pinatibay ang sandata.

Pinadaloy ni Azazel ang malakas na enerhiya mula sa kanya, patungo sa espada nitong hawak. Ang enerhiyang pinalabas niya ay agad na pumasok sa espada na nagsanhi ng pag-iba ng wangis nito. Ang hawakan ng espada ay nagkaroon ng sungay ng diablo at mukha ng isang dragon. Humaba ang talim ng espada at mas lalong naging mas matalim na tila hinasa ng sampung beses. Bigla itong nagliyab at nabalot ng itim na apoy.

ENCHORODIANOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz