XXXIV

76 23 21
                                    

KABANATA XXXIV: LABYRINTHUS (Prt. 8)

HAYABUSA

Malakas akong nadaing sa sakit, nang bigla niya akong sinipa ng malakas sa aking tagiliran. Agad niyang tinapakan ang tiyan ko at sinipa muli ako ng malakas.

Tang*na! Hindi ko maigalaw ang buo kong katawan! Kahit ang mga daliri ko ay ayaw kumilos! Nakakainis!

"Hahaha! Nasa akin pa rin ang huling halakhak! Ano ka na ngayon? Kaya mo pa bang malaban?" halata na ang kagalakan sa boses nito ay walang pagsidlan.

Hinang-hina na ang buo kong kalamnan upang sumagot. Wala ng boses ang lumalabas sa bibig ko. Ito na marahil ang katapusan ko. Walang kahit na sino man ang makakatulong sakin rito.

Paulit-ulit niya akong sinipa sa tagiliran hanggang sa napapaubo ng ko ng dugo. Unti-unting namamanhid ang buo kong katawan at hindi ko na maramdaman ang sakit sa aking tagiliran.

Unti-unting lumalabo ang aking paningin at bumibigat ang aking paghinga. Sumisikip ang aking dibdib na tila na uubusan ng hangin.

"Hahaha! Ito na ang katapusan mo! HASTÆ DE KAMATAYON!"

Nagtipon ang buhangin sa kanyang dalawang kamay at unti-unti itong nabuo at naging isang sibat na binuo mula sa buhangin.

Malakas siyang tumawa ng malademonyo at nagsabi ng, "Wala ka bang huling salita bago ka mamatay? Hahaha! Paalam na Hayabusa at mamatay ka na!"

Tumawa siya ng malakas at dahan-dahang binaba ang sibat upang ibinaon ng direkta sa aking puso. Agad akong napapikit ng mariin at mapait na nakangiti na tatanggapin ang aking kamatayan.

Kung ito ang aking tadhan ay tanggapin ko ito ng buong puso at walang pag-aalinlangan.

Dahan-dahang dumaloy sa aking pisngi ang luha nang naalala ko lahat ng masasayang alaala sa aking isipan. Ang mga alaala na kasama ko ang aking pamilya, si Naré at ang kauna-unahan kong naging kaibigan na si Shira. Nakakatawang isipin na kahit sa maikling sandali, nagkaroon ako ng kaibigan sa kalagitnaan ng pagsusulit. Hindi ko mapigilan ang sarili na mapaluha nang ang halo-halong emosyon ay mabilis na dumaloy sa aking kaibuturan. Paalam sa lahat, paalam sayo Naré at paalam na din sayo Shira. Hindi ko kayo makakalimutan. Babantayan ko kayo ng maigi, tandaan niyo yan. Salamat sa lahat, mahal ko kayo.

Matagal kong hinintay ang pagbaon ng sibat sa aking dibdib ngunit ilang minuto ang nakalipas at tila wala akong naramdaman na kahit ano. Agad kong dinilat ang mga mata at gulat ang bumungad sa akin.

Gulat kong tinitigan ang nakahandusay na katawan ni Axazel sa lupa, at magkahiwalay na ang ulo nito mula sa kanyang katawan. Anong nangyari sa kanya? Sino ang pumatay sa kanya?! Sino?!

Anong nangyari?! Anong nangyari kay Axazel na kanina lang ay nakangisi ito habang nakahandang isaksak sakin ang sibat na hawak nito?! Bakit siya nakahandusay at pugot ang ulo. Ano bang nangyari?!

"Hihiga kalang ba diyan?!"

Mabilis kong ibinaling ang tingin sa kung sino man ang nagsalita at hindi ko mapigipan ang sarili na mapanganga, nang dumapo ang tingin ko sa kanya na nakangiting nakatayo malapit sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili na mamangha at mabigla sa biglaan niyang pagdating at pagsagip sakin mula sa tiyak na kamatayan. Hindi ako makapaniwala nandito siya! Paano siya nakapunta rito?!

Dahan-dahang nabuo ang matamis na ngiti sa aking labi. Napaiyak ako dahil sa kagalakan na hindi ko maikubli. Hindi ako makapaniwala na iniligtas niya ako.

"Kailangan na nating umalis rito—" nakangiti nitong usal at masayang nakatingin sakin at tinulungan akong bumangon, "—Busa".

Tumatango ako rito at nakangiting sumagot sa kanya, "pagpahingahin mo muna ako—" masaya kong tugon rito at nakangiting inikotan ng mata, "—Shira."

ENCHORODIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon