IX

150 27 7
                                    

KABANATA IX: VA VIASGRE

(A/N: Ang Va Viasgre ay isang salita na gawa-gawa ko lang po. Bigla na lang po itong pumasok sa isipan ko while writing this kabanata. At ang ibig sabihin nito ay Hari na siyang namumuno sa isang Kaharian.)

HANILA

Pagkadating namin sa loob ng palasyo ay agad kaming nagtungo sa punong bulwagan kung saan mahahanap ang trono ng Va Viasgre.

Ang unang sumalubong sa amin ay ang nag-aalab na liwanag mula sa napakalaking kandelaryang yari sa mga mahahalagang bato na nagtatampok ng bawat kulay ng bahaghari. Ito'y nagpalabas ng kahanga-hangang daluyong ng liwanag na bumulusok patungo sa Va Viasgre. Waring isang gintong liwanag na nagmula sa langit na nagbigay ningning sa trono.

Ang Va Viasgre, na nakaupo sa kaniyang trono, tila kumikislap na parang mga bituin sa kalangitan dahil sa magarang kasuotan. Ang diwa ng kagandahan ay lalo pang napalalim ng marahang hampas ng hangin, dala ang amoy ng sariwang mga bulaklak mula sa mga hardin ng palasyo, na naglilikha ng isang maginhawang atmospera.

Sabay kaming lumuhod ng bumaling ang tingin ng Va Viasgre sa amin. "Magandang umaga sa inyo, Va Viasgre." Sabay-sabay naming pagbati.

"Ano ang nangyari sa pinagawa ko sa inyo?" umalingawngaw ang baritonong boses ng Va Viasgre sa apat na sulok ng punong bulwagan dahilan upang mapayuko ang lahat, maliban kina Zerena at Zeron.

Tumayo si Zeron mula sa kanyang kinaroroonan at humakbang paharap patungo sa Va Viasgre, na siyang ama niya.

"Sa aming pagmamanman at pagharap sa mga kentaurus ay nakakuha kami ng sagot na hinahanap namin. Ayon sa kanila, ang nagdaang kaguluhan sa bayan ng Magus ay hindi nila pakana," panimula niya sa marahang boses. "Sinabi pa nila na wala naman silang dahilan para kontrolin ang indora at atakihin ang mga mas mahihina at walang laban sa kanila."

Pagkatapos sumagot ni Zeron, muli siyang bumalik sa dati niyang puwesto at saka lumuhod. Napahugot ng malalim na hininga ang Va Viasgre sa binalita ni Zeron. At ang sunod niyang sinabi ay hindi namin inasahan.

"Alam ko," napasinghap kaming lahat sa gulat sa agadang pagsagot ng Va Viasgre. "Ngunit hindi ako sigurado kung tama ba ang mga nakita kong pangyayari sa hinaharap. Hindi gaano naging malinaw ang aking mga nakita. Ang dahilan bakit inutusan ko kayo na tumungo sa loob ng gubat ng Norioh ay upang makompirma ang hinala ko. At sa mga sinabi niyong impormasyon, napagtanto ko na tama ang hinala ko."

"Va Viasgre, bakit ang mga kentaurus ang pinagbintangan niyong may kasalan sa nagdaang kaguluhan?"

Nagulat ang lahat sa biglang pagtanong ni Feron. Bakit nga ba nasali ang mga kentaurus sa usapan, gayong wala naman silang ginawang masama.

May iba bang balak ang Va Viasgre kaya pinapunta niya kami roon? May mas malalim ba siyang rason kung bakit ang kentaurus ang pinagbintangan niya gayong wala naman siyang matibay na pruweba?

Wala sa sariling napatango ako at nang iniangat ko ang tingin sa Va Viasgre, nagulat ko dahil sa akin siya nakatingin. Nababasa niya ang iniisip ko? O halata lang talaga ang mga iniisip ko sa ekspresyon ng mukha ko?

'May mas malalim akong dahilan kung bakit iyon ang pinagawa ko sa inyo.'

Nanlaki ang mga mata ko at naestatwa sa aking kinaroroonan nang marinig ang boses ng Va Viasgre sa aking isipan. Kinakausap niya ako gamit ng kanyang isipan. Ibig ba nitong sabihin ay nabasa niya lahat ng mga iniisip ko? Marahil hindi lang ako kung hindi lahat kami. Hindi ako makakapagtago ng sekreto sa mga tao na may kakayahang basahin ang isipan ng iba.

"Hindi naman sa pinagbintangan ko ang mga kentaurus, sila lang kasi ang nakita ko sa aking pangitain na nakasama ng mga indora bago naganap ang kaguluhan sa bayan ng Magus," sagot ng Va Viasgre sa tanong ni Feron.

ENCHORODIANWhere stories live. Discover now