XLVI

63 22 18
                                    

KABANATA XLVI: PRIMO ANNO

AYUDISHIRA

Pagkagising namin kanina, una kong nakita ang isang librito na nakalagay sa maliit na lamesita malapit sa hinihigaan namin ni Busa. Dala ng kuryusidad, agad ko itong kinuha at binasa ang laman nito, at doon ko nalaman ang tungkol sa kasalukuyang antas at baitang namin. Kami ay nasa Primo Anno, ang unang baitang rito sa Akademya de Minika.

Ang dormitoryo na tinutuluyan namin ay mayrong tatlong kwarto, isang kusina at malawak na sala. Napagdesisyunan naming dalawa ni Busa na magsama sa iisang kama dahil sa pareho naman kaming babae. Maliban kay Hayanaré na nasa ibang kwarto. Gusto pa nga sana ni Busa na magsama kaming tatlo sa iisang kwarto pero agad akong sumalungat sa kanya at hindi pumayag sa nais nito.

Sa tanang buhay ko, hindi pa ko nakatulog na may kasamang lalaki sa iisang kama. Kahit sina Akira at Akita ay di ko pa nakasamang matulog. Aaminin kong gwapo si Hayanaré, pero di pa ko handang ialay ang bataan ko sa kanya. Char!

Kahit sino pang gwapong lalaki ang gustong tumabi sa'kin matulog ay hinding-hindi talaga ako papayag. Maliban na lang kung malaki ang tinatago niya… ang tinatago niyang pagkagusto sa akin.

"Um… Shira kanina pa kami naghihintay sa iyo. Nakalimutan mo na ba na ngayon ang unang araw natin sa pasukan?"

Agad akong napabalikwas ng bangon, nang napagtanto kong ngayon nga pala ang unang araw ng pasukan. Kung hindi pa sinabi sa'kin ni Busa ang tungkol rito ay malamang, hindi pa ko babangon mula sa kinahihigaan. Na maaari maging dahilan na hindi ako makapasok sa unang araw ng aming pasukan.

Nagmamadali akong tumakbo at kinuha ang damit na susuotin para sa araw na ito. Nagtataka nga ako kasi, hanggang ngayon ay hindi pa dumadating ang uniporme na dapat ay susuotin namin bilang mag-aaral. Naisip ko nga na marahil ay nahuli lang ang paghahatid, kaya sa ngayon ay ordinaryong damit lang ang susuotin namin na ibinigay ni Zerena sa amin. Agad kong hinubad ang suot na damit upang magbihis, ngunit agad ko din namang tinakpan ang dibdib nang naalala ko na nasa loob pala ng kwarto namin si Hayanaré.

Namula ang mukha ko sa hiya at nahihiyang yinakap ang sarili at nagsalita, "Um… Hayanaré… maaari bang t-tumingin ka muna sa likod? Alam mo naman na wala akong suot, tapos baka makita mo ang dibdib ko at—"

"Patawad pero wala kang dibdib, Shira. Parehong likod ang katawan mo."

Agad kong tinapunan ng matatalim na titig si Busa at malakas na binulyawan. "Hindi nakakatawa 'yon!"

Bakit ang sama ng ugali niya?! Ganun na lang ba kaliit ang dibdib ko?! Bakit ang dibdib ko na lang palagi ang nakikita nila?!

Pakiramdam ko tuloy, parang kasama ko pa rin ngayon si Eroth. Sa totoo lang, nasaktan talaga ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang napagtanto na ang pangit pala ng ugali ni Busa, ang sama ng mga binitawan niyang kataga na nag-iwan ng malalim na sugat sa aking puso na panghabambuhay kong dadalhin hanggang sa huling hininga ko.

Di talaga katangap-tanggap ang sinabi niya sa akin. Nung binigkas niya ang mga salitang iyon sa mismong harap ko, pakiramdam ko ay bata ang tingin niya sa'kin na puwede niyang sabihan ng kung anu-anong masasamang kataga.

"Shira, patawad sa aking sinabi. Ngunit kailangan mong malaman ang katotohanan, dahil tanging ang katotohanan lamang ang siyang magpapalaya sa iyo."

"Anong dapat kong malaman?" takang tanong ko rito. Bakit pakiramdam ko ay hindi maganda ang sasabihin niya sa akin, "wag na, alam ko naman na kabalastugan lang ang sasabihin mo?"

"Wala kang dibdib, malaya ka na."

"Buwesit ka talaga, Busa!"

Nanggagalaiti ko siyang hinabol para sabunutan, ngunit ang gago ay agad na tumakbo ng mabilis kaya hindi ko siya maabutan. Nagpaikot-ikot kami ng takbo sa lahat ng sulok ng bahay, ngunit kahit anong habol ko rito ay hindi ko talaga siya mahabol. Ang bilis niyang tumakbo, para siyang kabayo sa bilis.

Hinihingal akong napahinto sa paghabol sa kanya at tinapunan ito ng nakakamatay na tingin. Subalit ang walang puso kong kaibigan ay tumawa lang ng pagkalakas, at tila hindi man lang hinihingal sa paghahabulan namin.

"May oras pa pala kayong maglaro."

Napabaling ang tingin ko kay Hayanaré na walang emosyong nakatingin sa aming dalawa. Nakita ko ang pagbaling ng tingin niya sa'kin, ngunit agad din naman itong umiwas at mabilis na lumabas ng kwarto. Nagtataka akong tumitingin sa papalayo niyang pigura dahil sa kakaibang ikinilos nito.

May dumi ba sa mukha ko? Baka sa tingin niya pangit ako? Kapalit-palit ba ako? Bakit?!

Agad kong tinitigan ang sarili sa salamin upang tignan kung may mali ba sa mukha ko, subalit agad na namula ang mukha sa hiya nang nakita ko sarili na walang saplot pang-itaas. Mabilis kong yinakap ang sarili at nahihiyang yinuko ang ulo dahil sa kahihiyan.

Nagulat ako nang bigla kong naramdaman na may kung sino na sumuklob ng kumot sa akin at pinulupot sa katawan ko. Mabilis kong ipinaling ang tiingin sa likuran at nakita kong si Hayanaré ang gumawa nito.

Mabilis niya akong tinapunan ng tingin bago ipinaling ang titig sa kapatid at nagsalita, "magmadali na kayo dahil mahuhuli na tayo sa unang araw ng ating klasi." Pagkatapos nitong magsalita ay agad din itong lumabas ng kwarto na tila wala nangyari.

Natulala ako sa ginawa niya at hindi ko alam kung ano ang iisipin. Hindi ako makapaniwala na may kabutihan din palang tinatago ang lalaking 'yon. Akala ko wala siyang pakialam sa nangyayari sa kanyang paligid. Naputol ang malalim kong pag-iisip nang marinig ang kinikilig na boses ni Busa na umalingawngaw sa buong sulok ng silid.

"Ayiieee! May namumuong pag-ibig na pala sa inyong dalawa! Ayayay pag-ibig, nakakakilig! Ayayay pag-ibig, nakakainggit!"

Inis kong tinitigan si Busa dahil sa pang-uuyam nito. Mas lalo niya lang dinagdagan ang kahihiyan ko. Kasalan niya 'to, kung di dahil sa kanya ay hindi na sana umabot sa ganito ang lahat. Humanda ka sa'kin Busa, makakaganti din ako sayo, hindi man sa ngayon pero may araw ka rin sa'kin!

Nagmamadali akong kumuha ng damit sa aparador at mabilis na nagpalit ng damit, agad kong kinuha ang damit na nagkalat sa sahig at agad na inilagay ito sa dapat nitong kalagyan.

ENCHORODIANWhere stories live. Discover now