XLI

65 20 20
                                    

KABANATA XLI: KIDLAT AT APOY

TAGAPAGSALAYSAY

Sa loob ng silid ng pagmamatyag, naroon sina Va Viasgre Zechrom at punong-guro Propesor Eros nanonood sa mga ganapan sa loob ng isang kakaiba't mahiwagang hugis brilyanteng salamin– ang salamin ng pagmamatyag.

Nakatuon ang kanilang buong atensyon sa nagbabagang labanan. Ang laban nina Hayabusa, Zerena at Azazel ay tila isang malakas na ihip ng hangin na nagdala ng mainit na halumigmig na nagbigay init sa malamig sa silid. Tahimik nilang pinanood ang buong laban mula sa umpisa hanggang sa ito'y matapos.

Hindi makapaniwala ang Va Viasgre at ang punong guro na ginamit ni Zerena ang pinakamalakas nitong orasyon. Hindi nila inasahan na muling masaksihan ang mahika ni Zerana sa mahabang panahon. Hindi nila inakala na ang laki na ng pinagbago ng Prinsesa noong una nitong pagpasok sa Akademya. Naalala pa nila dati, na noon ang Prinsesa ang palaging pinoprotektahan dahil sa pagiging mahina nito, ngunit marami ang magbago rito na ikinatuwa ng lahat. Naging malakas ito na may pananandigan sa sarili at may malaking puso. Kung dati siya ang pinoprotektahan, ngayon siya na ang nagpoprotekta sa taong pinahahalagahan niya at nagbibigay halaga sa kanya. Natuwa sila dahil sa pagkapanalo nito, ngunit ang lahat ay hindi permanente.

Sa isang iglap, biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Ang dating mainit na hangin ay biglang naging malamig sa bawat segundong lumipas.

Nang muli nilang itinuon ang tingin sa mahiwagang salamin at pinanood ang sunod na magaganap ay bigla nilang napansin na may kakaiba. Kahit wala sila sa mismong lugar ng pinangyarihan, agad na naramdaman ng Va Viasgre at ng punong-guro ang kakaibang presensya ng isang malakas na nilalang na nagkukubli sa pagkakakilanlan ng iba.

Gusto man nilang tumungo sa lugar ng paglalaban, subalit pinigilan nila ang kanilang mga sarili na huwag makialam sa laban na hindi naman sa kanila. Nanaig ang kanilang tiwala sa mga bata na nakikipaglaban sa diablo, na mananalo ang mga ito.

***

"Kinagagalak ko kayong binabati sa pagkapanalo niyo laban sa isang mataas na uri ng diablo na si, Azazel. Ang ginawa niyo ay tunay na magiting at nakakamangha. Kayo ay dapat bigyan ng parangal sa ginawa niyong katapangan, lalo na kina Zerena at Hayabusa," nakangiti nitong wika at tinitigan si Hayabusa at Zerena. Gumanti din ng malapad na ngiti si Hayabusa rito at marahang yumuko upang magbigay galang.

Nalilitong tumingin si Zeron sa babaeng kaharap na bigla na lang sumulpot na tila kabute. Seryoso niya itong hinarap at tinanong, "sino ka?"

Nagulat ang babaeng ito dahil sa tanong ni Zeron na hindi niya inasahan. Maya-maya pa'y bigla itong napahawak sa sikmura at napatawa ng malakas.

"Walang nakakatawa sa sinabi ko. Sagutin mo ako, sino ka? At paano ka nakapunta sa ganitong lugar?" seryosong tanong ni Zeron rito.

"Sino ako? Hindi mo ba kilala kung sino ako? Ang bilis mo naman yatang nakalimutan kung sino ang kaharap—"

Agad nitong pinutol ang sasabihin, nang nakita ang paglipad ng bolang apoy patungo sa gawi nito. Mabilis itong kumilos at iniwasan ang biglaang atake ni Hayanaré, at lumayo ito sa Prinsepe ng ilang metro.

"Sa tingin ko alam ko na kung sino ka. Magaling kang magpanggap, nauto mo kaming lahat," seryosong wika ni Hayanaré habang naglalakad patungo kay Zeron. Binigyan niya ito ng matalim na titig at muling nagsalita, "pero hindi mo ako malilinlang, Azazel."

Mas lalong lumakas ang pagtawa nito sa pangalang binanggit ni Hayanaré. Napahawak ito sa sikmura dahil hindi nito mapigilan ang sarili na tumawa ng malakas. Matagal ng inasahan ni Azazel na agad siya nitong makikilala, dahil si Hayanaré ay nagtataglay rin ng itim na mahika katulad niya.

ENCHORODIANWhere stories live. Discover now