XXXIII

79 24 13
                                    

KABANATA XXXIII: LABYRINTHUS (Prt. 7)

HAYABUSA

Isang oras na kaming nagpapalitan ng atake ngunit ang bawat isa sa amin ay ayaw sumuko at magpatalo. Bawat pagsalakay na binibigay niya ay ginagantihan ko rin kung gaano kalakas at pulido ang mga pag-atake nito.

Ito ang kauna-unahang laban na binuhos ko lahat ng aking makakaya ngunit tila hindi pa sapat. Ito rin ang kauna-unahang laban na nagkaroon ako ng kalaban na ganito kalakas. Ngunit kahit gaano siya kalakas, hinding-hindi ko siya susukuan at mananalo ako kahit anong mangyari.

"Bakit ayaw mo pang sumuko?! Halatang nauubusan ka na ng lakas!" halata ang inis at pagkairita sa boses nito.

Napatawa ako sa sinabi niya. Ano tingin niya sakin susuko na lang ng ganun kabilis?! Hindi ako katulad ng iba na agad susuko kapag nakaharap ng malakas na kalaban. Oo aaminin ko na malakas siya, pero malakas din ako kaya lalabanan ko siya hanggang kamatayan. Ito ang laban na hindi ko susukuan. Ito ang laban na kailangan akong manalo.

"Huwag mo kong maliitin. Hindi ako katulad ng iba na agad sumusuko! Halata rin naman na  nauubusan ka na ng lakas tulad ko, at alam ko na alam mo na malapit ka na sa iyong limitasyon." sagot ko rito.

Sa halip na sumagot sa mga tinuran ko ay binigyan niya lamang ako ng kakaibang titig at ngumisi na tila nagpapahiwatig na may binabalak siyang masama. Nagulat ako nang bigla siyang nawala sa aking harapan, namalayan ko na lang amg duguan kong braso. Tama nga ang hinala ko na may binabalak siyang hindi maganda, at huli na bago ko pa iwasan ang ataking iyon.

Mabilis na dumaloy ang masaganang dugo sa aking braso. Agad kong pinunit ang laylayan ng aking suot na damit at itinali sa sugat upang matigil ang pagdurugo. Marunong naman akong gumamit ng mahikang panlunas ngunit ayaw kong mag-aksaya ng lakas. Iniipon ko ang aking enerhiya para sa laban ko sa diablong kaharap ko ngayon.

Binigyan ko siya ng matalim na titig ng bigla itong tumawa ng malakas. Tsk. Pagbabayaran mo ang ginawa mo!

Mabilis akong tumakbo patungo sa gawi niya na at agad ko siyang sinuntok ng malakas na mabilis niya namang nailagan. Napangiti ako dahil inasahan ko na ganun nga ang gagawin niya.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang pagngisi ko. Sinubukan niyang lumayo mula sa akin ngunit huli na ang lahat. Ngayon, ako naman ang hahalakhak sa ating dalawa. "AQUAPHYLLION!"

Mabilis ko siyang ginamitan ng aquaphyllion sa kanyang tagiliran na kinadaing niya sa sakit. Ang aquaphyllion ay isang uri ng mahika na kayang gumawa ng mga sandata gamit ang elemento ng tubig.

Mabilis siyang tumakbo papalayo sakin at hinawakan ang sugat nang dumaloy ang malansa nitong dugo sa kanyang tagiliran na kinangisi ko.

"Pagbabayaran mo ang ginawa mo!" nanggagalaiti nitong turan.

Bigla niya akong tinapunan ng mga bola na gawa sa buhangin. Nagtataka kong tinitigan ang mga ito. Ano na naman kaya ang binabalak niya?!

Sa sandaling tumama ang mga ito sa lupa ay isa-isa itong sumabog. Agad akong tumalon at lumayo mula sa mga ito ng gumuho ang lupa mula sa pagsabog.

"AQUAPHYLLION!"

Mabilis ko siyang tinira ng mga punyal na gawa sa tubig sa kalagitnaan ng aking pagtalon. Hindi niya inasahan ang pag-atake na iyon kaya natamaan siya ng mga ito.

Pagkalapat ng aking mga paa sa lupa ay dagli akong gumawa ng makapal na hamog at pinakalat sa buong paligid, upang harangan ang kanyang paningin na makakita.

"Oculus de verum." Agad na luminaw ang paningin ko at madali akong nakakita sa makapal na hamog na ginawa ko, na siyang bumalot sa buong pagligid.

ENCHORODIANWhere stories live. Discover now