XLVII

59 20 14
                                    

AYUDISHIRA

Pagkapasok namin sa loob ng silid-aralan, agad kong napansin ang mapanuring mga titig na siyang sumalubong sa amin. Di ko inasahan na ganun ang bubungad sa amin. Napayuko ako sa hiya at pagkailang dahil sa hindi ko makayanan ang mga titig nilang lahat. Hindi ko alam kung bakit ganyan sila makatitig sa akin, na tila sinusuri ang buong pagkatao ko.

May dumi ba sa mukha ko? May mali ba sa suot ko? Pangit ba ang ayos ng buhok ko?

Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Busa patungo sa panghuling silya at umupo katabi nito. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakayukong nakatayo sa harapan nilang lahat. Tahimik kong pinasadahan ng tingin ang loob ng silid-aralan pagkaupo namin sa umupuang napili ni Busa.

Ang apat na sulok na pader ay yari sa pinagpatong-patong na ladrilyong gawa sa matigas na tanso. Ang puting kisame ay may nakapirming aranya sa gitna, na sumasalamin sa makintab na sahig na gawa sa porselana. Kung iyong bibilangin, mayroong isandaang silya na likha mula sa matibay na kahoy rito sa loob ng silid-aralan. Kung ibabaling mo naman ang tingin sa harapan, makikita mo ang malaking puting pisara na nakalutang na tila ibon na may mga pakpak na walang tigil sa paglipad.

Ang laki ng aming silid para sa mga Primo Anno na katulad namin. Kung iisipin ay sampu lamang ang bilang naming lahat. Malawak talaga ang espasyo para sa bawat isa, at malayang makakaupo ang kahit na sino sa kahit saang silya na gugustuhin nila.

Nakita ko ang pagtayo ng kaklase kong babae at taas-kilay na naglakad patungo sa kinaroroonan ko. Nakapamaywang itong sa tumigil sa harapan ko at maarteng tinitigan ang kanyang mga kuko.

"Ayon sa impormasyong nalaman ko, may nakapasok daw na isang povré rito sa marilag na Akademya de Minika?" malakas nitong wila na tila pinaparinig sa lahat ang sinabi nito.

Bakit pakiramdam ko ako ang pinariringgan niya? Di ba puwedeng mag-aral ang mga povré na katulad ko sa isang prestihiyosong paaralan na katulad ng Akademya de Minika? Teka, saan niya naman nalaman ang mga impormasyong iyon?

"Anong ibig mong ipahiwatig?" nagtatakang tanong ni Busa rito.

Ipinaling niya ang tingin kay Busa at nakangising samagot, "gusto ko lang naman ipaalam sa lahat, na ang basurang kasama mo ay hindi nababagay sa marangyang paaralan na ito."

Napaawang ang labi ko sa gulat. Biglang kumulo ang dugo ko sa mga katagang binitawan niya. Ako nga ang pinariringgan niya. Sigurado ako na ako iyon, dahil wala namang ibang kasama si Busa kung hindi ako lang, si Hayanaré kasi ay nasa unahan namin nakaupo.

Hindi ko gusto ang talas ng pananalita niya. Di ko alam kung bakit kailangan niya pang pag-aaksayahan ng oras ang isang karaniwang taong katulad ko.

"Ayusin mo ang pananalita mo kung ayaw mong mawalan ng dila," malamig na wika ni Busa rito at matalim na tinapunan ng tingin ang kaharap.

"Pinagbabantaan mo ba ang nobilis na katulad ko? Mag-ingat ka sa pananalita mo?" matapang niyang sinalubong ang matalim na titig ni Busa at nakipagsukatan ng tingin rito.

Nakita ko ang pagtikom ng kamao ni Busa na tila handa ng suntukin ang babaeng kaharap namin. Bago niya pa iyon gawin ay agad kong hinawakan ang kamay niya at marahang pinisil ito, upang hindi niya ituloy ang pinaplano nitong balak. Dahil kapag nagkataon na sinuntok niya ang isang nobilis, siguradong mapapatalsik kami rito mula sa loob ng Akademya. At iyon ang mga bagay na hindi ko nais mangyari.

Kahit labag man sa loob ko, tatanggapin ko na lang ang kahit anong pang-iinsulto o pagpapahiya niya sakin. Kakapalan ko na lang ang aking mukha at iisipin na tila wala akong narinig para hindi ako masaktan. Ginagawa ko ito upang hindi mapatalsik rito sa Akademya, matagal kong pinangarap ang makapasok rito at hindi ko hahayaan na mapunta sa wala ang lahat ng paghihirap ko.

ENCHORODIANWhere stories live. Discover now