Chapter 88: Truth

Start from the beginning
                                    

"Scarlett!" muli nitong tawag sakin kaya naman napatayo ako at nagtungo sa pinto sabay itong binuksan.

Tiningnan ko siya ng matalim. "Ano ba! Hindi ba't sinabi ko na ayoko munang maistorbo ngayon. Hindi ba kayo marunong makinig?" galit ko sabi sa kanya

Napayuko naman ito. "Pasensya naman, pinagutusan lang ako ni Mommy." mahinahon nitong sagot

Napairap na lamang ako sa sinabi nito. "Pakisabi sa kanila na susunod ako. Itatago ko lamang mga gamit ko sa tamang lalagyan." saad ko sa dito

Bigla nitong ini-angat ang kanyang ulo at napangiti ng konti. "Okay, pero..." putol nitong sabi na ikinakunot noo ko

"Pero ano?" taas kilay kong sabi

"H-hindi ka naman nagaayos ng gamit mo. Ang pagkakatanda ko hinahayaan mo lang na makalat ang gamit mo sa loob." saad nito na nagpakaba sakin.

Shit! Oo nga pala. Hindi nagaayos ng gamit si Scarlett.

"Alam mo minsan nagbabago ang tao. Kagaya ko, naglilinis na ngayon." saad ko sa kanya pero pakiramdam ko hindi parin ito naniniwala.

Napaisip ito saglit at agad akong tiningnan mula ulo hanggang paa. "May na aalala ako sayo." wika nito na ikinakaba ko bigla.

"Huh? S-sino naman?" utal kong sabi

Nagisip muna ito saglit at hindi nagtagal napangiti ito. "Na aalala ko na! Kung paano ka ngayon kumilos yun din ang dating kinikilos ng kilala ko." wika nito

Tiningnan ko siya sa mata. "S-sino naman ang taong yun?" tanong ko na animoy hindi alam kung sino

Ngumiti ito sandali. "Edi si Sapphire! Siya lang naman ang malinis sa palagi sa kwarto." pagbanggit sa pangalan ko. "Pero–" dugtong nito na ikinahinto nito bigla

Tiningnan ko siya sa mata. Mapapansin mo ang kalungkutan sa kanyang mga mata.

"Pero ano?" kalma kong tanong

Nagbuntong hininga muna ito at tumingin saking mga mata. "Pero matagal na siyang patay. Hindi ko alam kung paano siya namatay. Mom said to me na kasalanan niya naman daw kung bakit siya namatay. Mabuti't hindi ka nadamay sa nangyari." saad nito na bigla kong ikinainit ulo.

Napapikit ako saglit upang pakalmahin ang aking sarili sa narinig. Kung ganon okay lang kay mom na mawala ako pero si Scarlett hindi sa kanya pwede.

"Ate Scarlett!" biglang tawag sakin ni Min kaya naman bigla kong iminulat ang aking mga mata.

"B-bakit?" pa-utal kong tanong

"B-bakit ka umiiyak? May problema ka ba?" alalang tanong nito kaya naman bigla kong hinawakan ang aking pisngi. May basa nga ng luha. Agad ko itong pinunasan at daling napabaling sa loob ng kwarto.

"Pakisabi sa kanila susunod ako." wika ko dito at sabay sinara ang pinto

Kumakatok si Min pero hindi ko siya pinapansin bagkus pinakinggang ko lang ang sinabi nito. "Ate, wag mo ng isipin yun. Wala ka namang kasalanan sa nangyari kay ate Sapphire. Hindi ka naman namin sinisisi dahil hindi mo siya nailigtas." saad nito na ikinahikbi ko bigla.

Wala kang alam Min, ako ang may kasalanan kung bakit namatay ang ate Scarlett ninyo. Kaya kahit anong sabihin mo na hindi ako maniniwala.

Napaupo ako bigla sa sahig at doon muli inalala ang lahat-lahat. I love Scarlett so much but because of my hatred towards her, all of the loves that i have to her is now gone. Kung hindi niya lang kinuha ang atensyon nila mom at dad edi sana hindi ito nangyari.

"Ate sumunod ka na lang. Sa library tayo maguusap." wika nito ulit

Tumayo ako bigla at agad binuksan ang pinto. Inayos ko muna sarili ko at nagtungo na sa library. Malapit lang room ko sa library kaya naman nakarating ako ka agad.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now