Chapter 8: Jealous

252 22 0
                                    

Chapter 8: Jealous

[Min Lee Han POV]

Nandito kami ngayon sa loob ng cafeteria, tahimik ang lahat maliban na lamang sa katabi ko na ubod ng kulit.

"Nathalie! Anong gusto mong i-order ko sayo.?" Makulit nitong tanong

"Alam mo kanina ka pa tanong ng tanong, ikaw na nga sabi bahala kong anong gusto mong bilhin." Singhal ko sa kaniya

"Gusto ko kasing malaman kung anong favorite foods mo." Aniya

Humarap ako sa kaniya, dahil doon nakita ko ang mukha ni Jirro. Parang manununtok na dahil sa galit.

Hayst! Ano ba kasing naisip ng ate ko. Bakit sa lahat ng plano, bakit ito pa. May masasaktan akong tao. Masasaktan ko ang taong mahal ko.

"Alam mo Derick, hindi naman ako mapili sa pagkain, ang ayaw ko lang yung may shrimp kasi may alergic ako doon." Saad ko sa kaniya na ikinatango nito

"Okay, bibilhan na kita." Nakangiti nitong sabi

Nang tumayo naman ito, sumunod ang iba pa niyang kasamahan maging ang kapatid niya. Dahil doon kami lang apat ang natira.

"Mae! Alam mo bang nakakainis na ang lalaking yun. Hindi ko na kaya ang kakulitan niya." Reklamo kong sabi sa kaniya na ikinalingon niya sa akin.

"Tiisin mo lang, alam ko naman na kaya mong gawin yan. Ito ang magandang plano upang sa ganon makalapit tayo sa kanila ng tuluyan." Sagot nito

"Eh paano naman kami Shin?. Hindi mo ba na isip ang nararamdaman namin? Kanina pa kami selo na selos dito. Parang gusto na naming pasabugin ang mga mukha nila." Biglang sabi ni kuya Jarold

"Jarold is right, kanina pa ako nagtitimpi. Hindi ko gustong makita na may humahawak sa kamay ni Min." Pagsang-ayon naman ni Jirro sa kapatid niya

Napalingon si Mae sa kanila sabay titig ng matalim. Kaya agad silang natahimik.

"Hindi niyo gusto ang nakikita niyo ngayon.?" Bigla nitong tanong

"Oo." Sabay nilang sagot

"Kung ganon wag na kayong pumasok sa school. Ang gawin niyo na lang asikasuhin ang company namin para mawala ang inis ninyo. Hayaan niyong kami na lang ni Min ang gagawa ng mga plano." Giit nitong sabi na ikinagulat nipang dalawa

"P-pero Shi.." She cut their words

"No buts.. Just do what i say. Mas madali naming gawin ang lahat ng plano kapag wala kayo. Walang nagseselos at nasasaktan." Aniya

Magsasalita pa sana sila ng biglang dumating sila Derick.

"Nandito na po order niyo." Wika nila

"Nathalie binilhan kita ng sandwich and softdinks." Saad nito sabay lapag sa mesa

"Salamat."

"Welcome, para sayo."

Hayst! Nagsisimula na naman siya.

"Bakit natahimik kayo? Kanina lang nakita ko kayong nag-uusap." Biglang singit ni Cedrick sa usapan

"Ah, yun ba? May sinabi lang kasi samin si Mae." Sagot ko

"Ano naman yun.?" Tanong nito

"Sinabi ko sa dalawa naming pinsan, na wag na lang pumasok sa school. Asikasuhin na lamang ang company namin." Sagot ni Mae sa kaniya

Sa palagay ko, hindi naniniwala samin si Cedrick, dahil kakaiba ang bawat salitang binibitawan niya.

"Ilang taon na ba sila.?" Singit na tanong ni Megan

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now