Chapter 49: The Truth

87 11 0
                                    

[Mae Shin POV]

Umuwi ako ka agad ng malaman ko ang buong katotohanan. Bago ako makarating ng mansion, dumaan muna ako sa bar na kung saan nandoon ang isa sa apat naming kapatid. Gulat ito ng makita niya muli ako, subalit napalitan iyon ng matamis na ngiti. Agad ko siyang nilapitan at hinila palabas ng bar.

"M-mae..a-ano bang ginagawa mo.?" Utal nitong tanong habang hinihila ko siya palabas ng bar

"We need to talk." Malamig kong turan dito

"Pwede ba sa susunod na lang. Marami pa kasi akong gagawin, beside may pupuntahan ka hindi ba.?" Wika nito na ikinakunot noo ko.

Tsk, kanina gusto niyang kasama ako tapos ngayon parang ayaw niya na.

"May itatanong lang ako. Sana masagot mo ng tama." Sabi ko na nagpabago ng ekspresyon ng mukha nito

"I'm sorry Mae..pero may trabaho ako. Next time na lang tayo magusap." Wika nito sabay talikod sa akin. Naglakad na ito papalayo sakin subalit tinawag ko siyang muli.

"Ace H-han!!.." Sigaw ko sa buong pangalan nito na ikinahinto naman nito sa paglalakad. Naglakad ako palapit sa kanya.

"Ang ganda ng name mo. Isa ka din palang Han. Bakit hindi mo sinabi sakin." Sabi ko habang palapit sa kanya. Lilingon na sana siya sakin ng bigla ko itong pinalo sa leeg at tuluyang nawalan ng malay. Agad ko naman siyang sinalo at isinakay sa kotse ko. Tingnan ko lang kung anong magiging reaksiyon ni Tyler kapag nakita niyang kasama ko si Ace. I'm sure, magugulat ito at doon hindi niya na ako maloloko.

Sumakay na rin ako ng kotse at pinaharurut ito ng mabilis. Hanggang sa makarating na ako sa mansion. Pagkababa ko nakita ko ang ibang bodyguard namin na naghihintay sa akin isa na doon si Kevin.

"Mabuti naman po at nakauwi na kayo miss Mae. Nag-aalala na po kaming lahat sayo, lalo na po si Mr. Song." Sabi nito

"Nasaan siya.?" Tanong ko

"S-sino po?"

"Tsk, si Tyler. Where he is.?"

"Ah, si sir Tyler po. Nandoon po siya ngayon sa pool naliligo po." Sagot nito

Naglakad na ako papasok ng bahay. Hindi pa ako nakakapasok ng biglang sumigaw si Kevin.

"Miss Mae, sino po itong kasama niyo? Bakit walang malay." Sigaw nito kaya naman napatigil ako.

Shit! Muntikan ko ng makalimutan. May kasama pala ako.

Agad ko siyang nilingon.

"Pwede bang dalhin niyo siya sa guest room. Kaibigan ko yan, naglasing kasi kaya isinama ko na lang muna dito. Baka kung mapano pa kasi siya." Wika ko

"Sige po."

Nang nakapasok na ako sa loob. Nakita naman sila Cloud na nakaupo sa sofa. Napansin niya siguro ang presensiya ko kaya naman agad siyang lumingon sa deriksyon ko.

"M-mae." Sabi nito kaya naman napalingon ang kasamahan nito

"Mae! Mabuti naman at nakauwi ka na. Akala namin kung napano ka na." Wika ni Mecca na nag-aalala talaga

"I'm okay. Wala namang nangyari sakin." Sagot ko

"Kumain ka na ba.?" Biglang tanong ni Cindy

"Busog pa ako. Kaya wag ka ng magluto." Sabi ko sabay talikod sa kanila

"Sandali, sino naman yang kasama mo.?" Wika ni Cloud kaya naman tiningnan ko sila Kevin, nasa likuran ko na pala sila.

"He's my friend." Tipid kong sagot na ikinataka naman nilang lahat

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now