Chapter 56: Kidnapped

79 11 0
                                    

"Hatred and Sorrow of the Mafia Empresses"
Written by: @LadyTorment

Chapter 56: Kidnapped

[Qin Sang POV]

Maaga akong nagising dahil sa ingay na aking naririnig sa labas ng kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit sila nag-iingay, hindi naman sila ganito. Ang tahimik ng bahay kapag gumigising ako ng maaga.

I don't have a choice, i what to know what's happening outside. Nagpalit ako ng damit, mamaya na lang ako maliligo, fresh pa naman ako. Lumabas na ako ng kwarto. Bumaba na ako ng hagdan, wala sila sa sala. Nakakapagtaka naman, kapag bumababa ako ng ganitong oras nandito sila nakaupo habang abala sa kani-kanilang gadget.

Nang makababa na ako, agad akong nagtungo sa kitchen. Kumuha ako ng maiinom sa refrigerator. Maging katulong wala din dito. Ano bang nangyayari sa bahay na ito. Lahat ng tao wala, saan kaya pumunta ang mga lokong 'yon. Nang makainom na ako, naglakad na ako pabalik ng sofa. Habang naglalakad bigla kong nakita ang isa sa maid nila Mae kaya naman tinawag ko ito.

"Kim!" Tawag ko sa pangalan nito kaya naman napalingon ito sa akin

"Ano po iyon young lady.?" Tanong nito sakin ng makalapit ito

"Ahm, alam mo ba kung nasaan sila Mae.?" Bigla kong tanong nito

"Maaga po silang umalis. Hindi na po nila kayo ginising kasi mahimbing daw po ang tulog niyo." Sagot nito na ikinataka ko naman. Maaga silang umalis, saan naman kaya sila pupunta.?

"Alam mo ba kung saan sila pumunta.?" Tanong ko muli dito

Agad naman siyang napayuko. Nakakapagtaka hindi naman siya ganito sakin kapag kinakausap ko. I feel something wrong.

"Miss Qin Sang, may gagawin pa po ako. Sige po maiwan ko po muna kayo." Wika nito

Hahakbang na sana siya papuntang kitchen ng bigla kong hawakan ang pulsuan nito.

"Sabihin mo, alam mo kung saan sila pumunta.?" Malamig kong turan dito na ikinatakot naman nito. Bigla kasi siyang nanginig ng magsalita ako.

"S-sa totoo po..wag ko daw po sabihin sainyo ito, sabi ni miss Mae." Nanginginig nitong sabi na ikinataas ng kilay ko

"Ano ang hindi pwede sabihin sakin.?"

"Kanina po kasing umaga, pinuntahan ko si miss Elle sa kwarto nito. Kaya lang po.." Bigla nitong natahimik

"Kaya lang ano.? Sabihin mo na sakin, ayoko na binibitin ako." Wika ko sa kanya kaya naman nagulat ito

"Kaya lang po...W-wala siya sa k-kwarto niya." Kinakabahan nitong sagot

"Anong wala siya sa kwarto nito.? Ang natatandaan ko nakita ko siya kagabi pumasok sa kwarto niya." Pagtataka kong sabi

"Iyon din po ang pinagtataka naming lahat. Hindi naman po siya lumabas ng kanyang silid kagabi kasi po nakalock na ang buong pinto maging ang mga bintana." Saad nito

"May nakita ba silang kakaibang gamit sa silid ni Elle.?" Tanong ko muli dito

Bigla naman siyang napaisip.

"Hmm, meron po." Wika nito na ikinakuha ng atensyon ko

"What is it.?"

"Isang panyo po na may sulat. Ang ginamit po panulat ay dugo." Sagot nito

"What? Blood? Are you sure.?" Gulat kong sabi sa kanya

Tumango naman ito bilang sagot.

Nang malaman ko na ang mga bagay na ito. Agad akong tumakbo pa akyat ng aking silid. Magpapalit ako ng damit, hindi pwede ganito ang isuot ko sa labas. I wear a black cargo pants, black croptop have printed "I will kill you". I wear black shoes. I love black, that's why i choose this color.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now