Chapter 57: The Real Matermind

75 11 0
                                    

"Hatred and Sorrow of the Mafia Empresses"
Written by: @LadyTorment

Chapter 57: The Real Mastermind

[Qin Sang POV]

"Wrong room my dear," wika ng taong tumutok ng baril sa aking noo

F*ck! Bakit hindi ko naramdaman ang presensya niya.

"Natatakot ka na ba ngayon?," wika nito ulit, sa tingin ko nakangiti siya ngayon dahil ang alam nya natatakot na ako. Tsk, in her dreams. Kahit kailan 'di ako natatakot. Wala akong pakialam kung barilin niya ako, siguraduhin nya lang na ipuputok nya ito dahil kung hindi...tapos ang maliligayang buhay nya.

"Tsk, sa tingin mo ba matatakot na ako sayo. Kahit ilang baril pa ang itutok mo sa noo ko, hindi ako matatakot," malamig kong sagot sa kanya na sa tingin ko ikinangisi nito.

Hindi ko siya makita. Madilim kasi sa loob.

"Hindi ka parin nagbabago Qin Sang. Ang tapang mo parin, akala ko matatakot na kita," wika nito na ikinakunot noo ko

Kilala nya ako?

"You know me?" gulat kong tanong sa kanya

Bigla nyang binaba ang baril at agad naglakad palapit sa'kin.

"nî hâo ma Qin Sang, wó de míngzì shì...Feng Yan. (How are you Qin Sang, my name is..Feng Yan.)" bigla nitong pakilala ng makalapit na sa akin.

"P-paanong-."

"Iniwan nyo ako magisa sa china. Hindi niyo man lang ako inisip," nagtatampo nitong sabi

"Feng..k-kasi-" magsasalita pa sana ako ng bigla nyang takpan ang bibig ko

"Shh, may papalapit dito," wika nito sabay hila sakin papasok sa kabilang kwarto. Agad niya naman itong sinara.

Tumingin ako sa buong looban ng kwarto. Masasabi mo talaga na isang demonyo ang nakatira dito. Sa kulay ba naman ng pintura lahat black maging ang mga kurtina at ibang gamit kulay itim. Pero bigla naalis ang tuon ko dito ng mapansin ko ang isang dalaga na nakahiga sa kama.

"Feng Yan!" tawag ko sa kasama ko, agad naman itong napalingon sakin

"What is it?" bigla nitong tanong

"Tingnan mo doon," turo ko sa nakahigang dalaga

"Tsk, lapitan muna lang. Magbabantay ako dito sa pinto, baka bigla pumasok ang demonyong Jingyan na 'yon," saad nito na ikinangiti ko naman

"Ganon mo na lang ba sabihin 'yon? Baka nakakalimutan mo kapatid mo ang lalaking sinasabi mong demonyo," saad ko na ikinagalit nito

"For your information, wala akong kapatid na demonyo," giit nitong sabi na ikinagisi ko naman

"Sinabi mo eh."

Naglakad na ako palapit sa dalaga, nang makalapit na ako doon ko lang siya namukhaan. Si Elle..si Elle ang dalaga na nasa harapan ko ngayon. Wala syang malay, bakit kaya.?

"Kurutin mo ang pisngi, magigising yan," rinig kong sabi ni Feng Yan

Sinunod ko naman ang sinabi nya sakin, agad ko naman kinurot ang pisngi nito. Nagising nga ako sya.

"Where I am?," bigla nitong tanong

Nilingon ko naman si Feng Yan na abala sa pagbabantay ng pinto.

"Feng!" tawag ko dito kaya naman napatingin sya sakin pero tiningnan nya ako ng nakakatakot na tingin. Akala nya naman matatakot ako sa tingin nya.

"Wag mo akong tingnan ng ganyan, baka gusto mo ipadala na kita sa impyerno," pananakot ko sa kanya na ikinangiti naman nito ng matamis

"Hindi ka talaga mabiro," wika nito

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now