Chapter 6: The Start

250 24 0
                                    

Chapter 6: The Start

[Mae Shin Han POV]

Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng office. Kaya napalingon kami doon. Iniluwa nito ang isang napakagandang lalaki. Subalit hindi ko inaasahan ang kaniyang sasabihin ng makita niya ako.

"Miss Han!"

Dahil sa kaniyang binanggit na pangalan, lubos na nagtaka ang mga nasa loob.

F*ck! Sira na ang buong plano ko dahil sa lalaking bigla na lang pumapasok ng walang pahintulot.

"Sino bang tinutukoy mo na miss Han?" Takang tanong nung impaktang babae (Megan)

Tiningnan ko yung lalaki, at binigyan ng matalim na tingin.

Subukan mo lang ituro ako, lagot ka talaga sakin mamaya.

"Tsk, hindi niyo ba alam na tinatakot niyo si miss Han." Saad nito na ikinanghina ng buong katawan ko

Wala na, sira na ang plano ko na sampung taon kong pinaghandaan.

"Ibig mo bang sabihin itong babaeng ito ang tinutukoy mong miss Han?." Wika ni Cedrick sa kaniya

"Yes, kaya lagot kayo."

"Hahaha, itong panget na babaeng ito isang Han?. Imposible! Halos nga maiyak na siya kanina." Biglang tawa nung Derick

"Kaya nga, imposible talaga na isa siyang Han. Dahil ang alam ko wala sila dito sa korea." Pagsang-ayon naman nung Jack

Tsk, diyan kayo nagkakamali. Ngayon na kilala ko na kayo, mas madali kong magawa ang mga plano ko. Besides hindi naman kayo naniniwala sa lokong lalaking ito.

"Sandali lang, na aalala na kita. Ikaw yung kahapon na muntik ng makaaksidente kay Megan." Wika ni Jack dito

"Tsk, ano naman kung ako yon?. Hindi ako pumunta dito upang makipag-away. I'm here to get miss Han." Saad nito na ikinalingon ng mga loko sa gawi ko, habang ako naman gulat na gulat.

"A-ako?" Bigla kong sabi

"Opo." Sagot nito

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa mga matatalim na mga mata na nakatitig sakin.

"Kung isa ka ngang Han, sino ang parents mo?" Biglang tanong ni Cedrick

"Hindi niyo na kailangang malaman." Sagot ko

"Tsk, dapat namin malaman dahil may hinahanap ang parents namin. Dalawang magkapatid na anak ng kaibigan nila. And also the owner of this school." Wika naman ni Derick

Nilingon ko silang lahat.

Kailangan ko na sigurong ipagtapat sa kanila ang totoo. Wala naman na akong choice, batid kong sa oras na ito alam na nilang isa ako sa hinahanap ng magulang nila.

Bago ako magsalita, huminga muna ako ng malalalim.

This is it.. Mae Shin kaya mo ito.

Ibubukas ko na sana ang aking bibig ng biglang...

"Ano sa tingin ninyo ang ginagawa niyo sa office ko.?" Wika ng pamilyar na boses, kaya agad akong lumingon sa gawi niya.

"Madam principal." Wika ng mga loko

"Hindi ko batid na binigyan ko kayo ng pahintulot na pumasok sa aking opisina." Saad nito

"Kami ang royalties, kaya maaari kaming pumasok dito." Biglang sagot nung Jack

"Paumanhin sainyo, pero kahit kayo pa ang royalties, hangga't walang pahintulot sa akin. Hindi kayo maaaring pumasok ng basta-basta."

"Madam principal, baka nakakalimutan ninyo isa sa mga nagpaangat ng paaralan na ito ay ang mga magulang namin." Biglang sabi ni Megan

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now