Chapter 48: Shocked

81 12 0
                                    

[Mae Shin Han]

Dali-dali akong tumakbo pababa ng hagdan. Gusto kong matulog subalit may biglang pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung nandoon pa ang mga dating gamit nila mom at dad sa lumang mansion.

"Nagmamadali ka yata.?" Bungad na tanong ni Cloud ng makababa na ako. Wala siyang emosyon.

Hindi ko siya pinansin bagkus binilisan ko ang aking paglalakad palabas ng bahay.

"And, where the hell are you going.?" Biglang tanong ng baritonong boses. It was Cedrick.

Hinarap ko siya. Nakita kong nagsitayuan ang lahat at agad na humakbang papalapit sakin.

"Tsk, none of your business." Malamig kong turan  na animo'y pinipigilan lang nilang hindi matakot.

"It's already ten o'clock in the evening. Pwede naman bukas ka na lang lumabas. It's dangerous." Wika ni Cloud na parang nag-aalala

"Tsk, kaya ko ang sarili ko. Kaya wag niyo akong pipigilan." Sabi ko sabay talikod

"Hindi ka ba makikinig samin?" Sigaw ni Mecca na ikinaharap ko muli. Tiningnan ko sila ng matalim at doon nawala ang tapang nila.

"Kailan ba ako nakinig sainyo.? I'm the empress. I'm the leader. And I'm the boss here. Kaya anong karapatan ninyong mangialam sa desisyon ko.?" Sabi ko habang nagpipigil ng galit

"Nag-aalala lang naman kami sayo." Wika ni Cindy habang nakayuko

Nakita ko si Maxine—sister ni Tyler. Palapit siya samin.

"Maxine, aalis ako saglit. Pwede ba ikaw na muna magbantay kila Elle at Nathalie.?" Hingi kong pabor sa kanya

"Ah eh, sure. Walang problema. Besides, hindi naman aalis ngayon." Sagot niyo

"Good" sabi ko

"Bakit? Saan ka ba pupunta.?" Taka nitong tanong

"May gusto lang akong kompermahin. Babalik din ako ka agad." Sagot ko

"Kompermahin?" Tanong nito

"Hindi ko muna pwedeng sabihin." Sabi ko

Hindi na ako tumagal pa. Iniwan ko na silang lahat. Baka kung ano pang itanong nila sakin. Hindi ko pa naman sigurado kong tama ang hinala ko.

Sumakay na ako ng kotse at agad pinaharurut ito ng mabilis. Malayo-layo rin ang dating mansion namin. Walang nakakaalam nito, ako lang yata. Dahil nakita ko na ito sa sketchpad ni dad. Maging ang address nakuha ko din. Kaya naman susubukan kong makapasok doon. Sana walang tao, at sana makapasok ako ka agad.

Habang nagmamaneho ako, may napansin akong kotse na kanina pa sumusunod sa akin. Kaya naman niligaw ko siya. Iniba ko ang deriksyon ng daan. Kilala ko ang kotse. Pero, imposible namang sundan niya ako. Kaya naman itinigil ko ang aking sasakyan sa tapat ng isang bar. Tumigil din ito, kaya naman lumabas ako ka agad at pumasok sa loob. Nang nasa loob na ako, napansin kong halos lahat ng gangster nandito. Hindi ko sila pinansin bagkus, umupo ako sa counter.

"One margarita please." Sabi ko sa bartender. Tumango lamang ito.

"Isa ngang red wine." Wika naman ng bagong dating.

Naupo ako ng maayos habang hinihintay ang order ko.

"Your margarita miss beautiful." Wika ng bartender, tiningnan ko ito sa mga mata. Infairness, gwapo siya.

"Thank you."

Yung kaninang sumusunod sakin, biglang nawala. Hindi ako nagkakamali, si Tyler yun. Akala niya siguro kung saan ako pupunta.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now