Chapter 58: Escaped

75 11 0
                                    

"Hatred and Sorrow of the Mafia Empresses"
Written by: @LadyTorment

Chapter 58: Escaped

[Mae Shin POV]

"It was Ze-" magsasalita pa sana si Feng Yan ng may biglang bumaril sa kanya kaya naman agad kaming lahat ay napadapa.

Hindi ko alam kung sino ang bumaril.

"Feng Yan, are you okay?" may pag-alalang tanong ni Xian sa kanya

Lumingon naman si Feng sa kanya at nginitian ito.

"I'm okay, daplis lang naman ito," sagot nito

"Sino ba kasi ang bumaril?" tanong ni Li Zi Feng

Agad naman akong tumingin sa ibang direksyon. I'm sure, nagtatago lang ang taong may gawa nun. Tumingala din ako sa itaas, imbes ang makita ko ay kalaban, si Qin Sang ang aking nakita. Anong ginagawa ng babaeng ito dito? Paano nya kami nasundan.

Lumingon din sya sa baba kaya naman nagtama ang aming mga mata. Sa hindi ko inaasahan ngumiti ito na tila may binabalak na masama. Hindi ko pa nga nakikita si Elle, wala pa kaming weapon.

"Mae, anong gagawin natin?," biglang tanong ni Tian Qi sa'kin. Nagisip naman ako ng plano.

"Xian, protektahan ninyo si Feng Yan. I'm sure, siya ang gustong patayin ng taong bumaril kanina," sabi ko sa kanya

Tumango naman siya.

Binalik ko ang aking tingin sa itaas ng kisame, binigyan ko ng nakakatakot na tingin si Qin Sang. Ngumisi naman ito pabalik.

"Makinig kayong lahat. Tatayo ako bigla kapag may bumaril dumapa ulit kayo. Kapag wala, tumakbo kayo palabas, isama ninyo si Yijun," saad ko sa kanila na ikinatango naman nilang lahat

"Bibilang lang ako ng tatlo, humanda kayong lahat. Kailangan nating makalabas dito ng buhay," bilin ko sa kanila

"May tiwala kami sayo Mae," saad ni Xain sakin

"Isa...dalawa..tatlo..GO!"

(Gun Shot..)

Walang bumaril sa amin dahil sa tulong ng nasa itaas. Tumakbo silang lahat sa labas habang ako naman naiwan dito sa loob. Nakadapa parin ako, naghihintay sa susunod na gawin ng kalaban.

"Ano pa ba ang ginagawa mo diyan? Dadapa ka na lang ba dyan habang ang mga kaaway ay parating na," biglang sabi ng pamilyar na boses, agad naman akong tumayo at nilingon sya.

"Hinihintay lang kita bumaba," walang emosyon kong sagot

"Parating na sila, kaya doon tayo sa second floor dadaan," sabi nito na ikinasangayon ko naman

Tumakbo na kami paitaas. Naririnig na kasi namin ang mga yapak ng mga kaaway.

"Saan tayo dadaan dito?" Bigla kong tanong ng makarating na kami sa itaas.

Nakita ko syang naglakad papalapit sa bintana. Agad niya naman itong binuksan.

"Dito tayo dadaan. Walang mga kaaway na makakakita sa atin kapag dito tayo dumaan," wika nito

"Tatalon ba tayo?" pataray kong tanong

"Kung gusto mong tumalon sige, basta ako gagamit ng tali," pilosopo nitong sagot

"Tsk, mauna ka ng bumaba," wika ko sa kanya

"Ikaw na muna Mae, susunod ako," saad nito

Wala naman akong magagawa, baka magaway pa kami dito.

"Sige, magiingat ka dito," sabi ko

Ngumiti naman ito bilang sagot.

Agad akong bumaba gamit ang lubid. Dahan-dahan ako sa pagbaba, baka bigla akong malaglag at marinig pa ng mga kalaban ang daing ko.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now