Chapter 65: Scarlett Joo

83 12 0
                                    

"Hatred and Sorrow of the Mafia Empresses"
Written by: @LadyTorment

Chapter 65: Scarlett Joo

[Scarlet POV]

"M-mae!" gulat nitong sabi ng makita niya ang aking mukha

Napangisi na lamang ako.

"I'm sorry Cloud, but she's not Mae," saad ni Zeke sa kanya

Biglang kumunot ang kanyang noo. "R-really? But-" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng bigla ko siyang nginitian ng nakakaloko

"I'm Scarlett, adapted daughter of Zeke. Alam ko kung bakit ganiyan ang reaksyon mo. Kamukha ko si Mae Shin Han," pagpapakilala ko sa kanya

Bigla itong tumingin sa mga kasamahan niya, sabay tingin sa akin.

"Nagsasabi ka ba ng totoo? Kasi para sa akin, niloloko mo lang ako," giit nitong sabi

"Hah? Ako manloloko?" mataray kong sabi sa kanya

"Zeke, ano ba ang kalokohang ito. Bakit nandito ang babaeng yan, hindi ba sabi mo kailangan natin siyang patayin ngayong araw tapos.. Ano ito? Bakit nandito siya," sunod-sunod nitong tanong kay Zeke

Biglang lumapit sa kanya si Zeke na dad ko.

"Alam mo Cloud, she's not Mae. She's my daughter. Kamukha niya si Mae dahil sinabi ko sa kanya na gayahin niya ang mukha ng kaaway natin, upang sa ganon makapasok siya paminsan-minsan sa mansion ng mga Han," paliwanag sa kanya ni Dad

"Bakit sa lahat ng pwede niyang gayahin na mukha, bakit si Mae pa? Pwede naman si Min o di kaya-" i cut he's words

"Hindi pwede ko pwedeng gayahin si Min dahil hindi siya umaalis sa mansion, at tiyaka hindi ko kayang gayahin ang ugali nito," saad ko sa kanya

"Edi yung iba na lang," ani niyo

"Tsk, wala na kayang ibang babae sa kanila. Si Qin Sang naman patay na kaya sino pa ang gagayahin ko hah?" malapilosopo kong sagot

"That's enough! Ngayon na alam niyo na ang lahat, siguro naman naintindihan na ninyong lahat. Kailangan natin makapasok sa mansion ng mga Han. Dahil nandoon ang lahat ng files na nakuha sa atin ni Mae. Kaya naman uutusan ko si Scarlett na pumunta na doon dahil napagalaman ko na aalis ngayon si Mae upang hanapin ako," panimula ni Zeke sa kanila

"Aalis si Mae para hanapin ka?" sabad ni Cindy sa kanila.

"Oo," tipid na sagot ni Zeke dito

"Kung ganon pupunta siya dito?" biglang sabi naman ni Clyde

"No, hindi siya pupunta dito. Dahil may inutusan akong tauhan na lituhin sila sa paghahanap. Dadalhin sila sa malayong lugar, kaya naman maraming oras ang aking anak para sa paghahanap sa mga files na itinatago ni Mae," wika nito

"Hindi ba makakahalata si Mae niyan? Kilala ko si Mae, bago siya kumilos may iniiwan muna ito ng-" hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin

"Kung natatakot ka na gawin ang plano, pwes wag ka na lang sumama. Besides, kaya ko naman na mag-isa lang ako," walang emosyon kong sabi sa kanya

"H-hindi naman sa takot ako,"

"Alam mo Derick, hindi mo ako maloloko sa mga sasabihin mo. Alam kong takot ka na makaharap mo si Mae, kaya nga si Mecca na lamang ang inutusan mo na bumaril sa kanya kahapon. Hindi ba?" malamig kong turan sa kanya na ikinagulat naman nito lalo na ni Zeke

"S-scarlett! H-how did you know a-about that?" utal-utal na tanong ni Zeke sakin

Bigla akong umupo sa sofa, sabay higop ng malamig na juice.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now