Chapter 10: Fake

187 16 0
                                    

Chapter 10: Fake

[Mae Shin Han POV]

"Sa wakas naka uwi na rin." Bungad na sabi ng aking kapatid ng makapasok na kami sa bahay

"Sige, Mae! Nathalie! Uwi na rin kami." Rinig kong sabi ni Derick na sabay naming ikinalingon ni Min

"Bakit kayo uuwi.? Ang alam ko dito kayo sa bahay titira." Wika ni Min sa kanila na ikinataka naman ng apat

"H-huh? Kami dito titira.?" Takang tanong ni Megan sa kaniya habang ako naman umupo sa sofa at pinakikinggan sila

"Oo, dito kayo titira." Sagot ni Min sa kaniya

"B-bakit naman kami titira dito.?" Si Derick na ang nagsalita

Tumayo ako at agad sinagot ang tanong nito.

"Hindi ba tutulungan niyo kami sa paghihiganti.?" Pagsisimula ko

"Oo, pero bakit kami dito titira.?" Saad ni Cedrick

Napalingon ako sa kaniya at ngumiti ng nakakaloko.

"Simple lang, kung tutulungan niyo kami, kailangan niyo nandito kayo sa puder namin upang sa ganon hindi na kami mahirapan na tawagan kayo." Pasigunda kong sabi

"Bakit ayaw niyo bang makasama kami.?" Biglang tanong ni Min sa kanila

"H-hindi naman sa ganon." Wika ni Megan

"Kung ganon, simula ngayon dito na kayo titira. Ayokong may makarinig akong rason.!" Saad nito na ikinagulat ng lahat

Galit kasi kung sabihin niya yun. Kaya nagulat sila.

"G-galit ba siya.?" Utal na sabi ni Derick

"Hmm, parang ganon na nga. Kaya kung gusto mo makuha ang loob niya at sagutin ka niya. Sumunod ka na lang sa gusto niya." Sabi ko sabay lakad paakyat ng hagdan

"Okay fine! Payag na kami pero uuwi muna kami upang kumuha ng mga damit." Wika ni Cedrick

Nilingon ko sila.

"Tsk, you don't need. May mga damit na kayo sa kwarto ninyo.
Kapag hindi niyo nagustuhan, sabihan niyo ako at agad ko naman tatawagan ang fashion designer ko para palitan." Sagot ko sabay ngiti sa kanila

"W-what the.!! Pinaghandaan mo talaga.?" Gulat nitong sabi

"Of course!  I'm Mae Shin Han. Gusto ko palaging handa." Sagot ko

"Kung ganon nasaan ang room namin.?" Biglang tanong ni Megan

"Just follow me." I said

Naglakad na ako paakyat habang sila nakasunod sakin.

"Matanong ko lang. Nasan sila Jirro at Jarold.? Hindi ba cousin mo din yun.?" Biglang tanong ni Cedrick kaya napahinto ako sa paglalakad na ikinahinto naman nila

"Wala sila dito, nasa kabilang bahay. May sariling buhay din ang dalawang yun kaya wag niyo ng hanapin." Turan ko sa kaniya

"Ay ganon!. Akala ko pa naman makakasama natin." Nakabusangot na sabi ni Megan

"Don't worry, dadalaw din sila dito kapag may oras." Sabi ko

"Wahh! Talaga!?  Di ako makapaghintay." Tili nitong sabi

"Megan! Ano ba! Tumigil ka nga!." Saway na sabi ni Derick sa kaniya

"Don't tell me may gusto ka sa kanila." Pabiro kong sabi

"Hmm. Kay Jarold lang naman." Wika nito na ikinalaki ng mata ko

Tsk, sa fiance ko pa talaga.

"Really.?" Saad ko

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon