Chapter 38: New Students

85 10 0
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 38: New Students

[𝐌𝐚𝐞 𝐒𝐡𝐢𝐧 𝐏𝐎𝐕]

Maaga akong nagising dahil papasok na kami sa paaralan. Wala naman ng problema, besides hindi ko na mahanap kung nasaan ang Nathan na yun. Kung tungkol naman sa dalawang Smith. Tsk, mabilis ko lang naman silang matalo.

Nakasuot ako ngayon ng school uniform, sa totoo hindi ako sumusunod sa patakaran ng paaralan kaya lang naisip-isip ko. Bilang isang tagapagmana kailangan kong ipakita sa lahat ng mag-aaral na kagalang-galang ako at hindi lang yun, may pinag-aralan din ako. Kahit alam ng iba na ang nais ko lang ngayon ay ang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng aming magulang. Wala na nga si Zeke, subalit batid ko parin na hindi siya ang totoong kalaban namin, meron pang iba na mabibigat kalabanin. Subalit hindi ko alam kung sino sa mga ito. Meron kasi akong tatlong pinababantayan na sa pakiramdam ko, isa sa kanila ang matagal ko ng hinahanap. Kaya lang wala pa akong makitang ibang impormasyon sa kanila maliban na lamang sa mga illegal business nito. Wag ko munang isipin ang mga bagay na yun, ngayon ang araw upang magligaliw. Napagod din ako this past week, dahil sa mga asungot na bigla na lang sumusulpot.

Lumabas na ako ng kwarto at agad bumaba ng hagdan. Habang pababa ako may mga boses na akong naririnig. Tsk, ang aga yata nilang magising. Sabagay, papasok kami sa school ngayon. Nang makababa na ako, halos matapilok ako dahil sa aking nakita.

"What the hell are you doing!?" Biglang kong tanong sa kanila na halos magulat ng makita nila ako

"Hi Mae!. Good morning!." Biglang bati sakin ni Cindy

"Tsk, what's good in the morning?" Pilosopo kong tanong

"Ah eh.."

"Mae, bakit nakasuot ka ng school uniform.?" Takang tanong ni Mecca sakin

What the! Hindi ba nila alam na oras ng pasok ngayon. Ano bang nasa loob ng utak nila, away at gulo.

"Alam—." Magsasalita na sana ako ng biglang dumating ang kapatid ko

"Hi, everyone! Good morning!. Ano ready na ba kayo.?" Bati nito sa kanila habang nakangiti, subalit ang ngiti nito ay bigla na lamang nawala dahil sa kaniyang nasilayan

"Even you Nathalie?." Sabi ni Mecca na may halong pagtataka

"Anong maging din sakin.?" Takang tanong ni Min sa kaniya

"B-bakit nakasuot kayo ng school uniform.?" Tanong ni Cindy

"Bakit? Hindi niyo ba alam na papasok na tayo sa school ngayon.?" Saad ni Min sa kanila na ikinagulat naman nilang lahat

"P-papasok ba tayo ngayon? Akala kasi namin matagal pa tayo babalik sa school." Pautal na sabi ni Derick

"Nathalie!" Tawag ko sa kaniya

"Yes ate."

"Mauna na ako sa school. Baka kasi malate ako kapag hinintay ko pa sila." Sabi ko

"O-okay ate. See you."

Naglakad na ako palabas ng bahay. Ay ewan, hindi ko malaman kung may kulang sila sa pagiisip o sadyang gusto lang nila akong magalit. Bago ako tuluyang makalabas ng bahay, narinig ko pang nagsalita si Min.

"Kayo kasi, alam niyo bang good mood si Mae ngayon. Pero sa ginawa ninyo, bad mood tuloy." Rinig kong sabi nito sa kanila

"Young lady, hihintayin pa po ba natin sila.?" Biglang tanong ng driver ko ngayon

"No Kyle, iwan na natin sila. May mga sariling paa sila para sumunod." Sagot ko

"Okay po."

Sumakay na ako ng kotse at agad sagpak ng earphone. Actually, walang music para marinig ko ang mga pinag-uusapan ng mga studyante kapag dumaan ako sa hallway. May nababalitaan kasi ako na may bagong studyante ang pumasok sa university na hindi pinaalam sakin. Sabagay, busy ako kaya wala na silang oras para ipaalam sakin.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now