Chapter 60: Unexpected Happened

87 13 0
                                    

"Hatred and Sorrow of the Mafia Empresses"
Written by: @LadyTorment

Chapter 60: Unexpected Happened

[Mae Shin POV]

"Nasaan na kaya si Mae?" wika ni kuya Xian habang kinakabahan. "Sana naman hindi siya nahuli," dugtong pa nito

Nang makalabas na kasi kami sa hide out na 'yon, agad kaming umalis. Una, ayoko pang sumama sa kanila dahil nga nandoon pa si ate Mae, baka kung mapano siya. Pero, sabi sakin nila kuya Tian Qi, kaya na daw ni ate ang makaalis doon mag-isa. Kaya naman wala na akong choice kundi sumama na sa kanila.

"She's okay, kilala naman natin si Mae, hindi 'yon magpapatalo sa mga kalaban," saad ni Tian Qi sa kanya

Nang makauwi na kami dito sa bahay, walang tao. Wala nga si ate Qin Sang, iniwan namin siya kanina dito.

"Matanong ko lang huh, nasaan si Qin Sang?" biglaang tanong ni Jin Yang kaya naman napalingon kaming lahat sa kanya

"Hndi ba, iniwan natin siya kanina dito?" sagot ni kuya Li Zi Feng sa kanya

"Eh, bakit hindi ko pa siya nakikita?" saad nito muli

"Baka tulog," sabad ni Tian Qi

Napatingin naman ako sa itaas. Parang may mali, dapat gising pa sya ng ganitong oras.

"Okay, para mawala yang pagtataka ninyo. Titingnan ko sya sa kwarto niya," saad ni kuya Jin Yang sabay tayo

"Bakit ikaw ang titingin? Dapat si Xian, girlfriend niya 'yon eh," wika ni Tian Qi sa kanya

Napalingon naman ako sa katabi ko.

"Hayaan niyo si Jin Yang ang tumingin," walang emosyon nitong sagot

Napatango na lamang kami sa sagot niya.

Agad namang tumakbo paakyat ng hagdan si kuya Jin Yang. Habang naghihintay kami sa kanya dito. May biglang sumipa ng pinto, kaya naman napatingin kami doon. Iniluwa nito ang isang dalaga na namumugto ang mga mata. Napatayo ako dahil sa gulat.

"M-mae," utal kong sambit sa pangalan nito

Wala siyang reaksyon.

Agad akong tumakbo palapit sa kanya sabay yakap ng mahigpit.

"What happened? Bakit ganiyan itsura mo?" bungad kong tanong sa kanya na may halong pagtataka

Hindi siya sumagot, bagkus umiyak ito ng malakas.

"A-ate, b-bakit ka umiiyak?" pagtataka kong tanong

Hindi parin siya sumagot.

"Min, mabuti pa paupuin mo muna siya, tiyak akong napagod siya sa nangyari," biglang singit ni kuya Xian

Tumango naman ako bilang sagot. " Ate Mae, halika.. Upo ka muna sa sofa," pagyaya ko sa kanya papuntang sofa

Nang makaupo na siya agad akong nagtungo ng kitchen. Kumuha ako ng tubig.

"Uminom ka muna ng tubig ate, para mawala yang kaba mo," saad ko sa kanya sabay lapag sa mesa ng baso

Kinuha niya naman ito at agad na ininom.

"Mae, akala namin napano ka na," bungad na sabi ni kuya Xian sa kanya

Ano bang nangyayari sa kanya. Bakit hindi siya sumasagot. Bakit namumugto ang mga mata niya. Bakit siya umiyak kanina.

"Mabuti pa, pagpahingahin niyo muna siya. Tiyak akong napagod siya kakatakas sa mga tauhan ni Yijun," saad ni Li Zi Feng

"Mabuti pa nga, bukas na lang natin siya tanungin," pagsangayon naman ni Jian Yi

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now