Chapter 79: Thailand Boys

78 11 1
                                    

[Scarlett POV]

"At saan ka naman nanggaling miss Scarlett!" biglang tanong ng kapatid kong chismosa

"Ahm, diyaan lang sa labas." sagot ko

"Ano namang ginagawa mo sa labas ng ganitong oras?" tanong nito na tila hindi naniniwala

"Nagpahangin lang," tipid kong sagot

"Ah! Nagpahangin." wika nito

"Bakit? May problema ba kung magpahangin ako." saad ko na may halong sarkastikong tanong

"Ahm, wala namang problema kung magpahangin ka, kaya lang..." pagbibitin nito

Biglang napataas ang kanang kilay ko sa sinabi nito.

"Kaya lang ano?"

"Kung nagpapahangin ka lang sa labas, eh bakit ganiyan ang suot mo?" wika nito sabay turo sa damit ko

Patay! Akala ko hindi niya nahalata.

"A-ano k-kasi..."

"Alam mo Scarlett kung magsisinungaling ka rin lang naman dapat yung hindi ko talaga malalaman. Kaya lang ngayon kitang-kita ko ang pruweba." saad nito na ikinayuko ko na lang

Wala talaga akong panama sa pagsisinungaling kung si Min ang kaharap ko.

"Oh! Ano! Sasabihin mo na ba sakin, kung saan ka galing. Baka gusto mo pa hulaan ko." panimula nito

"Okay fine! Hindi ako nagpahangin. May pinuntahan lang ako. Masaya kana sis," saad ko

"Hmm, kung hindi ako nagkakamali pumunta ka sa bahay nila Cloud, tama ba ako?"

Napatango na lamang ako bilang sagot.

"Ate naman! Bakit ka pumunta sa kanila!?" tanong nito na may halong inis

"I just want to know the truth." i said

"What truth?"

"If he really love me,"

"Are you insane? Matagal na niyang sinabi na hindi ka nya minahal."

"I know, but for me it was just a lie,"

"Here we go again. If he really loves you, sasabihin nya yun ng deritso. Pinapaasa mo lang sarili mo ate, hindi ka parin ba nadadala."

"I will prove to you, just wait!"

"Tsk, okay fine. But if you cry again because of him don't you dare to ask me what you will do."

"Min, why are you like this."

"Because i don't want to see you cry, and breaking your heart into pieces."

"It will never be happened again, promised,"

"Where not sure, just wait that day."

Bigla siyang naglakad papasok ng bahay.

"Wag kang mag-alala Min, sisiguraduhin kong hindi na muli akong masasaktan."

Naglakad na ako papasok ng bahay at agad umakyat ng hagdan. Matutulog ako ng mahimbing ngayon, dahil bukas may aasikasuhin ako.

Nandito na ako sa aking silid, 'di na ako nagdalawang isip pa, nahiga na ako at ipinikit na ang aking mga mata.

********

7:30 am...

Nagising ako dahil sa ingay ng aking alarm clock. Tumayo na ako agad pumunta sa bathroom upang maligo. Habang naliligo ako biglang tumunog anh cellphone ko. Kaya naman agad ko itong sinagot, dinadala ko ang phone ko sa loob ng bathroom dahil alam kong may tatawag sakin.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon