Chapter 42: Target

83 10 0
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 42: Target

[𝐌𝐢𝐧 𝐋𝐞𝐞 𝐏𝐎𝐕]

"I don't expect na ganito kang oras darating Nathalie. Alam mo bang tapos na ang morning class mo." Pagsesermon sakin ni Mae, hindi ko naman ginusto na hindi makapasok. Kung hindi niya kasi ako inutusan na sunduin si tita at Frank. Edi sana nakapasok ako.

"Pinasundo ko lang sayo sila tita at Frank. Pero bakit hindi ka nakabalik?" Muli nitong sabi

"Sa totoo Mae, kanina pa talaga sana ako nakabalik kaya lang..." I cut my words

"Kaya lang ano?"

"Kaya lang nakita ko si Elle na walang malay sa kalsada.  Alam mo namang maawain ako. Kaya naman wala akong choice kundi tulungan siya." Pagpapaliwanag ko, sana maniwala siya.

"Who's that Elle? I want to see her.?" She said full of anger

Tumingin ako sa may pinto. Nandoo siya sa labas nakasilip. Papapasukin ko ba? Tingin ko kasi natatakot na siya.

"Ahm, pwede ba Mae, next time ko na lang siya ipakilala sayo? Yung hindi ka na galit. Baka kasi matakot siya sayo." Mahinahon kong sabi

Itinaas niya ang kabilang kilay nito. Kaya naman agad akong tumakbo palabas at sabay hinigit papasok ng office si Elle.

"T-this is E-elle." Pagpapakilala ko sa kaniya

Napansin kong nagbago ang pigura ng mukha niya. Hindi mo na makikita ang galit nito ngayon.

"Hi, Elle. Nice meeting you." Masiglang bati ni Mae dito

"H-hi p-po. N-nice meeting din p-po." Utal-utal na sagot naman nito

"Okay, mabalik tayo. Bakit ka nawalan ng malay sa may kalsada? Alam mo bang delikado.?" Pagbabalik na tanong ni Mae

Hayst! Akala ko hindi niya na tatanungin.

"Ano—." Hindi ko na siya pinasagot pa. Baka mas lalo pa itong matakot dahil sa baritonong boses ng kapatid ko

"Ako na ang sasagot sa tanong mo Mae." Sabat kong sabi

Tiningnan niya naman ako ng nakakalokong tingin.

"Ganito kasi yun..Tumakas daw siya sa bahay ng kaniyang tiyahin dahil nais nitong ibenta siya sa isang club. Yung pinapasukan ng mga prostitute. Hindi niya gustong pumasok doon kaya naman naisipan niyang tumakas. Takbo siya ng takbo, hindi niya namamalayan na unti-unti na siyang nanghihina, kaya naman nawalan na itong malay." Panimula ko, tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata. Walang emosyon ito, bakit kaya? Hindi ba siya curious sa club na binaggit ko.

"Where's your family?" Muli nitong tanong na nagpahinto sakin maging siya

"A-ano k-kasi Mae—." She cut my words

"Bakit kayo nauutal diyan? Tinatanong ko lang naman kung nasaan ang parents niya. Bakit nakatira siya sa tiyahin niya." Saad nito na may halong pagtataka

"My parents died ten years ago. Pinasok ang bahay namin ng hindi nakikilalang mga tao. Walang awa nilang pinagpapatay ang buong family ko. Ako lang ang naiwan saamin. Kaya ng mawala sila, si tiya Lou na ang nagpalaki sakin. Pero hindi ko naman, mabait siya sakin noong una. Pero ng lumaki na ako, palagi niya na akong pinapagalitan hanggang sa sinabi nito sakin na kailangan ko na daw maghanap ng trabaho. Sa totoo, wala akong mahanap na trabaho dahil hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, kung kaya't naisipan niyang ibenta na lamang ako sa isang club na kung saan malaki ang kinikita ng mga kababaihan doon. Kahit hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral hindi ko pinangarap na pumasok sa ganoong trabaho lalo na kung katawan mo ang ipanggagamit doon. Kaya naman, habang maaga pa naisipan kong tumakas kaya lang natunugan nila. Wala akong ginawa kundi tumakbo lang ng tumakbo. Wala na akong pakialam kung saan ako mapadpad basta ang nasa isipan ko makaaalis sa bahay na yun." Mahabang detalya nito samin doon ko napagtanto kung gaano kahirap ang naranasan niya sa kamay ng kaniyang tiyahin. Mabuti at waka kaming ganoong tita, mabait si tita Cynthia kaya lang minsan nakakatakot din.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now