Chapter 22: Shocked

119 18 0
                                    

Chapter 22: Shocked

[Min Lee POV]

Nagising na lamang ako dahil sa nakakasilaw na liwanag na nanggagaling sa itaas ng kisame.

"Ano bang nangyari?" Bigla kong tanong sa aking sarili

"Mabuti naman at nagising ka na." Biglang sabi ng hindi pamilyar na boses

Agad ko naman itong hinanap. Nandoon siya sa may terrace. Napatayo ako bigla ng makita ko siya.

"Who are you? Paano ka nakapasok sa kwarto ko.?" Bungad kong tanong dito ng makalapit na ako

Bigla itong gumalaw at agad namang humarap sa'kin.

"Good evening, young lady." Bati nito sa'kin

Yes, gabi na nga. Akala niyo siguro umaga na. Hindi pa gabi pa lang.

"Sino ka b-." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng marinig kong may bumukas ng pinto

"Mabuti naman at nagising ka na. Alam mo bang tinakot mo kaming lahat." Bungad ng isang tao na nag-aalala

Agad ko naman ito hinarap.

"A-ate Mae!" Gulat kong sabi

"Min! Alam mo bang muntikan mo ng mapatay sila Zeke. Ano bang pumasok sa kukuti mo huh!." Tanong nito sa'kin

"Hindi naman siya namatay. Tiyaka dapat nga masaya ka dahil una kong papatayin ang taong dahilan ng pagkamatay nila dad." Singhal kong sabi

"W-what are you talking about.?"

"Hindi pa ba dumarating si Tyler.? Siya lang kasi ang tunay na nakakaalam ng sinabi ko."

"Tsk, kanina pa siya dumating. Actually, siya ang nagpatulog sayo kanina." Seryosong sagot ng ate ko

Dahil sa sinabi niya, napalingon ako sa lalaking nasa likuran ko ngayon.

"I-ibig sabihin, i-ikaw si...si.. T-tyler Song!?" Pa utal-utal kong sabi

"Tinawag niyo naman ako kanina, kaya dapat alam niyo na young lady." Aniya

"What the!. Bakit hindi mo sinabi kanina.!" Singhal ko sa kaniya

"Hehe, calm down young lady." He said

"Min, pwede ba tumigil ka. May problema pa tayong haharapin." Saad ng kapatid ko

"Ano namang problema yun.?" Mataray kong tanong

"Alam na nila na ikaw si Min Lee Han!." Sagot nito

"Yun lang naman pala, anong problema kung alam na nila kung sino ako.." Sabi ko

"Min, wala ka man lang bang reaksiyon?. Damn! Alam na nila na kapatid kita." Saad nito muli

"Alam mo at---. Wait! Alam na nila na ako si Min Lee Han na kapatid mo?" Gulat kong tanong

"Yup." Tupid nitong sagot

"But how?" Sabi ko

"Nakita nilang namula ang mata mo kanina lang na ang alam nila si Min at Ako ang may ganon." Aniya

Napaupo ako sahig dahil sa sinabi nito.

Wahh! Anong gagawin ko?. Tiyak na mas lalong nasa panganib na ang buhay ko. Hindi lang 'yon, tiyak na galit ang mga Chen dahil nagsinungaling kami sa kanila.

"Ate, anong gagawin natin.? Paano natin ipapaliwanag sa kanila ang lahat." Kinakabahan kong tanong

Napaupo rin siya sa tabi ko at hinarap ako.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now